SEEING Amarah in pain is hundred times painful for Bella. Kung pwede niya lang angkinin ang bawat sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya. Namimilipit nanaman kasi ito sa sakit kanina kaya agad siyang tumawag ng doctor at ngayon nga ay kasalukuyan itong inaasikaso ng doctor at nurse nito ngunit takot ito sa injection. Pumapasok palang ang nurse at doctor sa kwarto nito ay sumisigaw na ito ng No... Sa bawat sigaw at iyak ni Amarah ay animo patalim na humihiwa sa puso ni Bella. Umaagos din ang mga luha niya sa mata sa sobrang pag-aalala at awa dito. "Mommy, help me... Help me, Mommy...," sumisigaw na tawag ni Amarah kay Bella. "Baby, I'm here. Mommy is just here," kausap niya dito sa garalgal na boses. Si Armand ay tahimik lang sa isang tabi. Awang-awa sa sitwasyon ng bunsong anak.

