NAABUTAN ni Lucas na nag-aaway ang mga magulang sa may swimming pool ng mansion nila. "Wala akong pakialam kahit ibigay mo ang buhay mo sa anak mo sa labas, Armand. Pero huwag mong idadamay ang mga anak ko," si Mrs. Thomas at mukhang sinusubukan itong kumbinsihin ng asawa nito para kausapin ang tatlo nilang mga anak na tulungan si Amarah. "Kung pwede ko lang gawin 'yon ay ginawa ko na. Alam mo kung gaano ko kamahal ang mga anak natin at ganoon din si Amarah sa akin dahil dugo at laman ko rin siya. Pero hindi nga ako pwedeng magdonate ng marrow," si Armand na sinusubukan intindihin ang nararamdaman ng asawa nito. "Walang kasalanan ang bata sa nagawa kong pagkakamali noon sayo, Elaine. Hindi nga niya alam na ako ang ama niya eh. Huwag naman natin siyang idamay dito. Huwag naman natin hayaa

