Chapter 6

1829 Words
(Chapter 6  -Ang panghihinayang ni Latina Mendez) Latina's POV Kanina pa ako nag-aabang dito sa labas ng room ni Kinn. Gabi na, pero hindi pa rin siya tapos sa photoshoot niya. Nahihiya na ako sa mga taong kanina pa ako nakikita. Nakailang tango na ata ako sa mga dumadaan na staff dito sa building ng mga Hamilton. Kaming dalawa kasi ang napiling model para sa mga bago nilang damit na ilalabas ngayong buwan. Sa pagkakaalam ko ay collaboration ito ng clothing brand ng pamilya Galvez na sikat din pagdating sa iba't ibang mga bonggang kainan. Ang alam ko nga ay mayayaman din sila. Kung hindi ako nagkakamali ay may only daughter sila na ang pangalan ay Tamara. Hindi ito maarte, parang simple lang mamuhay. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nila nilalabas o pinapakilala ang anak nilang iyon sa media. Tiyak na gaya namin ni Kinn ay sisikat din ito at maaring maging model din kung gugustuhin nila. One time kasi ay na-stalk ko ito sa mga social media account niya. Nakita kong maganda ang face nito at laban na laban din ang katawan. Halatang alaga ito sa mga skin care dahil napakakinis ng mga balat niya. Halata ko iyon dahil hindi ito gumagamit ng filter sa mga picture niya. Bumukas na ang pinto ng room ni Kinn. Lumabas na roon ang mga tao na may hawak na camera.  "Uy, si Latina ito, ha!" bati sa akin ng isang kilalang photographer.  Pang-benteng tao na ata siyang bumati sa akin. Pati ang tatlo pa niyang kasama ay binati rin ako. Kilalang-kilala ko na sila dahil ang mga ito rin ang madalas na kumuha sa akin ng litrato tuwing may imo-model akong bagong damit. Mayamaya ay lumabas na rin si Kinn. Bitbit niya ang isang basket na prutas na sa tingin ko ay ginawang props sa pictorial niya. "Oh, bakit nandito ka pa? Ang alam ko ay kanina ka pa tapos?" tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Napatitig ako sa mukha niya. Mas lalong lumalabas ang ka-guwapuhan niya kapag naaayusan siya. Napaisip tuloy ako kung bakit nakipaghiwalay ako sa kanya. Oo na, inaamin ko nang nanghihinayang ako ngayon. "Ah, eh, nasira kasi ang kotse ko bigla. Wala naman sumasagot sa bahay para tulungan ako. Wala siguro ang mga kapatid ko at ang mga parents ko kaya walang sumasagot. Siguro ay namundok na naman sila. Gawain kasi nila iyon tuwing magiging bilog na naman ang buwan. Doon sila nagiging werewolf para kumain ng mga ligaw na hayop na puwede nilang kainin. Ayaw kasi nila ang patay ng hayop na naka-stock lang sa prigider. Mas gusto nila iyong fresh na maiinit-init pa na dugo at karne ng hayop." Sa totoo lang ay wala naman talaga akong dalang kotse. Nang mabalitaan ko kanina sa manager ko na sabay kami ngayong araw na magpi-pictorial ni Kinn sa iisang building ay pinagplanuhan kong mabuti ang makasabay siya ngayon. Ewan ko ba! Nang sumikat siya at magkaroon ng maraming fans ay para bang na-realized ko na sinayang ko ang guwapo at yummy na si Kinn. Nagseselos ako sa mga sikat ding model na babae na inaaligidan siya. Maraming may balak na landiin siya kaya kailangan ko na ulit siyang bakuran. Tiyak naman na hindi rin niya ako matitiis at magkakabalikan din kami ulit. Malakas ang kutob kong mapapasa-akin ulit siya. "Kung ganoon ay sumabay ka na sa akin," alok niya. Napangiti ako dahil hindi niya ako tinaboy ngayon. Good mood ata siya. Habang naglalakad kami ay tahimik lang kami parehas. Hinihintay ko siyang unang magtanong. Aalamin ko kung concern pa rin ba siya sa mga ginagawa ko sa buhay ko.  Nadimasya ako dahil hindi siya nagtanong. Nagbaba na lang ako ng pride kaya ako na lang ang nagtanong para naman makapag-usap kami "Kumusta ang pictorial, ayos naman ba?" tanong ko habang papunta na kami sa parking area ng building na ito. "Maayos naman. Mabilis lang ngayon dahil hindi masyadong mahirap ang mga inuutos nilang posing ko. Mabilis lang ang work ko dahil nasabay din na maganda ang mood ko dahil may balak na mag-sponsor sa bahay ampunan na inaalagaan ko ang pamilyang Galvez. Mukhang nililigawan na nila ako.Tiyak na matutuwa ang mga madre at bata sa mga pagkain at damit na ibibigay sa kanila," sabi niya. Kaya naman pala. Ang bahay ampunan na iyon ang isa sa mga kinasasaya ng puso niya. Dati pa niya pinupuntahan iyon. Doon niya pinag-uubusan ang oras at pera niya na kinikita niya sa pagmo-model niya. Natatandaan ko na madalas kong pagselosan dati ang bahay ampunan na iyon. Mas marami kasi siyang time doon kaysa sa akin. Mas mahal niya iyon. Sa inis ko nga ay muntikan ko pang sunugin ang bahay ampunan na iyon. Napigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong maraming bata ang kaawa-awa kapag nangyari iyon. Isa pa, si Kinn ang mas pinaka-masasaktan ko kaya hindi ko na tinuloy ang masama kong balak na iyon. "Hanggang ngayon pala ay inaalagaan mo pa rin sila. Anyway, baka puwedeng dumaan muna tayo sa kainan. Hindi pa ako nagdi-dinner kaya kumain muna tayo," aya ko. Yes, isa ito sa binabalak ko rin. Nami-miss ko na rin kasi siyang makasamang kumain sa restaurant. "Sige, hindi pa rin naman ako kumakain pa simula kaninang hapon. Gutom na rin ako," sagot niya at saka na kami pumasok sa lamborghini na kulay itim. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan niya ay na-miss ko rin ang amoy nito. "Na-miss ko itong si uling," tukoy ko sa sasakyan niya. Weird, pero iyon talaga ang pangalan ng sasakyan niya. "Saan mo ba gusto kumain?" tanong niya. Hindi manlang siya nag-react sa sinabi kong na-miss ko si uling. "Sa dati nating kinakainan," sagot ko bigla.  "Ayoko na roon. Hindi na ako pumupunta sa mga kinakainan natin simula nang maghiwalay na tayo. Ginawa ko iyon para maka-move on ako, kaya sorry, ayko na roon" sagot niya na kinabigla ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganoong ang sagot niya. OMG! Ayokong maging akward ang lakad naming ito. Kung alam ko lang ay nagsabi na lang ako ng ibang kainan na talagang pinupuntahan ko na ngayon. Gaya kasi niya ay iniwasan ko na ring puntahan ang palagi naming kinakainan noong kami pa.  "Fine. Sa iba na lang. Sorry kung iyon ang nasabi ko. Sa Galvez restaurant na lang tayo. Hindi ko pa nata-try roon, pero marami na akong naririnig na good review tungkol sa mga food nila," sagot ko at saka ako umiwas nang tingin sa kanya. Hindi ako nagpahalata na nalungkot ako. Ngumiti pa rin ako para hindi niya mahalatang gusto kong umiyak "Good. Balak ko na rin kasing pumunta roon sa isang araw. Maganda siguro kung ngayon ko na gawin iyon," sagot niya. Nawala tuloy agad ang lungkot ko. Medyo kinilig ako nang malaman kong parehas na rin naming balak na pumunta roon. Pakiramdam ko ay kami talaga ang tinadhana. Yes, push na push na talaga ako ngayon na kami talaga hanggang sa dulo.  Naiinis lang talaga ako sa sarili ko at palagi akong tinotoyo noon at biglaan akong nakipaghiwalay sa kanya. Tiniis ko noong hindi pansinin si Kinn. Inaasahan ko kasi na kahit matagal na araw kaming hindi nagkikibuan ay babalikan niya pa rin ako dahil alam ko kung gaano niya ako ka-mahal. Pero, one day, nagising na lang ako na hindi na niya ako mahal. Nasanay na siyang wala ako sa tabi niya. Tumaas bigla ang pride niya. Nang mapagtanto kong kulang ako kapag wala siya ay ako naman ang naghabol. Simula nang gawin kong tanga si Kinn na halos pinaghabol ko siya ng dalawang linggo ay biglang nagbago ang ugali niya. Naging seryoso, tahimik at suplado na siya. Natuluyan nang hindi kami magkabalikan. Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa ang mga salitang sinabi niya sa akin na nagpabiyak sa puso ko.  Hindi na raw niya kaya pang mahalin ang gaya ko na isip-bata at puro laro lang ang ginagawa sa relasyon. Malaking pagkakamali raw ang minahal niya ako dahil napakarami raw niyang nasayang na mahahalagang araw at oras na dapat ay inilaan niya sa bahay-ampunan at sa pamilya niya.  Sobrang sakit nang mga sinabi niya sa akin. Pero, totoo naman ang mga sinabi niya. Para ngang ginawa ko lang laro ang lahat. Naging panatag ako sa kanya na kahit awayin at gawin ko siyang tanga ay alam kong hinding-hindi niya ako iiwan. Hindi ko alam na may hangganan pala ang pasensya niya. Nang maghiwalay kami ay unti-unti kong nakita na umayos siya. Naging mas masipag na siya sa work niya. Sumikat siya at lalong dumami ang mga offer sa pagmo-model niya sa iba't bang beauty product, pabango, damit at sapatos. Nagpaganda siya ng katawan at naging pormal na sa mata ng mga tao. Naisip ko na tama nga siya. Marami siyang nasayang na araw at oras dahil sa akin. Kung hindi siguro naging kami ay noon pa sana siya sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon. Nakakatawang isipin pero, number one fan na niya ako. Hindi lang iyon, super crush ko pa siya ngayon. Aamin ko, patay na patay ako sa kanya ngayon. Uhaw na uhaw. Gusto kong makipagbalikan nang agaran, kaya lang ay hindi ko alam kung paano. Ang pinagmamalaki ko lang sa sarili ko ay ang alam kong naging jowa ko siya.  Nang dumating kami sa Galvez restaurant ay saktong wala ng tao. Pagabi na kasi. Mabuti nga at bukas pa sila. Talagang ipinu-push ni kupido ang magkasama kami ngayon. Mukhang pati siya ay sang-ayon sa binabalak kong pang-aakit kay Kinn. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming binati ng mga waiter doon. "OMG! Bakit magkasama sina Kinn Ramirez at Latina Mendez? Hindi kaya nagde-date na sila?" dinig kong bulungan ng mga waiter doon.  Nagkatinginan tuloy kami ni Kinn. Hindi alam ng mga waiter na iyon na matalas ang pandinig naming mga werewolf. Kahit mahinang bulong man iyon ay dinig na dinig pa rin namin. Pag-upo namin sa table na ibinigay sa amin ng isang waiter ay agad tuloy kaming kumuha ng menu card na nakalagay sa lamesa. Nagtakip ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay namumula ako ngayon. Nahihiya ako na medyo kinikilig. Tiyak na may kakalat na namang balita sa aming dalawa bukas. Huwag naman sana kaming maging trending sa Twitter. Lagi kasing trending doon si Kinn. Tuwig may bago siyang mino-model na damit ay itini-trending nila iyon para tulong na rin sa kanya. Ang ending tuloy ay sold out agad ang damit na iyon kapag inilabas na sa mga mall. Ganoon kalakas si Kinn Ramirez sa mga fans niya. "Malulungkot si Ma'am Tamara kapag nalaman niyang taken na ang Kinn Ramirez niya," dinig kong bulong ng isang babae sa cashier.  Sinong Tamara naman kaya ang tinutukoy niya?  Nanlaki ang mata ko. Sa pamilyang Galvez nga pala ang restaurant na ito kaya sigurado ako na si Tamara nga na in-stalk ko sa social media ang tinutukoy niya. Ibig sabihin ay bet pala niya si Kinn Ramirez? Aba, mukhang hindi ata kami magiging good ng babaeng iyon. Umayos siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD