MAGSASALITA pa sana si Bella ng agawin ni Amarah ang pansin nila. "Bakit mo kinikiss ang mommy ko?" sigaw nito kay Lucas na ang akala ay hinahalikan nito and ina dahil sa posisyon nila. Agad na naitulak ni Bella si Lucas ng marinig ang boses ng anak. Nawala sa isip niya na gising pa nga pala ito. Binitawan naman siya ni Lucas tapos at naglakad ito papunta kay Amarah na masama ang tingin dito. "Hello, little girl. How are you feeling today?" "Bakit mo kinikiss ang mommy ko?" ulit na tanong ni Amarah. Halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa sa kaharap. "Bakit, hindi ba pwede?" Lucas asked with a little grin on his face. "Ayaw ko kikiss mo mommy ko ha! Hindi kita bati!" "Bakit mo naman ako hindi bati?" si Lucas na medyo nabigla sa sinabi ni Amarah. "Kasi inaway mo mommy ko dati. I

