NANLULUMO si Bella. Kadarating lang ni Armand at Gwen mula sa pagkuha nito ng test results ni Armand para malaman kung nagmatch ba ito para maging marrow donor ni Amarah. Nagmatch ito ngunit hindi ito pwedeng magdonate ng marrow kay Amarah. Maliban kasi sa may edad na ito, mayroon na din itong iniindang mga karamdaman. "Ano na ang gagawin natin, ate?" nanlulumong tanong ni Bella kay Gwen. "Hindi ko rin alam, Bella," malungkot din na sagot ni Gwen. Si Armand Thomas ay tahimik lang na nag-iisip sa inuupuan nito. Kahit pala marami kang pera, hindi kayang solusyunan ng pera ang lahat. Madami nga siyang pera ngunit hindi naman iyon sapat para mailigtas niya ang bunsong anak sa panganib na dulot ng sakit nito. "Ma'am, si Amarah po!" sigaw ng katulong mula sa taas ng bahay. Mabilis na tinak

