Chapter 9

2165 Words
LAKING gulat ni Jenny ng ibalita ni Bella dito ang nangyari at ang plano nitong magresign sa trabaho. "What? Kailangan mo ba talagang magresign?" Malungkot na tumango si Bella. "Anong gusto mong gawin ko? Kapalan ang mukha ko at patuloy parin na magtrabaho doon pagkatapos kong sagutin ang boss ko?" "I understand your point, but don't you think this is too much? And just a reminder, you need that job, Bella!" "I know, I know..." nagugulohan na nagkamot sa batok si Bella animo binagsakan ng langit at lupa ang hitsura. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya napigilan na huwag nalang sumagot dahil totoo naman na kahit saang angulo tingnan ay may kasalanan siya. Napabayaan niya si Amarah. Malaking pasalamat na ngalang niya at ganoon lang ang nangyari, paano kung nakalabas ito ng building at may nangyaring masama dito... baka siya na mismo ang sumakal sa sarili niya kung nagkataon. Pero sapat ba ang naging pagpapabaya niya saglit para mai-judge ang pagkatao at pagiging ina niya kay Amarah? "Ano pala ang nangyari sa lakad mo?" pag-iiba niya sa usapan nang maalala ang lakad kanina ng kaibigan. Umilap ang tingin ni Jenny. Nanlulumo itong muling napaupo. "Ayon, tinakbuhan nga ako ng gago kong supplier," malungkot na turan nito at halatang pinipigilan umiyak. "What the f**k! Napaka sira ulo naman niyon... Walang konsensiya ang walang hiya!" galit na turan ni Bella. Hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong nabubuhay sa panloloko at pinaghirapan ng iba. "I shouldn't have trusted him... Maayos naman kasi siya noong una, iyon pala ay pinakakagat niya lang ako para ipagkatiwala ko sa kanya ang mas malaking halaga," bagsak ang balikat na turan ni Jenny. Hindi biro ang halagang itinakbo ng walang hiya at manloloko niyang supplier. Paano na ang pamilya at mga kapatid na umaasa sa kanya ngayon? Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid at katulong ng magulang sa pagpapaaral sa mga kapatid. Ngunit ngayong naloko siya ay hindi niya alam kung paano magsisimula. Nagsisimpatya na nilapitan ni Bella ang matalik na kaibigan at inabutan ng tubig. "Paano na 'yan ngayon? Paano ka na?" Umiling-iling si Jenny. "Kailangan kong maghanap ng trabaho... Kailangan ko kasing ipambayad sa mga customers ko na tinakbuhan ng supplier ko ang puhunan at kaunting naiipon ko. Back to zero ako ngayon." "Kung pwede ko lang ipahiram ang kaunting naitatabi ko---" "Mas kailangan mo 'yon. Kailangan mo 'yon para sa operasyon ni Amarah. Kulang pa nga 'yon, diba?" Tumango si Bella. "Hindi ko naman maasahan na may maitutulong si ate  Gwen. Bagong panganak daw siya at mahigit dalawang taon nang walang trabaho dahil nga wala namang magbabantay sa anak niya. Hindi rin naman daw mayaman ang napangasawa niya kaya ang maitutulong lang daw niya ay ang maging bone marrow donor ni Amarah." "Kaya nga huwag mo nang ituloy ang plano mong magresign. Lunukin mo nalang muna ang pride mo. Mahirap maghanap ng trabaho dito sa Manila, kung mayroon man ay hindi kasing galante ng Thomas Global kung magpasahod." Tama si Jenny. Mas kailangan niya ngayon ang trabaho niya. Sa sitwasyon nila ngayon hindi niya pwedeng basta nalang pairalin ang pride niya. Malaking tulong ang sahod niya sa Thomas Global para mapunan ang kakulangan para sa operasyon at gastusin nito sa ospital. Nanlulumo niyang ibinagsak ang pagud na katawan sa munting sofa at wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Inaalala ang hitsura ni Lucas Thomas kanina. "He was really different than the Lucas I was with in Ilocos," hindi niya namalayan na nasambit niya pala ang laman ng isip niya. Kunot ang noong bumaling sa kanya si Jenny. "What do you mean?" "Huh? Nothing... Naisip ko lang, kung hindi ba ako kusang magreresign ay i-terminate kaya ako ng boss ko. Kung nakita mo lang ang galit niya kanina... tingin palang para nang mauupos ang tuhod ko sa takot." "E sino naman ang hindi magagalit? Importanteng dokumento ang ginuhit-guhitan ng anak mo... alangan naman bigyan ka pa ng award sa naging kapabayaan mo," nakaengos na turan ni Jenny. "Ewan ko ba naman kasi kay Amarah, sa dami ng papel doon sa opisina ay iyong importante pang dokumento ang napili," napapailing niyang turan. "At sa dami ng palapag at opisina sa kompanya niyo... sa opisina pa kamo ng boss mo napiling maghasik ng lagim." "Sinabi mo pa. Muntik ko na ngang napalo sa pwet e." Nasa ganoon silang pag-uusap ng dumating si Dwayne. "Good evening, ladies..." nakangiti nitong bungad sa pinto ng apartment. "Dwayne..." nakangiting sambit ni Bella sa pangalan ng kasintahan ng makita ito. "Walang good sa evening namin," si Jenny na hindi manlang pinagtuonan ng tingin ang bagong dating. "Babe..." lumapit si Dwayne kay Bella at binigyan ang kasintahan ng mabilis na halik sa labi at iniabot ang dala nitong bouquet ng mga bulaklak. "Thank you, babe," pasalamat ni Bella. "What happened here? Bakit para kayong naluging Bombay sa pautang na 5-6?" nasa boses ang pagbibiro nito. "Lalo na 'tong si parekoy." Lumapit pa ito kay Jenny at ginulo ang maiksi nitong buhok. "Huwag ka nga. Huwag ngayon, mainit ang ulo ko ha," inis na tinabig ito ni Jenny. "May dalaw ka noh? Ang sungit mo nanaman e. Oh, ito pansit." Abot dito ni Dwayne sa take out nitong pancit na may tatak ng kilalang restaurant. "Bakit ba sa tuwing makikita mo ako binibigyan mo ako ng pagkain, anong akala mo sa akin, patay gutom?" "Hindi ba?" nakangising turan ni Dwayne. Hindi manlang iniinda ang pagsusungit ni Jenny sa kanya. Sanay  na siya sa ugali nito. Magkaklase kasi sila noong high school at si Jenny din ang dahilan kung bakit nagkakilala sina Dwyane at Bella. "Ewan ko sayo, Unggoy!" padabog na tumayo si Jenny at inilapag nito ang pansit sa mesa sabay martsa papunta sa kwarto nito. Nagtatakang sinundan nalang ito ni Dwyane ng  tingin. "Anong nangyari kay parekoy, babe? Bakit over nanaman yon sa kasungitan ngayon?" tanong nito kay Bella at naupo sa tabi ng kasintahan. Malalim na napabuntong hininga si Bella. "Huwag mo kasing inaasar. Nakita mo nang mainit ang ulo e." "Ako? Ano bang ginawa ko, babe? Binigyan ko lang naman siya ng pansit... Alangan naman bulaklak din ang ibigay ko sa kanya eh hindi ko naman siya syota. Tsaka diba mahilig naman talaga siya sa pagkain?" "Hayaan mo na. Mainit kasi ulo niyon ngayon..." turan nalang ni Bella. Sanay na siya sa kasintahan at pinsan na parang aso at pusa mula pa sa simula. "Ano ba kasing problema niyon?" "Ayon tinakbohan ng walang hiya niyang supplier," napapailing na sumbong ni Bella. "What? Na scam siya?" gulat at may pagsisimpatya ang boses ni Dwayne. Tumango si Bella. "f**k, kaya naman pala mainit ang ulo ni parekoy." "Ikaw naman kasi, bakit naman kasi parekoy ka ng parekoy. Alam mo naman na ayaw niyang tinatawag mo siyang parekoy." Maganda si Jenny ngunit dahil sa para itong tomboy kung kumilos dagdag pa ang maiksi nitong buhok na gupit lalaki kaya niloloko ito lagi ni Dwayne at tinatawag na pare-koy. Ngumisi si Dwayne. "Parekoy ko naman talaga 'yon eh. Kita mo nga parang lalaki pa 'yon gumalaw sa akin. Mas maiksi pa nga ang buhok sa akin eh." Sinadya pang lakasan ang boses para iparinig kay Jenny. "Awww... Babe ang sakit..." daing nito ng kurotin ito ni Bella sa tagiliran. "Kulit mo kasi. Alam mo na ngang mainit ang ulo nang-iinis ka pa diyan lalo," nanlalaki ang mata na saway dito ni Bella. "Fine, I'll be good. Huwag ka na magalit. Smile ka na, diyan," paglalambing ni Dwayne kay Bella. Nilapirot pa ang magkabila niyang pisngi. "Ganda talaga ng Babe ko oh kahit nakasimangot," paglalambing nito. "Lakas mo mambola e noh? Anong nakain mo at good mood ka ngayon?" "Anong bola? Totoo namang sobrang ganda ng girlfriend ko," turan nito na may kasama pang pangingiliti sa tagiliran ni Bella. "Ay ano ka ba? Lakas ng trip mo ah." nakatawa nang iwas ni Bella sa pangingiliti ng kasintahan sa kanya. "Saan pala si Kulit? Bakit diko yata nakikita?" maya-maya ay tanong ni Dwayne habang nagpapalinga- linga. "Andoon sa kwarto. Sinabihan kong huwag lalabas ng hangga't di ko sinasabi." "Bakit?" "Pasaway eh. Kaya ayon pinarusahan ko para madala. Nagiging matigas na kasi masyado ang ulo, hindi na ako pinapakinggan." Tumayo sa inuupuan nito si Dwyane at naglakad papunta sa kwarto kung nasaan si Amarah. "Saan ka pupunta?" tanong ni Bella dito. "Ibibigay ko lang 'tong barbie sa kanya," sagot ni Dwayne na inangat pa ang kahon ng laruan na dala. "Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko pinaparusahan ko, tapos pupuntahan mo naman at bibigyan pa ng laruan?" "But I promised to give her this doll." nagkakamot sa ulo na turan ni Dwayne. "Give it to her later. Kumain ka na ba?" tanong ni Bella ng mapansin ang oras. "Nope. I wanted to take you out for dinner. Kaso wrong timing ata, mainit ang ulo ni parekoy. Walang bantay kay Amarah." Sinadya pa nitong lakasan ang boses sa direction ng kwarto ni Jenny para magparinig. "Dwayne!" mahinang saway dito ni Bella. "What?" nakangising tanong ni Dwayne. Inambaan ito ni Bella ng suntok. "Sira ka talaga! Magpansit ka nalang muna. Next time nalang tayo kumain sa labas. Wala rin ako sa mood kumain ngayon sa labas." Dahil sa tinuran ni Bella ay si Dwayne naman ang biglang nalukot ang mukha. "But its our 1st anniversary," bakas sa boses nito ang pagka-dissapoint dahil mukhang nakalimutan ng kasintahan ang mahalagang araw na iyon para sa kanilang dalawa. Mabilis na nag-isip si Bella kung anong petsa ngayon. Napakagat siya sa labi ng maalala na ngayon nga ang 1st anniversary nila ni Dwayne bilang magkasintahan. "I-I'm so sorry! I-I--- Babawi ako." Lumapit siya sa kasintahan at yumakap sa baywang nito para pawiin ang pagtatampo nito sa kanya. But Dwayne didn't say anything. Mukhang talagang nasaktan ito at malaki ang hinampo. "Babe, huwag ka nang magtampo oh. I really didn't mean to forget our anniversary. Napakarami ko lang talagang iniisip nitong mga nakaraang araw, alam mo naman yon, diba?" "Nang makilala kita, tanggap ko na agad na hindi ako ang magiging 1st priority mo at okay lang sa akin iyon. Mahal kita at iyon ang importante sa akin... Pero minsan hindi ko lang talaga maiwasang isipin na parang hindi ako mahalag sa'yo. Na hindi mahalaga sayo ang mayroon tayo. It"s our first anniversary being a couple, but you forgot about it," puno nang hinampo na turan ni Dwayne. Nasa ganoong pag-e-emote si Dwayne ng lumabas si Jenny mula sa pinto sa  may bandang likod nila. "Hay ang drama!" nakaengos na turan nito. "I-date mo na nga 'yan, bes. Baka bumaha pa ng luha dito sa pagda-drama ng isa diyan," panunukso ni Jenny kay Dwayne. "Hay, grabe kang maka-timing. Panira ng moment," reklamo dito ni Dwayne. Si Bella ay nilingon ang pinsan. "Are you sure, bes?" Tumango ito. "Kaysa naman maski sa panaginip ko ay maririnig ko ang kadramahan ng isa diyan. Sige na, pagbigyan mo na 'yan. Ako na ang bahala kay Amarah." Dahil sa sinabi ni Jenny ay napangiti ng abot tainga si Dwayne. "The best ka talaga, parekoy. Hindi mo talaga ako kayang matiis." Sinamaan ito ng tingin ni Jenny. "Dahil diyan parekoy, papautangin kita pang palit sa puhunan mong na scam," turan dito ni Dwyane na hindi pinansin ang masamang tingin dito ni Jenny. "Ayaw ko ngang mangutang sayo. Hindi naman tayo friends noh," engos dito ni Jenny. "Kita mo 'to. Siya na nga pinapautang siya pang umaayaw. Magpinsan nga kayong dalawa," naiiling na turan ni Dwayne. Paano ay inalok niya rin si Bella na tutulungan niya ito sa mga gastusin sa pagpapagamot kay Amarah ngunit matigas din nitong tinatanggihan ng paulit ulit ang tulong na inaalok niya. "Because I know that you're doing it out of pity," sagot dito ni Jenny. "Isa pa, ayaw kong magkautang na loob sayo." "Pity agad-agad? Hindi ba pwedeng concern lang ako dahil kaibigan ka ng girlfriend ko at magparekoy tayo?" "Ayaw ko parin. Maghahanap nalang ako ng trabaho," sagot dito ni Jenny. "Oh e tamang tama. Pwedeng-pwede  ka doon sa construction site. Kulang kami ng tauhan na taga halo ng semento. Pwedeng- pwede ang malalaki mong braso doon," nasa boses ni Dwayne ang pagbibiro. "Gago ka talaga e noh? Paano kung sabihin ko sayong nagbago na pala ang isip ko hindi na ako magyayaya kay Amarah, aber?" "Ito naman, hindi na mabiro." Humarap si Dwayne kay Bella. "Babe, bihis ka na. Baka mag-bago pa ang isip ni parekoy." Tiningnan na muna ni Bella si Jenny para siguraduhin na okay lang talaga dito na lalabas sila ni Dwayne at ito ang maiiwan kay Amarah. Tumango si Jenny. "I-date mo na tong gagong 'to bago pa 'yan magbigti sa puno ng kamatis." Napapailing nalang si Bella sa tuksuhan ng kaibigan niya at ng kasintahan. Pero alam niya na kahit parang aso't pusa ang mga ito. Totoo ang concern ng mga ito sa isa't isa. At kahit pabiro ang pag-aalok ni Dwayne na pautangin si Jenny ng puhunan. Bukal sa loob nito iyon at alam din iyon ni Jenny.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD