Chapter 7

1727 Words
(Chapter 7 - Ang pagligtas ni Denver kay Tamara) Tamara's POV After naming kumain ng dinner ay hinatak kami ni Ashley papunta sa kuwarto niya. Sinabi nito na need na naming magbihis nang outfit na pang-swimming pool dahil mag-i-start na raw ang party-party. "Hey! Walang nagsabi sa akin na maliligo tayo at walang nagsabi na magdala ako ng bikini," reklamo ko sa dalawa habang naka-cross arm ako. "Well, nag-ready na kami dahil alam naming hindi ka papayag na magsuot ng bikini. Ako na ang nagdala ng para sa iyo kaya huwag ka nang mag-alala," sabi ni Scarlet. Ibig sabihin ay plano pala nilang mag-ganoon kami sa harap ng maraming bisita ni Ashley. "Stop it! Hinding-hindi ninyo ako mapapasuot ng two-piece na iyan!" reklamo ko at saka ako bumitaw sa panghahawak ni Scarlet sa braso ko. "Ang KJ naman ni Tamara! Birthday ko ngayon kaya, please! Pumayag ka na!" pagmamakaawa ni Ashley na naka-puppy eyes pa. "Oo nga naman, tres marias tayo rito kaya hindi puwedeng maiiwan ang isa. Saka, sanayin mo na ang sarili mong magsusuot ng ganiyan dahil balang-araw ay baka maging model ka na rin ng mga clothing brand niyo," sabi ni Scarlet. "At kapag nangyari iyon ay baka mapalapit ka na sa Kinn Ramirez mo," duktong pa ni Ashley kaya wala na akong nagawa kung di ang pumayag na lamang. Alam na alam talaga nila kung paano ako mauuto. Pulang bikini ang sinuot ni Ashley dahil birthday niya, yellow ang kay Scarlet dahil favorite color niya iyon at purple naman ang akin dahil iyon ang favorite color ko. "What the f*ck! Uwian na! May nanalo na!" sigaw ni Scarlet nang makita nila akong lumabas sa banyo ng kuwarto ni Ashley. Ako kasi ang huling nagbihis. "Oh my goodness! Ngayon ko lang nakita na sobrang ganda pala ng hubog ng katawan mo!" sabi naman ni Ashley na nanlalaki ang mata habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Mga gaga kayo! Hindi ako sanay ng ganito ang suot. Feeling ko ay hindi ako makakagalaw nang maayos," sabi ko habang hiyang-hiya. "Hindi iyan, masasanay ka rin. Ganiyan din kami nang una," sabi ni Scarlet. Humarap ako sa malaking salamin ni Ashley. Nang tignan ko ang katawan ko roon ay nagulat din ako. Sa totoo lang ay first time ko talagang magsuot ng two-piece. Kailanman kasi ay hindi ako pinapayagang magsuot ng ganito ni mama. Bawal daw. Kung ano ang dahilan ay hindi ko naman din alam. Siguro ay iniiwasan niya lang na mabastos ako. Makaluma rin kasi minsan si mama. Nang makita ko ang sarili ko sa harap ng malaking salamin ay naisip ko na kaya ko rin pa lang makipagsabayan sa mga sikat na model na sina Latina Mendez, Gigi Dadonza at Jacintha Ortega. Pagbalik tuloy namin sa swimming pool area nila Ashley ay sabay-sabay kaming naglakad na para bang rumarampa. Lahat ng bisita ay napatingin sa aming tatlo. Agaw eksena kami. Pero, napansin ko na mas marami ang nakatingin sa akin. Hindi sa dina-down ko ang mga kaibigan ko, medyo hindi kasi maganda ang mga hubog ng katawan nila. Hindi gaya ng akin na talaga naman kasing katawan nila Latina Mendez. Lalo na tuloy hindi naalis ang tingin sa akin ng mga pinsang lalaki ni Ashley. "It's showtime!" sigaw ni Ashley kaya ibig sabihin ay mag-uumpisa na ang inuman. Pagkasigaw niya ay inilakas na lalo ng DJ ang tunog ng sounds system. Mas lumikot na rin ang mga spotlight ng ilaw. Sabay-sabay kaming tatlo na tumalon sa swimming pool. Sigawan tuloy ang lahat. Pag-ahon ng mga ulo namin sa tubig ay nakita kong isa-isa nang inilalabas ng mga maid nila Ashley ang mga alak. Nalula ako dahil puro J&D iyon. Tiyak na malalasing na naman ako nito mamaya. Ang ilang kababaihan na may baong bikini ay nagbihis na rin at naligo na sa swimming pool. Kumuha ng alak si Ashley at saka niya iyon dinala sa gitna ng swimming pool. Paikot ang ginawa niya. Kung sino ang malalapitan niya ay iyon ang paiinumin niya. Demonyo pa ito dahil nakadepende sa kanya kung mababa o mataas ang iinumin mo. Trip niya ako nang gabing iyon kaya halos puro punong baso ang pinapainom niya sa akin. Ang nangyari tuloy ay maaga akong tinamaan ng alak. Nang tuluyan akong malasing ay nagkahiwa-hiwalay na kami nila Ashley at Scarlet. Sa kakalangoy ko sa swimming pool ay napadpad ako sa gawi ng mga pinsang lalaki ni Ashley. "Hi, Tamara!" bati sa akin ng isang lalaki. Ito iyong pinaka-guwapo sa lahat ng pinsan ni Ashley. Kung hindi ako nagkakamali ay Denver ang pangalan niya. Nginitian ko naman siya dahil ayokong isipin niya na suplada ako. Dahil lasing na rin ako ay nginitian ko na rin silang lahat at pagkatapos ay umahon na ako sa swimmig pool. Himalang nakaahon pa ako kahit lasing na ako. Ramdam ko kasing masusuka na ako kaya kailangan kong mag-banyo. Pagewang-gewang ako habang naglalakad na ako. Blurred na rin ang paningin ko. Liyong-liyo na talaga ako kaya need ko na talagang mag-vomit. Papasok na ako sa banyo nang biglang may humila sa akin. "Puwede ka ba?" sabi nito at nang tignan ko ang mukha niya ay hindi ko ito kilala. Isa pa, nakakadiri dahil isa siyang waiter na hindi naman ka-guwapuhan. Isang malakas na sapak ang natamo niya sa isang lalaki na tila iniligtas ako. "Bastos ka! Anong balak mong gawin sa babaeng lasing na iyan?!" galit nitong sabi. Nang tignan ko kung sino siya ay nagulat pa ako dahil si Denver iyon na pinsan ni Ashley. "Sorry po! Sorry po talaga!" sabi ng waiter at agad na itong nagtatakbo palayo sa amin. "Thank you, Denver!" sabi ko sa kanya at saka ko siya nilapitan. Napayakap ako sa kanya dahil hindi ko na kinaya ang liyo ko. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nasukahan ko siya kaya napuno ng suka ko ang buo nitong katawan. Nakita ko pa kung paano mangiwi si Denver. Lasing ako ng oras na iyon kaya wala na akong pake sa mga nangyayari. Ang bait pa rin niya dahil inalalayan pa rin niya akong pumunta sa banyo. Walang malisya at walang halong pambabastos ay inalalayan niya akong pumunta sa isang cubicle. Doon ko tinuloy ang pag-vomit ko. Habang ginawa ko iyon ay narinig ko naman na naglilinis na siya gamit ang shower na mayroon doon. "kapag tapos ka na ay sabihan mo lang ako. Hihintayin kita para hindi ka na mabastos pang muli sa labas," sabi niya. "Thanks, Denver!" sagot ko. Ginawa ko na lang ang tinatago kong technique para mawala na ang tama at liyo ko. Sinundot ko nang sinundot ng daliri ko ang lalamunan ko para mailabas ko nang mailabas ang dapat ilabas. Nang matapos ako ay naging maginhawa na rin ang nararamdaman ko. Paglabas ko sa cubicle ay nakita ko siyang nakasandal sa dinding ng banyo. Nakapikit ito na mukhang nakatulog na dahil sa kakahintay sa akin. Nakita kong puno pa rin ng suka ko ang katawan niya. Doon ko napansin na maganda pala ang body niya. May abs siya, pero puno iyon ng vomit ko. Ngayong nahimasmasan na ako ay tila nakaramdam na ako nang hiya sa kanya. Habang natutulog siya ay tinulungan ko na lang siya na malinis ang suka ko sa katawan niya. Tinapatan ko siya ng shower at saka ko inalis sa katawan niya ang mga vomit ko na dumikit doon. Habang pinaliliguan ko siya ay nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Hindi naman pala siya natutulog. Hinayaan niya akong paliguan ko siya. Suwerte niya at isang Tamara Galvez ang nagpaligo sa kanya. Sabagay, niligtas naman niya ako sa pambabastos ng isang waiter kanina kaya ayos lang ito. Doon ko rin nakita na mas guwapo siya sa malapitan. Ang hot niya tignan kapag wet look. "Oh, ayan, tapos na. Malinis ka na," sabi ko sa kanya. Hihiwalay na sana ako sa kanya, pero bigla niya akong hinila at hinalikan niya ako sa labi ko. Na-shock na lang ako sa nangyari kaya hindi agad ako nakapalag. Pero, nang sumagi sa isip ko si Kinn Ramirez ay bigla kong napagtanto na hindi ito tama. Tinulak ko siya at saka ako nagtatakbo sa labas. Bakit niya ginawa iyon? Hindi ba niya naisip na galing ako sa pagsusuka. Nakakahiya tuloy! Bumalik ako sa swimming pool. Hinanap ko si Scarlet. Nanlumo ang mata ko nang makita ko siyang nakikipaghalikan sa isa sa mga pinsan ni Ashley. Umandar na naman ang kalandian niya kapag lasing. Hindi na talaga ako magtataka kung isang araw ay mabalitaan kong nabuntis na siya. Bumalik na lang tuloy ako sa kuwarto ni Ashley. Naligo at nagbanlaw na ako dahil malapit na ring mag-eleven ng gabi. Ayokong suwayin si papa. Nang magbihis na ako ay hindi na ako nagpaalam kay Ashley at Scarlet dahil tiyak naman nang wala na sila sa tamang katinuan. Alam naman na rin nila na hanggang ganito lang ang oras na puwede ako. Need ko na talagang umuwi. Pababa na ako sa hagdan ng bahay nila Ashley nang makita kong nakaabang sa akin si Denver. "Hi!" sabi nito sa akin. Namulala siya. Mukhang nahiya siya sa ginawa niyang paghalik sa akin. "Sorry sa nagawa ko. Lasing lang," tukoy ko sa pagsuka ko sa kanya. "Hindi, ako ang dapat na mag-sorry. Sorry kung nahalikan kita. Hindi ko napigil e. Ang ganda-ganda mo kasi," sabi niya habang pakamot-kamot pa ang ulo. "Sorry, Denver, pero taken na kasi ako e," sabi ko kaya agad kong nakita na nalungkot ang mukha niya. "Ganoon ba, sige, sorry, hindi ko alam e," aniya at agad na siyang tumakbo pabalik sa swimming pool area. Tila nalungkot siya nang malamang taken na ako. Loko-loko ko lang naman iyon para tigilan na niya ako. Hindi kasi tama. Kay kinn Ramirez lang talaga ako. Nang tuluyan na akong lumabas sa gate nila Ashley ay napako agad ang paa ko sa kinatatayuan ko nang makita kong nakaabang doon ang lalaking nakita ko noon sa mall na balak akong dukutin. May kasama itong tatlong lalaki. Sa oras na iyon ay sigurado akong patay na ako. Tatakbo na sana ako nang bigla nila akong hablutin ka agad. "Tulong!" sigaw ko pero nilagyan na nila ako ng panyo sa ilong ko. May naamoy ako roon na dahilan para mahilo ako. Ang huli kong natatandaan ay buhat-buhat na nila ako at sinasakay na sa puting van. Pagpasok namin sa loob ng van ay tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD