Kabanata 3/2:

1160 Words
"Tss." "Seryoso na. Kasi ganito, I think I'm going crazy," I told him, looking intently at him. Umiling siya bago muling tumungga sa baso. "That's not new. Nagwawala ka pa nga madalas," he agreed. Napakawalang kwentang kausap. "Gaga. I mean it, I'm head over heels with a man with vices." Doon na nagseryoso ang kaniyang mukha. "Maybe, it runs in the blood." And now it's my turn to shot him a death glare. She was pertaining to my Mom and Dad. No freaking way! Hindi ako kailanman gagaya kay mommy. "Duh. Hindi ako magiging kasing tanga ni mommy 'no. At isa pa walang bisyo ang tatay ko. Just girls and alcohol..." "Wait..." He cut me off. "You mean vices as in drugs!?" hindi makapaniwala niyang tanong nang mapagtanto ang nais kong ipabatid. "Yeah. Weed sucker, best friend ni Mary Jane," sunod-sunod akong tumango na parang natural lang na lumabas iyon sa bibig ko. Natulala siya sa sinabi ko. Mukhang hindi rin nagustuhan ang narinig. Bago pa siya magsalita at inagaw ko na sa kaniya ang baso niyang may lamang alak. Kailangan ko ng matinding sipa para hindi masyadong masakit iyong sermon niya sa akin. "You're being stupid, Sinag. Hindi basta kabaliwan ang tawag doon," he grimaced. Napahilamos siya sa mukha at mabigat na bumuntong hininga. Umiling siya at bakas sa mukha ang disappointment. Kilala kasi ako ni Luhan na ayaw na ayaw sa mga ganoon. Gago iyong tatay ko but being the head of Phoenix Agency Philippines ay talagang galit siya sa mga taong may koneksyon sa droga. At ang mga nasa wanted list ng ahensya ay malalaking drug lord. Because drugs were the root of all evil. Walang pinagkaiba sa pera. Diyan naguumpisa ang prostitution, robbery,, child trafficking, hold-ups at kung anu-ano pang krimen. And once you're in, you'll never get out. Death will only be the key to save your yourself. "Saan mo ba 'yan nakilala?" kuryoso niyang tanong. "Sa coffee shop, last night. Tingin ko nga mahal ko na siya, eh." Ay hindi, parang mahal ko na nga talaga siya. I smiled at that thought. Kulang na lang ay lumampas ang pagkakataas ng kilay ni Luhan mula sa kaniyang noo. "Mahal? Mahal agad nagkape ka lang? Mag-kape ka lang ulit!" "Iba 'to, ano ka ba? I have a strong feeling that he is damaged and sad, alone..." "And he needs saving? Do you think you're so-called "love" will save him? He needs a shrink and a rehab." Napanguso ako at biglang nag-isip. Siguro nga nababaliw ako. But, my feelings for him was intense and really hard. Hindi mapigilan ng puso ko ang humanga at mabaliw. Siguro may gayuma iyong kape. O kaya iyong ballpen kaya? Pero hindi kasi bago pa man maglapat ang mga kamay namin tumibok na talaga ang puso ko. Alam ko na. It was live at first sight! Right! "But, my heart went oops," I made a sad face and pouted again. "Tangina ang korni mo! Sinag, that's a bad idea. You know that your father hates people that is related to drugs. Iyon nga ang dahilan kung bakit nabuo ang ahensya. Pumili ka naman ng matino, hindi iyong ganyan." "Huwag nga siyang choosy. Siya nga mismo hindi matino." Wala akong napala kundi pangaral mula kay Luhan magdamag. Sobrang allergic niya kay Drei Leviste. Ngunit kahit na ganoon ay kinulit ko siya nang kinulit para i-search si Drei Leviste sa database ng Phoenix. He has access to the system dahil on-going na ang training niya sa crime division. Nakakainggit nga dahil siya ay pwede na. Ako rin sana pero nahuli naman ako sa training dahil nga sa kabaitan kong taglay sa tatay ko. Base on the system, Drei Leviste is the son of the restaurateur Davidson Leviste and the beauty queen Althea Winston Leviste. Kaya pala muy gwapo ang mahal ko. "Oh my, God! Mukhang marami akong kaagaw sa future boyfriend ko, ah." I giggled at that thought. "Subukan lang nilang agawin sa akin si Drei. I will give them hell." Hinampas ko si Luhan dahilan nang pagkakasubsob niya sa bar counter. Sinamaan niya ako ng tingin pero nag-peace sign naman ako. Pumanaw na rin dalawang taon nang nakalipas ang ina. He has now a stepmother, Sheila Leviste. A gold digging socialite na byuda na rin. Businessman din ang unang asawa at nang mamaalam sa mundo ay sa kaniya lahat napunta ang ari-arian at negosyo. Napataas ang kilay ko nang malamang ang dali naman yatang naka-move on ng tatay niya. "Kaya siguro sad eyes siya dahil nami-miss niya ang mommy niya ano? Kawawa naman ang baby ko." "Daming endearment, ah." I kissed Luhan's cheeks when I'm done reading that information on his phone. Tumayo na ako at napagpasyahang sumayaw muna para mawala ang tama. "Don't be a tease, Sinag. I'm done with level three on my training. Just to remind you, I could kill, you know," paalala niya bago pakawalan ang aking kamay. Level three was a hand-to-hand combat kaya alam kong makakapatay talaga siya kapag may nambastos sa akin. Pero kaya ko naman ang sarili ko. I just want to have fun, dance, and be myself. "Whatever, father Luhan. Come on, let's go dance. Ikaw na lang ang iti-tease ko," sabi ko saboy abot muli ng kaniyang kamay. Wala siyang nagawa kundi ang magpatiuna kahit labag sa kalooban niya. I could feel my head spinning graciously. Kahit na lasing na ay nagawa ko pang sumayaw. That was what I want. The feeling of being free, wild, and happy. Kahit sa ganoon man lang ay maramdaman ko ang maging masaya at malaya sa sama ng loob at sakit ng damdamin. Kahit na bahagyang tumataas ang suot na red body con dress ay wala akong pakialam. I was smiling while dancing. Kahit nga si Luhan na kaninang sobra akong pagsabihan ay nagwala na rin sa dance floor. Pinalilibutan siya ng mga babae na siyang ikinangiwi niya nang ma-realize iyon. "Go, best friend! Have fun with p*****s," natatawang sigaw ko bago siya tuluyang mawala sa aking paningin. I suddenly stopped banging my head when a man held my shoulders. I automatically snake my arms on his nape. He then pulled my dress down para maging maayos iyon at maiwasan ang muling pagtaas. Nagkunot siya ng noo at inis na binalik ang tingin sa akin. Hinubad niya ang suot na jacket at tinali iyon sa aking baywang. Akala ko ay si Luhan. Hindi ko gaanong maaninag dahil malikot ang masayang umiikot na ilaw. Ngunit nang tumigil na ang malikot na ilaw ay tumutok ang liwanag sa gwapo nitong mukha. Laking tuwa ng puso ko nang mag-angat ng tingin. It was Drei in his midnight eyes, looking intently at me. "That sultry dress of yours is inviting everyone to drool at you," he harshly said. Kahit na nakakunot ang kaniyang noo ay ang gwapo niya pa rin. Imbis na mainis ay ngumiti lang ako. Grabe ang possessive. "It's fine, Baby. I won't mind if you'll drool over me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD