Chapter 6

1950 Words
MALAPIT na sila sa apartment na tinutuluyan ni Bella ng iabot sa kanya ni Lucas ang isang brown envelope. "Like I promised," turan nito. Nakatingin lang doon si Bella. Hindi alam kung may karapatan ba siyang abutin ang envelope kung saan ay nakakasigurado siyang pera ang laman. Pakiramdam niya kasi ay parang wala naman siyang ginawa maliban ang gawin siya nitong flower vase sa isang business meeting at ipakilala siyang fake girlfriend nito sa party na pinuntahan nila. "Take it. You deserve it!" kinuha ni Lucas ang kamay niya at inilagay doon ang envelope ng pera. Wala nang nagawa si Bella kundi tanggapin iyon. Nang buksan niya iyon ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi biro ang halagang laman ng envelope. "This is too much... Hindi ko ito matatanggap," turan niya. "Take it, Maria Bella. I know you need it for your daughter's medical needs and besides you did work for it," Lucas uttered with sincerity on his face. "Are you sure?" nasa mukha parin ni Bella ang pag-aalangan. Ngunit tama ang boss niya, malaking tulong ang halagang iyon para sa medical na pangangailangan ni Amarah. "Don't worry, I have enough," mababakas ang pagbibiro sa boses nito. Oo nga naman. Kung iisipin ay barya lang para dito ang halagang nasa loob ng envelope. "Thank you!" buong puso niyang pasasalamat dito. Tumango lang si Lucas bilang tugon. Hindi nagtagal ay huminto na ang kotse na sinasakyan nila hindi kalayuan sa gate kung saan isa sa apartment na nakahilera sa loob niyon ay ang tinutuluyan niya. Naunang bumaba si Lucas at ipinagbukas siya ng pinto. Nagpasalamat siya dito at mabigat ang mga paa na naglakad na palayo dito. Alam niya kasi na ito narin ang katapusan ng mala-fairytale na pangyayari sa pagitan nilang dalawa. Ito na iyong oras kung saan babalik na sila sa original nilang set-up. Ito bilang boss niya at siya bilang ordinaryong empleyado lang nito. She tried her best not to look back. "Bella..." Nahinto siya sa paglalakad ng marinig niya ang sariling pangalan. Nakagat niya ang labi sa hindi maipaliwanag na emosyon na nararamdaman. Tapos ay nilingon niya ito. "About what happened---" "I know," putol ni Bella sa anumang sasabihin ni Lucas. "What happened in Ilocos, stays in Ilocos," nakangiti niyang turan. Lucas looked at her intently then he nodded. "Anyway, I had fun." Bella blushed when she remembered his kiss last night. Tumango nalang siya at nagmamadali nang pumasok sa malaking gate sa compound ng apartment nila, bago pa siya makagawa o may masabing anumang magbibigay sa kanya ng malaking kahihiyan. ❤❤❤ HINDI inaasahan ni Bella na maaabutan niya ang kasintahang si Dwayne na naghihintay sa kanya sa labas ng pinto ng apartment niya. Bigla siyang nakaramdam ng guilt, may boyfriend siyang tao pero ang lakas ng loob niya kagabi na magpanggap na kasintahan ng boss niya with matching goodnight kiss pa. "D-Dwayne," kuha niya sa attention nito. "Bella." Ibinaba nito ang cellphone na nakatutok sa tainga nito at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. "Where the hell have you been? Kanina pa ako tumatawag sa phone mo pero hindi kita ma-contact," halata ang pagkaaburido sa hitsura nito. "Ah eh... Low batt na kasi ang phone ko. Kanina ka pa ba naghihintay?" "About an hour lang naman," bakas ang inis sa boses nito. "Pasensya na. Hindi mo naman kasi sinabi na luluwas ka. Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya habang binubuksan ang pinto ng apartment niya. Sa Cebu nakatira si Dwyane at doon din ito nagtatrabaho bilang isang Architect sa construction company ng pamilya nito. "Nagpa-assigned ako sa isang project dito. Balak sana kitang surpresahin kaso mukhang ako ang nasorpresa dahil wala naman pala akong aabutan dito. Muntik pa akong maging daing sa sobrang init sa paghihintay sayo dito sa labas," iritadong turan nito. Kumuha siya ng malamig na tubig sa refrigerator at naglagay sa baso tsaka inabot dito. Kumuha rin siya ng bimpo para gamitin nitong pamunas sa tagaktak na pawis nito. "Bakit ka ba naman kasi naghintay ng ganun katagal?" "Saan ka ba kasi galing? Tsaka bakit may dala kang malaking bag?" Nakakunot ang noo na tanong ni Dwayne. Umilap ang tingin ni Bella at nagkunwaring abala sa pagpapalit ng tsinelas na pambahay. "Ahm...ano kasi--- mga gamit... mga gamit namin 'yan ni Amarah sa ospital." Hindi niya man gustong magsinungaling sa kasintahan, wala siyang pagpipilian. Mag-aapoy ito sa galit kapag nalaman na sumama siya sa boss niya sa Ilocos. Humarap siya sa kasintahan. "Dapat kasi ay sinabi mong luluwas ka pala. Alam mo naman na nasa ospital si Amarah, diba? Malamang wala ka talagang aabutang tao dito sa bahay dahil kung hindi ako nasa trabaho ay nasa ospital naman ako at nagbabantay. Umuuwi lang ako dito para magpalit at kumuha ng bihisan namin." Lumambot ang mukha ni Dwayne at napalitan ng pag-aalala. "How is Amarah?" "Pwede na daw namin siya ilabas sa susunod na araw. Pero kailangan niya parin ng bone marrow transplant," malungkot niyang balita dito. "Wala ka parin bang balita sa ate Gwen mo hanggang ngayon?" Marahan siyang umiling. "Hanggang ngayon ay hindi niya parin sinasagot ang mga messages ko sa kanya sa f*******:. Nag-aalala na nga ako eh. Baka kung ano nang nangyari sa kanya sa Amerika." "She must be fine. Kung hindi maayos ang kalagayan niya doon ay umuwi na sana siya dito sa Pilipinas at binalikan niya kayo ni Amarah. Kaya huwag mo siyang alalahanin, siya ang pumiling talikuran kayo ni Amarah. Hindi ko talaga kahit kailan maiintindihan ang pagiging selfish ng ate mo..." "Dwayne," saway niya dito. Kahit kasi totoo ang sinasabi ng kasintahan niya tungkol sa ate niya, hindi niya parin gustong makarinig ng masasakit na salita para sa nakatatandang kapatid. Napapailing nitong itinikom ang bibig. Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapitan nito si Bella at marahan na pinisil ang balikat. "I'm sorry, babe." Hingi nito ng paumanhin. Marahan siyang tumango. "Natatakot ako, Dwyane," pagbubukas niya ng nararamdaman. Maliban kasi sa matalik niyang kaibigan na si Jenny, kay Dwayne niya lang nasasabi ang totoong saloobin niya. "Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin ang anak ko. Siya nalang ang mayroon ako. Kung pwede ko lang ibigay ang buhay ko gagawin ko, gumaling lang siya." "Shhh, ano ka ba. Huwag mong sabihin 'yan... Gagaling si Amarah. I'm here now. Tutulungan kitang makahanap ng donor." Humarap siya dito. "Hanggang kailan, Dwayne? For sure ilang araw ka lang naman dito. Pagkatapos ng project mo ay babalik ka rin ng Cebu," may tampo sa boses niyang turan. Natahimik ito. "So, tama ako. Aalis ka din at iiwan mo din ako pagkatapos ng project mo dito. "I will try to stay longer here in Manila to be by your side." "Paano ang parents mo? Sa tingin mo ba papayagan ka nilang mawala ng matagal? Paano mo silang napapayag na luluwas ka dito sa Manila?" Huminga ito ng malalim. "Hindi ako nagpaalam..." "Ano? Nasisiraan ka na ba? Alam mo naman na sa ginawa mong 'yan ay ako nanaman ang sisisihin nila... Siguradong nanggagalaiti nanaman sa galit ang mga 'yon sa akin. Ako nanaman ang mali, ako nanaman ang may kasalanan kung bakit sinuway mo sila---" "I missed you so much, babe," putol nito sa litanya niya. Inis na tinalikuran niya ito at pinipilit paglabanan ang pangungulila niya rin dito. "Kapag nalaman ng parents mo na sinundan mo ako, siguradong magagalit ang mga 'yon." "I know. Pero sobrang miss na miss na kasi kita. Hindi ko kayang magkalayo tayo." Yumakap ito sa kanya mula sa likod. Natunaw naman agad ang inis ni Bella sa kasintahan. Ang totoo kasi ay nagtatampo siya dito dahil ilang araw din kasi siyang hindi nito kinakausap. Labag kasi sa loob nito ang ginawa niyang pagluwas ng Manila at desisyon na dito na ipagamot si Amarah. Sa tuwing mag-uusap sila sa telepono ay lagi nang nauuwi sa hindi pagkakaintindihan. Kaya naman hindi niya inaasahan na susundan siya nito kahit na ba alam nitong lubos na ikagagalit iyon ng mga magulang nito. "I miss you too, Dwyane. Nag-aalala lang naman ako sa parents mo e. Alam mo naman na mainit ang dugo nila sa akin, diba? Siguradong kumukulo nanaman ang dugo ng mga 'yon sa akin ngayon dahil sa ginawa mo." "Just give my parents time, babe. Darating ang araw na maiintindihan din nila na ikaw ang mahal ko at matatanggap ka rin nila. Alam mo naman kasi nag- iisa lang akong anak nila. Masyadong mataas ang expectations nila sa akin..." Kumalas siya sa pagkakayakap nito at lumayo ng kaunti. Mapait siyang napangiti. "At isa na doon ang makapag-asawa ka ng hindi isang katulad ko lang. Mahirap na nga... isang pang dalagang ina, may malubhang karamdaman pa ang anak." Ayaw niyang magself pity pero kapag naiisip niya kung gaano kaliit ang tingin sa kanya ng magulang ng kasintahan, hindi niya maiwasan na masaktan at manliit sa sarili. "Amarah is not your daughter..." Tumalim ang tingin niya dito. "I-I mean... Hindi siya nanggaling sa sinapupunan mo. Anak siya ng ate Gwen mo," mabilis nitong paliwanag. "Amarah is my daughter, Dwayne! Oo, tama ka. Hindi nga siya nanggaling sa sinapupunan ko pero sa puso at isip ko, anak ko siya at walang makakapagpabago niyon. Hindi ang parents mo at hindi rin ikaw..." Minsan nang sinabi noon ng parents ni Dwyane na matatanggap lang siya ng mga ito para kay Dwayne kapag ibinalik niya si Amarah sa ate Gwen niya. Hindi daw papayag ang mga ito sa posibilidad na maging kahati si Amarah sa kayamanan ng pamilya kapag nagkatuluyan sila ni Dwayne. Dahil ayaw daw ng mga ito na mapunta ang yaman nila sa hindi naman nila totoong apo at hindi kadugo. "I know, I know... And I told you before, tanggap ko si Amarah. At handa akong ampunin siya pagdating ng araw at iturin na anak nating dalawa kahit labag pa iyon sa gusto ng magulang ko, ganoon kita kamahal, babe!" Alam niya 'yon. Kaya nga kahit ilang beses na niya inisip na makipaghiwalay dito dahil sa matapobre nitong pamilya, hindi niya magawang bumitiw sa relasyon nila dahil ramdam niyang mahal siya nito at kahit nahihirapan ito ay sinusubukan parin nitong ipaglaban siya. Kinabig siya ni Dwayne at niyakap. "I love you, babe. Iyon naman ang mahalaga, diba? So now let's stop talking about my parents, okay? Just like I said, darating ang araw matatanggap ka rin nila dahil ikaw ang babaeng mahal ko." "I love you too, Dwayne," buong puso niyang turan at gumanti ng yakap sa kasintahan. "I'm sorry for not being the woman your parents, wants for you..." "You have nothing to be sorry about, babe. Because for me, you're all that I need, no one else. Understand?" Marahan siyang tumango. Marami man pangamba sa puso ni Bella, lahat ng iyon ay napapawi dahil sa kaalaman na mahal siya ng kasintahan. Samantala hindi naman maipinta ang mukha ni Lucas na mahigpit na nakakuyom ang mga kamao habang pinapanuod ang tagpo sa pagitan ni Bella at Dwayne mula sa labas ng bintana ng apartment ni Bella. Binalikan niya si Bella ng mapansin niyang nalaglag pala ang cellphone nito sa upuan ng kotse niya kanina kahit na ba may kalayuan na sila. Hindi naman kasi niya akalain na ganitong tagpo pala ang maaabutan niya. Mayroon na nga pala itong kasintahan. Bakit ba niya 'yon nakalimutan? Madilim ang mukha na bumalik nalang siya sa kotse niya. "Boss, nakita niyo ho?" tanong ng driver niya na naghihintay sa kanya sa labas ng kotse. "Kitang-kita ko," sagot niya na kulang nalang ay mayupi ang cellphone ni Bella sa higpit ng pagkakahawak niya. "A e, boss. Bakit nasayo parin ang phone ni, Miss Bella?" may pagtataka na tanong ng driver niya. Niyuko ni Lucas ang hawak na mumurahing brand ng cellphone. "Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD