ARAW ng kasal nila. Katulad ng gustong mangyari ni Bella ay isang simple at intimate ceremony lang iyon. A garden wedding. Ayaw niya kasing pumasok sa simbahan at sumumpa sa harap ng Diyos na magmamahalan sila ng habang buhay gayong hindi naman pagmamahal ang dahilan ng pagpapakasal nila ni Lucas. Katulad ng napag-usapan nila ni Lucas ay tanging pinaka malalapit na kamag-anak lang nito ang imbitado. Sa side naman ni Bella ay tanging si Jenny lang na siya ring tatayong bridesmaid niya ang inimbita niya. Hindi naman kasi siya malapit sa mga kamag-anak nila. Ang ate Gwen naman niya ay mas piniling huwag nalang daw dumalo. Nahihiya kasi ito sa pamilya ni Lucas. Isa pa, baka makasira lang daw ito sa okasyon. "Ang ganda-ganda mo sis! Bagay sa'yo ang damit mo at ayos ng buhok mo. Para kang man

