Chapter 10

2294 Words
SA isang mamahalin na restaurant dinala ni Dwyane si Bella. "Babe, bakit dito pa? Pwede naman tayo sa---" "Shhh, babe," saway dito ni Dwyane. "It's a special night for both of us. Gusto ko special din ang lugar na pagdadalhan ko sayo," turan ni Dwayne habang inaalalayan si Bella sa pag-upo. Bagama't alam ni Bella na may pera ang kasintahan at kayang kaya nito kumain at dalhin siya sa kahit saan mang mamahalin na restaurant ng hindi nag-aalala sa kung magkano ang babayaran. Hindi parin niya maiwasan manghinayang lalo na noong tingnan niya ang prices na nasa menu. Bawat isang putahe ay pwede na nilang pang ilang araw na budget sa pagkain. "Ready to order?" Dwayne asked after a while. Nahihiyang napangiti si Bella sa kasintahan. Ang totoo ay wala pa siyang napipili kung ano ang gusto niyang kainin. Para kasi siyang nalula sa price at hindi makapagdecide. "I'll order for both of us," Dwayne decided. Knowing Bella, siguradong hindi ito nakatingin sa pangalan ng mga pagkain kundi sa mga presyong nakasulat doon.  "Mabuti pa nga," natatawa niyang turan at ipinaubaya nalang sa kasintahan kung ano ang kakainin nila. Habang umu-order si Dwayne, si Bella naman ay inilibot ang tingin sa paligid. Ang sosyal ng lugar kaya naman hindi nakapagtataka na mga sosyal din ang nakikita niyang mga kumakain dito. May nakita pa nga siyang sikat na artista sa hindi kalayuang mesa sa kanila. Sa isang pag-ikot niya ng tingin ay may nakita siyang pamilyar na bulto. Her boss, Lucas Thomas is also at the same restaurant. May ka-date ito na kilalang modelo at nakikita niya sa mga tv adds.  Probably his flavor of the night because for sure sa susunod na araw ay iba na naman ang ka-date nito. "Napakababaero talaga." Sa isip-isip ni Bella. Ngunit ano naman iyon sa kanya?  Kahit magpalit pa ito ng ka-date kada oras o kada minuto ay wala siyang pakialam. Agad niyang binawi ang tingin ng makita niyang dumako ang tingin ni Lucas sa mesa nila. Agad siyang nagpanggap na hindi niya ito nakita. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay bigla siyang kinabahan at naging un-easy sa kinauupuan niya. "Are you okay, babe?" asked Dwayne na ngayon ay tapos na sa pagbibigay ng order nila sa waiter. "Huh? A e... Hindi lang siguro ako sanay sa ganito ka sosyal na lugar." "Relax. They're just humans just like us." Bella sighed. Kahit ayaw niyang ikumpara ang sarili sa mga taong nasa paligid ay hindi niya maiwasan. Paano naman ay pakiramdam niya, para siyang ligaw na damo sa gitna ng mga  mamahaling halaman. Ganoon pa man sinubukan nalang niyang magfocus sa kasintahan. Kinuha ni Dwayne ang kamay niya. "Happy anniversary, babe!" "Happy anniversary too, babe," ganting bati niya dito. "I'm sorry again. Hindi ko talaga sinasadyang makalimutan---" "Shhh," saway ni Dwayne. "It's all good, babe. I understand and you're already forgiven. Now lets just enjoy the night, okay?" Nginitian niya ito at tumango. Isa sa nagustuhan at minahal ni Bella sa kasintahan ay ang ugali nitong napakadaling magpatawad. Mabilis itong magtampo ngunit ganoon din ito kabilis mapawi, lalo na pagdating sa kanya. "I love you, babe," madamdamin na turan ni Dwayne. "Mahal din kita, Dwayne. I may not be showy like you do, but that doesn't mean that I love you less." Sumeryoso si Dwayne. "I want to spend the rest of my life with you, Babe." Biglang kinabahan si Bella. Hindi pa siya handa sa gustong ipahiwatig ni Dwayne. Mahal niya ito ngunit hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang mas malalim na relasyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi pa magaling si Amarah... Oo at medyo maayos ito ngayong mga nakaraang araw pero hindi niya nakakalimutan na nasa panganib pa rin ang buhay ng anak niya. Isa pa, hindi parin siya tanggap ng mga magulang nito. "Dwayne---" "I know, babe. I was just letting you know--- I'm just waiting for you! Handa akong ibigay ang pangalan ko sayo at pati na rin kay Amarah, anytime you're ready," may dinukot ito sa bulsa at ibinigay kay Bella. Nakatingin lang si Bella sa maliit na kahon. Nakikinita na niya kung ano ang laman niyon. "Come on, open it," udyok ni Dwayne sa kasintahan. Lalong hindi makapag react si Bella ng makita ang kumikinang na malaking bato ng isang mamahaling singsing na siyang laman ng maliit na kahon. "Did you like it?" asked Dwayne. Ano nga ulit iyong kasabihan na,  Diamond are girls best friends. Kahit sino yatang babae ang bigyan ng ganito ka gandang singsing ay siguradong magugustuhan iyon lalo kung kasing gwapo at understanding na boyfriend ang magbibigay nito katulad ni Dwayne. Ngunit nahahati ang loob ni Bella. "I don't know what to say, Dwayne... Like I said, hindi pa ako handa---" "Like I said, maghihintay ako," kinuha ni Dwayne ang singsing at isinuot sa daliri ni Bella. "Sa ngayon sapat na sa akin na isuot mo ang singsing na 'to bilang simbolo na sa akin ka lang. Na balang araw, sa akin ka magpapakasal," turan nito at dinala sa mga labi ang kamay ni Bella na may suot na singsing. "Hindi pa naman siguro ako uugod ugod pagdating ng araw na handa ka nang magpakasal sa akin, diba?" may pagbibiro na dugtong nito. Natawa narin si Bella. "E di uugod-ugod narin ako niyon." "Kaya nga sana hindi ganoon katagal. Paano pa tayo gagawa ng maraming anak niyan kung pareho na tayo may rayuma,"  natatawang turan ni Dwayne. Ilang sandali ay dumating narin ang pagkain nila. Masaya silang kumain at nagkukwentuhan ng kung anu-ano lang. Likas na palabiro si Dwyane at hindi nauubusan ng kwento. Kaya naman naging masaya ang hapunan nila. Nawala narin ang attention at pansin ni Bella sa direction ng boss niya. Sa katunayan ay hindi na siya muli pang tumingin sa direction nito at ng kadate nito. Hindi niya tuloy nakita ang madilim na anyo ni Lucas habang nakatingin sa kanila. He can't believe that Bella is getting engaged right in front of his eyes. Naiinis siya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. He just simply hates seeing Bella in someone else arms and he can't do something about it. He has no right to feel that way, but he can't control his feelings. "Who are you looking at? Kanina ka pa tingin ng tingin doon ah," sita ni Avery. "Nothing. Don't mind me and just eat," wala sa mood na sagot ni Lucas dito. "What do you mean, nothing? Kanina ka pa mainit ang ulo tapos sasabihin mong nothing?" may inis sa boses na paninita ni Avery. Inis na nagpahid ng bibig si Lucas at inilapag sa mesa ang table napkin. "I told you I was not in a mood to go out, but you insisted. Tapos ngayon kung anu-ano ang napupuna mo sa akin." "Dahil ako nga ang kasama mo pero  nasa ibang babae naman ang attention mo. Sino ba kasi 'yan?" inis din na sagot ni Avery. Nanunulis ang nguso nito sa inis sa babaeng kanina pa tinitingnan ni Lucas. At ng halikan ni Dwayne si Bella ay biglang napatayo si Lucas sa inuupuan nito. "I'm done eating. I'll just wait for you outside," turan nito at madilim ang mukha na nagwalk out.  "What?" tanging naturan ni Avery sa kabiglaan sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Lucas sa mesa nila gayong hindi pa sila tapos kumain. Sa katunayan ay kakaumpisa palang nila. Si Frankie na siyang may-ari ng restaurant at pinsan ni Lucas ay nagtatakang nilapitan ang kaibigan na si Avery ng mapansin ang parang galit na pagwalk out ng pinsan nito. Siya ang nagpakilala sa kaibigang si Avery sa pinsan niya sa pangungulit narin nito. Malaki kasi ang gusto nito sa pinsan niya. "What happened to my cousin? Bakit nagwalk out yon?" tanong nito sa kaibigan. Padabog na tumayo narin si Avery na napahiya sa ginawang pang-iiwan sa kanya ng kadate. "I don't know. This is embarrassing, Frankie. I hate your cousin for doing this to me!" inayos ni Avery ang sarili at padabog na kinuha ang bag at sumunod na kay Lucas palabas. Nagtataka at napapailing nalang si Frankie habang nakatingin sa likod ng pinsan at kaibigang si Avery. "What the hell is happening?" kausap niya sa sarili. ❤❤❤ LUNES napagdesisyunan ni Bella na mas mahalaga ang bawat sintimong sasahurin niya kaysa sa pride niya sa  ngayon. Buong weekend niya rin ito pinag-isipan. "For Amarah," bulong niya sa sarili habang pumapasok sa building ng Thomas Global. Hihintayin nalang niya na ang boss niya ang mag-terminate sa kanya pero hindi siya kusang magri-resign. Agad siyang sinalubong ng impakta niyang supervisor. "Anong katangahan ang ginawa niyong mag-ina? Nawala lang ako saglit ay kung ano nang katangahan ang ginawa mo. Alam mo bang sa nangyari ay ako ang mananagot nito? Do you know how big is the mess you've created, Miss Jimenez?" nanggagalaiti sa galit nitong sita sa kanya. "Kaya ngaba hindi talaga ako pabor na tumatanggap sila dito ng dalagang-ina. Puro problema lang ang dala. Mga pakawala sa buhay, pati buhay ng ibang taong nagtatrabaho ng marangal ay nadadamay," litanya pa nito. Gustong mag-init ng ulo ni Bella sa mga pinagsasabi ng supervisor niya ngunit pinigilan niya ang sarili ng sagutin ito. "Calm down, Bella. You need this job!" paalala niya sa sarili. "I-I'm so sorry, Ma'am Grace," nakayuko nalang niyang paghingi ng paumanhin.  "Sorry? Ganoon lang? Alam mo bang sa nangyari ay pwede kang matanggal sa trabaho?" Napakagat siya sa labi. Alam na alam niya 'yon at kung hindi lang matindi ang pangangailangan niya ngayon sa pera ay hinding-hindi na siya tatapak sa building ng Thomas Global. Ang dami pang sinabi sa kanya ng supervisor pero pinabayaan niya nalang ito. Pasok sa kabilang tainga, labas naman sa kabila. "Kahit gustuhin kong ipagtanggol ka ay wala na akong magagawa kapag ang COO na mismo ang magdesisyon na tanggalin ka sa trabaho. Ngunit habang wala pang utos sa taas ay bumalik ka na muna sa pwesto mo," turan nito sa bandang huli. Ramdam niya sa tono ng boses nito na kung ito ang masusunod ay kanina pa siya tanggal sa trabaho pakunwari pang concern sa kanya. Pumunta siya sa pwesto niya sa reception area ng Thomas Global. Sinubukan niyang magconcentrate muna at gampanan ang trabaho niya.  Ngunit pakiramdam niya ay para siyang kriminal na naghihintay ng hatol. "Are you okay?" asked Dana nasa boses nito ang simpatya para sa kanya. "Huwag mo nalang intindihin ang impaktang 'yon. Feeling talaga kasi noon siya na ang susunod na reyna ng Thomas Global kaya over acting," dugtong pa nito na may kasamang engos. Napangiti siya sa tinuran nito. "I'm good, thank you. I deserve it anyway." Magsasalita pa sana si Dana ngunit tumunog ang telepono at sinagot muna nito habang siya naman ay inasikaso ang may edad nang babae na nagtatanong ng direction papunta sa comfort room na pwede nitong magamit.  "Diretso lang po kayo diyan and turn right, Maam," nakangiti niyang turo dito. "Thank you," turan ng babae at naglakad na papunta sa tinuro niyang direction. Tumango siya at muling ngumiti dito. Ngunit ang ngiti niya ay parang naging ngiwi ng pagtuwid niya ng tingin ay makita ang nagsasalubong na kilay ni Lucas Thomas. Mukhang kadarating lang nito at dahil katabi lang nila ang elevator ay natural na dadaan ito sa pwesto nila. Bigla yatang nanlambot ang tuhod niya na para siyang mauupos na kandila. Sinubukan niyang umakto ng normal. "Good morning, Sir!" nakayuko niyang bati ng tumapat ito sa kanya. Nakapikit pa ang mga mata at halos pigilin ang paghinga habang hinihintay na makalampas na ito sa kanila. "I want to talk to you in my office, Miss Jimenez," nasa tono nito ang pag-uustos. Biglang napatuwid ng tingin si Bella. "S-Sir?" gulat na napaangat siya ng tingin. Ang akala niya ay dumaan lang ito papunta sa elevator iyon pala ay huminto ito sa mismong harap niya. "Do I have to repeat myself, Miss Jimenez?" nang-uuyam ang tono ng boses na tanong nito ngunit blanko ang expression ng mukha. "Yes, Sir... I-I mean no, Sir..." kanda lito niyang sagot. "R-Right now, Sir?" she managed to ask. "Yes," tipid nitong sagot. Tumalikod na ito at naglakad papunta sa elevator. Napatingin si Bella sa kasamahang si Dana. Tumango lang ito na may pag-aalala. "Go, girl. Kaya mo 'yan," mahinang bulong nito. Kaagad naman siyang kumilos at sumunod papunta sa elevator kung saan nakabukas pa ito habang nasa loob na si Lucas. Kaagad na pumasok si Bella at isiniksik ang sarili sa gilid niyon. Dahil kanina pa nag-umpisa ang office hours, tanging sila nalang ang sakay niyon. Ngunit sa pakiramdam ni Bella ay napakasikip ng elevator. Lucas is tall ang masculine man. Halos masakop na nito ang buong lugar. Idagdag pa ang ang tension na nararamdaman niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Will he fire her? She really hope not! Nagsalubong ang kilay ni Lucas ng makita kung paanong animo may sakit siyang nakakahawa kung makaiwas sa kanya si Bella. Gayunpaman ay hinayaan niya nalang ito at tahimik sila habang umaakyat papunta sa floor kung nasaan ang opisina niya. "Good morning, Sir," bati ni Alina na agad na tumayo ng makita ang pagpasok ng amo. "Good morning, Miss Jimenez..." halata ang pagtataka sa mukha nito ng makita si Bella na nakasunod sa amo nito. "G-Good morning," ganting bati ni Bella dito habang si Lucas ay hindi manlang ito sinulyapan. Deretso itong pumasok sa opisina nito at ibinaba ang bag ng laptop at mga papeles sa mesa. "Make me a cup of coffee, Alina," utos nito sa nakasunod na sekretarya "Okay, Sir," tapos ay humarap si Alina kay Bella. "Do you want a cup of coffee or anything to drink, Miss Jimenez?" Umiling si Bella. "I'm good, thank you." "Okay," sagot ni Alina at lumabas na. Naiwan sina Bella at Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD