KATULAD ng hiling ni Amarah ay ipinag hele nga ito ni Lucas hanggang sa makatulog . "Tulog na?" tanong niya kay Bella. Hindi niya kasi makita ang mukha ng pinapatulog dahil nakatungo iyon sa may leeg niya. Tumango si Bella at tinulungan niya itong maihiga sa hospital bed. Nang tuluyan maibaba si Amarah ay nag-inat ng mga braso si Lucas. Ngawit na ngawit siya. Paano at halos isang oras din niya itong karga. "Huwag mong sabihin na araw-araw mong ipinaghehele ang bubwit na 'yan?" tanong niya kay Bella na hindi niya maimagine kung paano nito nagagawa iyon gayung siya nga na lalaki at hindi hamak na mas malaki ang katawan dito ay konti nalang at muntik na siyang sumuko kanina. "Ganoon talaga. Magpasalamat ka nga at mabilis yang nakatulog ngayon eh. May mga gabi na halos magdamag ko 'yang i

