DAHAN-DAHAN siyang kumatok sa pinto ng malaking opisina ng COO. Pinagbuksan siya ng pinto ni Alina, bago kasi siya makarating sa main office ng COO ay dadaan muna siya sa secretary nito.
"Nasa loob ang anak mo," turan nito na parang may pakikiramay sa tono ng boses nito.
"T-Thank you!" kagat-kagat ang labi sa kaba na naglakad siya papunta sa nakasaradong pinto.
Nahinto siya ng pigilan siya ni Alina. "Mainit ang ulo ni sir Lucas," babala nito na halos pabulong lang.
"Paano nakapasok dito ang anak ko?" may pagtataka niyang tanong.
"Hindi ko rin alam e. Kanina kasi kameeting namin sir Armand sa office niya. Pagbalik namin nandatnan nalang namin ang anak mo dito."
"Anong gagawin ko?" humihingi ng saklolo niyang tanong.
"Huwag ka nalang sumagot. Hayaan mo lang siyang magalit," advice nito.
Tumango nalang siya bilang tugon tapos ay marahan siyang kumatok sa nakapinid na pinto.
"Come-in!" dumadagong-dong ang galit na boses ni Lucas Thomas mula sa loob baga man at mahahalatang kontrolado ang taas ng tono.
Dahan-dahan na binuksan ni Bella ang pinto. Agad na sumalubong sa kanya ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni Lucas. Nang-iikot niya ang paningin ay nakita niya si Amarah na printing nakaupo sa malaking sofa at may nilalantakan na tsokolate. Madungis ang mukha nito at puno ng bakas ng tsokolate at ang maliliit na kamay nito ay ganoon din. Ang malaking sofa na inuupuan nito ay may bakas din ng mga fingerprints nito na may tsokolate at ang pinaka nagpalaki ng mga mata niya ay ang nagkalat na mga papeles na bukod sa mga bakas ng tsokolate ay may mga marka din at drawing mula sa pink at blue na color pen ni Amarah.
"Hi, Mommy! Kakain ako shokolet... Gusto mo ba?" nakangiting alok pa nito na ikinakaway ang kamay na may hawak na malaking bar ng toblerone sa kanya.
Hindi malaman ni Bella kung anong mukha ang ihaharap niya sa boss niya. "I-I'm so sorry, Mr. Thomas!" nakayuko niyang hingi ng paumanhin dito. Hindi niya magawang salubongin ang nagbabaga nitong mga mata sa galit.
Sa mabilis na mga kilos ay agad niyang nilapitan ang mga papeles at isa-isang pinupulot.
"Diba, sinabi ko sayo na huwag kang aalis doon sa tabi ko? Bakit hindi mo ako pinakinggan?" kausap niya kay Amarah.
"Nabored na kasi ako doon, Mommy. Dami-dami ko na nadrawing hindi ka parin tapos sa work mo. Tsaka gugutom na kaya ako," rason nito.
"Paano ka bang nakarating dito?" patuloy niyang pagtatanong habang patuloy din sa pagdampot ng mga papeles.
"Sasakay ako doon sa kwarto na naandar, Mommy. Tapos hindi ko na alam paano bumalik. Tapos pasok ako dito. Ganda dito, Mommy. Dami sila shokolet," turo pa nito sa isang office kabinet na makikita mula sa salamin nitong pinto ang iba't ibang klase ng imported na tsokolate. Mukhang collection iyon ni Lucas.
"Diba sinabi ko sayo na huwag kang makikialam ng mga bagay bagay ng hindi nagpapaalam?"
"Nagpaalam po ako Mommy sa kabinet kasi ala aman tao e," sagot nito, walang kamalay-malay kung gaano kalaki ang gulo na nagawa para kay Bella.
Napapikit si Bella sa pagpipigil na magalit kay Amarah. "What you did was wrong, Amarah. May tao man o wala hindi ka parin dapat nakikialam ng gamit ng iba."
"Sorry, Mommy!" parang maiiyak na na paghingi ni Amarah ng paumanhin sa ina.
Nilapitan ito ni Bella at pinunasan ang mga bakas ng tsokolate sa mukha nito gamit ang panyo niya sa bulsa. "You have to say sorry to my boss and promise me you will not do it again, okay?"
Tumango si Amarah at nag-angat ng nagpapaumanhing tingin kay Lucas. "Boss pogi, sorry po."
Lumapit si Lucas sa mag-ina at binuhat niya si Amarah mula sa kinauupuan nito at inilabas ng opisina niya. "Bantayan mo ang kutong lupa na 'yan," matigas ang boses na utos nito kay Alina.
"Boss pogi, huwag niyo po aawayin ang mommy ko ha. Hindi na po ako uulit. Ayaw ko na ng shokolet," si Amarah sa mangiyak-ngiyak na boses. Nag-aalala ito para sa ina dahil sa nakikitang galit sa mukha ng boss ng ina.
"I will just talk to your mom," sagot dito ni Lucas tapos ay isinara na ang pinto. Nilapitan nito si Bella at kinuha ang mga papeles na nasa kamay ng dalaga. "Anong klaseng ina ka? Hindi mo alam kung saan-saan na nakakarating ang anak mo?" bakas ang galit sa boses na sita nito.
"I-I'm so sorry, Mr. Thomas! Hindi ko talaga alam na makakarating dito ang anak ko. She was just there next to me--- I-I was---"
Itinaas ni Lucas ang mga papeles na hawak. "Alam mo ba kung gaano ka importante ang mga papeles na 'to? Alam mo ba kung ilang milyon ang nakapaloob sa kontrata na nakasulat dito? Tapos ginuhit-guhitan lang ng anak mo?"
"Huh?" nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkabigla. She wanted to say something, but couldn't find the right word to say. "I-I'm very sorry, Mr. Thomas! I really am..." she said instead.
"Sorry?" turan ni Lucas sa mataas na tono na halos magpatalon kay Bella sa takot.
"A-A-Aayusin ko nalang---"
"Aayusin mo? Paano? Alam mo bang pinuntahan ko pa 'to ng Thailand para mapapirmahan sa supplier natin doon?"
Nakagat ni Bella ang labi niya sa takot na baka saktan siya ng lalaki sa sobrang galit nito.
"B-Baka may paaran pa---baka, baka pwede pang mabura ang mga sulat." Sinubukan niyang kunin sa kamay ni Lucas ang mga papeles ngunit iniwas ito ng huli.
"f**k!" sigaw ni Lucas na tinapon sa ere ang mga papeles at nagkalat ulit iyon sa sahig. "Sa tingin mo mabubura mo ang mga 'yan? Hindi ka ba nag-iisip? Well, I'm not surprised... Hindi ka naman mabubuntis sa murang edad kung ginagamit mo ang kukuti mo, diba? Tapos hindi mo pa magampanan ng maayos ang pagiging ina mo. Napaka-iresponsable mong ina!" malakas ang boses nitong turan. Huli na ng marealized ni Lucas kung ano ang mga lumalabas sa bibig niya ng dahil sa galit na nararamdaman.
Puno ng luha ang mga mata na nagtaas si Bella ng tingin para salubungin ang galit na anyo ni Lucas.
"Alam kong malaki ang damage na nagawa ng anak ko at kahit siguro magresign ako ngayon ay kulang pa iyon na kabayaran sa nagawa ng anak ko... Pero wala kang karapatan na insultuhin ang pagiging ina ko sa anak ko--- Wala kang alam kung ano ang mga pinagdaanan ko para lang maitaguyod ko ang pagpapalaki sa anak ko ng mag-isa para sabihan mo akong iresponsable akong ina. You only know my name Mr. Thomas, but not my story and absolutely not what I've been through." Pinahid ni Bella ang luha niya gamit ang likod ng palad niya sabay walk-out. Muntik pa niyang mabangga ang lalaking nakatayo sa may pinto at mukhang napanood ang eksena nila ng boss niya.
"Mommy, bakit iiyak ka?" tanong ni Amarah ng makita ang pagpahid ni Bella ng mga luha sa mata. "Inaway ka ni boss pogi?"
"No, napuwing lang si mommy. Let's go." Mabilis niya itong binuhat. Bahagya niya tinanguan ang nagsisimpatyang tingin ni Alina at mabilis nang lumayo ng hindi manlang na nilingon ang boss niya.
Samantala si Rob ay napapailing na sinundan ng tingin ang palayong likod ni Bella karga ang anak nito.
Tuluyan na siyang pumasok sa opisina ng kaibigan.
"Tsk, tsk... What was that? Don't you think you were out of the line there, bruh?" turan nito sa kaibigan.
Tahimik na nakatalikod lang si Lucas habang nakasabunot ang isang kamay nito sa sariling buhok.
"That girl looks familiar." Sandaling nag-isip si Rob kung saan ngaba niya unang nakita ang babaeng kalalabas lang ng opisina ng kaibigan. "Right!" turan nito na napapitik ng daliri sa ere ng sa wakas ay maalala kung saan niya ito unang nakita. "Isn't she the receptionist we met in Cebu? Be---Bella... Maria Bella, right?" Paano ngaba niya ito makakalimutan e hanggang ngayon naalala niya parin ang mukha ng kaibigan ng gabing 'yon.
Wala parin imik si Lucas at naglakad papunta sa swivel chair niya sa likod ng office table, halata sa itsura ang pagiging badtrip nito.
Sumunod si Rob at naupo sa visitor's chair sa harap ng kaibigan.
"Was it really the documents or is it Maria Bella herself that makes you mad?"
"What are you talking about?" madilim ang anyo na tanong ni Lucas.
"Oh, come-on bro... Don't pretend like you don't know what I'm talking about."
"Alam mo ba kung anong documents ang pinaglaruan ng anak niya? The contract with our biggest supplier in Thailand! Ang mga dokumento na trinabaho ko nitong nakaraang mga araw. Sino sa tingin mo ang hindi magagalit?"
"So?" Kibit balikat na turan ni Rob. "The documents are still here... Yes, it's not as presentable, but signatures are still visible and it still has the same validity." tinapunan nito ng nanunukat na tingin ang kaibigan. "Magsabi ka nga ng totoo... Hanggang ngayon parin ba ay bitter ka parin?"
"Pinagsasabi mo?" nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Lucas sa kaibigan.
"Do you still have a crush on her?" deretsong tanong ni Rob.
"Of course not! I never admitted that I like her... Ikaw lang naman ang nagpupumilit na may gusto ako sa kanya dati," deny ni Lucas.
"Because I know you do like her, dude! You desire her a lot! At kaya ka nagkakaganyan dahil alam mong hindi na siya pwedeng maging sayo... am I right?" nasa boses ni Rob ang panunudyo.
"Oh, shut the f**k up, Samaniego! Akala ko ba ay Orthopedic surgeon
ka, kailan ka pa naging manghuhula?" engos niya sa kaibigan. "And for your information, she's not yet married. She only has a child--- A single mother to be exact."
"But she's in a relationship."
"So? Do you think I care? I can easily have any girl if I really want and---"
"And Bella seems not to be one of those girls you're talking about. Am I right? She seems the only one who seems not affected by your charm, Thomas!"
Hindi sumagot si Lucas. Hindi gustong aminin sa sarili na tama ang kaibigan.
"So ano nang gagawin mo? Will you just let her leave like that?"
"Let her. It's her choice if she wants to resign... Hindi siya kawalan dito," balewalang turan ni Lucas at nagkunwaring may binubuklat na papeles.
"If you will ask my opinion, what you said to her was too much, bruh. That was below the belt," ulit ni Rob.
Inis na pabagsak na binitawan ni Lucas ang mga dokumento na hawak sa ibabaw ng mesa niya. "Okay, fine... I know I was wrong and I didn't mean it. I have just gone mad and suddenly those words came out of my mouth out of anger..."
"So, anong balak mong gawin ngayon?" asked Rob.
"Nothing. It was also her fault, isinama na nga niya sa trabaho ang anak niya, pinabayaan niya pang makapuruwisyo ng iba." Madilim parin ang anyo na turan nito.
Napabuntong hininga nalang si Rob sa sagot ng kaibigan. Naisip nalang niya na mas mabuti narin siguro na hindi na magkita ang dalawa. Mukhang hindi kasi maganda ang epekto ni Maria Bella sa kaibigan niya. Actually not Maria Bella herself but her status, taken.