Kabanata 4: f**k Buddies

2147 Words
Lalo yata akong nalasing nang matitigan nang matagal ang madilim niyang mga mata. Nakakahipnotismo ang natural niyang tingin. Gaya noong nakaraang araw ay mukha na naman siyang galit. Sobrang layo sa kaniyang mukha noong nagkita kami sa may coffee shop. Nagpasalamat na lang ako dahil mukhang hindi siya sabog 'di gaya noong last na kita namin sa school. Kapag talaga naging kami ay babaguhin ko ang buhay niya. Patitigilin ko na siya sa mga bisyo niya at ako na lang magsisilbing bisyo niya. Kahit araw-arawin niya ako ay hindi ako magrereklamo. Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakakunyapit na mga kamay ko mula sa kaniyang leeg, hindi pa rin tinatanggal ang tingin. "You can give me back my jacket on the university," kunot noo niyang turan. "Gusto ko plantsado," mahigpit niyang bilin. "Masusunod aking prinsipe," nababaliwan kong sagot. "Magkikita nga pala tayong muli, araw-araw," nakangiti kong sabi. He rolled his eyes heavenwards at walang salitang umalis sa aking harapan. Bago pa siya tuluyang makalayo ay tinawag ko na siya. Umarte akong nahihilo na parang timang. "Wait, Drei, I'm drunk." Tinaasan niya lang ako ng kilay. So cute. "Ano ngayon?" "Can you bring me home?" paawa kong anas. May kotse naman si Luhan kaya bahala na siya sa buhay niya. "I don't have a car. Use your feet to get out of here, and go home." Iyon lang at tuluyan na siyang nawala sa aking paningin. Hay ang hot talaga kahit suplado. Napakagat labi ako na may pigil na ngiti. Kahit na nasupladuhan niya ako ay natutuwa pa rin ako dahil nakita ko siya. Pinagtatagpo yata talaga kami ng tadhana. Hindi ko napigilan ang magtatalon nang tingnan ang jacket na tinali niya sa aking baywang. That was a sweet gesture. Ako mismo at maglalaba at mamalantsa nito bago ko isoli sa kaniya. Sisiguruhin kong matutuwa siya kapag binigay ko iyon. "Ano ka na? Para kang namatanda d'yan?" tanong ni Luhan na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala. Pawisan siya at galing sa mahabang pagsasayaw. "I saw him, Luhan. I saw Drei!" I shrieked. Wala akong pakialam kung marinig nila akong magtitili roon. Pumaibabaw naman nang muli ang masayang tugtog kaya hindi na iyon mapapansin. "And this." I pointed out the jacket on my waist. "Siya ang naglagay nito dahil possessive siya at gusto niyang siya lang ang makakakita ng perfect long legs ko! I told you, he has a hots for me, too," kinikilig kong sambit. "Let's celebrate, let's celebrate because my crush likes me, too!" tila baliw kong sigaw. Iyon nga ang ginaw namin. Muli kaming uminom at nagsasayaw hanggang sa tumawag na nga ng uwak si Luhan. Mahinang nilalang! I decided to have him checked-in in a hotel dahil siguradong pagagalitan siya ng papa niya kung uuwi siyang lasing na lasing. We checked in at Meiko Hotel. Sa pagkakaalam ko ay pag-aari rin iyon ng mga Leviste. Ito talaga ang napili ko dahil nagbabakasakaling narito ang lalaki at malapit lang rin sa bar kung saan kami galing. "Room for one, please," I told to the front desk lady. Akay-akay ko si Luhan na feeling strong. May malay pa naman siya kahit paano kaya nakakaya ko pa. Mabuti na lang at tinulungan ako ng bell boy akayin siya paakyat ng room. Binalya ko talaga siya sa kama nang makarating sa silid. The room was simple yet cozy. Tamang-tama lang para sa baklang lasing na kailangan nang matutulugan. "Punyeta ka bakla, ang bigat ng bayag mo," inis kong anas habang nakangiwi. Medyo nanakit ang balikat ko at braso dahil mabigat siya. Sana pala nag-solo na lang ako. Bukod sa sermon lang naman ang inabot ko imbis na support sa love life ko ay ginawa pa akong tiga-buhat ng lasing. Sarap ng buhay! Chill na chill. May tiga buhat pa at taga linis na sinukahan niya. It's already three in the morning. Out of town si daddy kaya ayos lang na rito na lang din ako magpahinga. Hindi ko na tinanong pa kung saan siya nagpunta. I texted mommy naman na earlier na hindi ako makakauwi at kasama ko si Luhan. As usual, she freaked out dahil hindi ako nagpaalam. As if naman na papayag niya ako. I smiled when I saw another message from my sister Bituin. "Ate, nakainom na po ako ng gamot. Don't get caught. Take care I love you." Iyon ang laman ng mensahe. Alam naman nila kung aalis ako o hindi. At lagi akong nagbibilin na inumin niya ang kaniyang mga gamot bago matulog. "I'm done with my projects, Ate Sinag. It's Saturday tomorrow. Huwag mo po akong gigisingin. Please. I want to sleep all day." I chuckled at Tala's message. Nang matapos ang pagbabasa ng mga importanteng messages galing sa pamilya ay napagpasyahan kong magkalkal sa duffle bag na dala ni Luhan. Girl scout si bakla at laging may ganoon sa compartment niya. Bago pa makalimot ay kinuha ko ang phone niya at ni-text ang mommy niya ng kasinungalingan kung bakit hindi siya makakauwi. Syempre, kunwari ako si Luhan. I found a pair of boxer shorts and a white shirt. Iyon na lang ang isusuot ko. Si Luhan, bahala na siya sa buhay niya. Pero, bago matulog ay pupunasan ko siya dahil amoy suka siya. Mag-underwear na lang siya matulog. Biglang kumulo ang aking tyan habang nakalunoy sa bath tub. Naalala kong hindi nga pala ako nakapag-dinner. Ganoon yata kapag in love, walang ganang kumain. Puro kilig na lang ang kinakain ko nitong mga nakaraang araw dahil nilamon na ni Drei nang tuluyan ang sistema ko. That's why I decided to go to a twenty-four-hour fast-food restaurant nearby. Bigla kasi akong nag-crave sa chicken at fries. Naglakad lang ako dahil few blocks away lang naman from the hotel. Wala akong undies kaya niyakap ko na lang sa aking katawan ang jacket na pinahiram niya. Ang bango-bango niya. Feeling ko nga yakap niya ako. Hashtag dream on. Natatawa ako mag-isa habang naglalakad. Nababaliw na naman ako. Sa sobrang kahibangan ko yata ay bigla na lang sumulpot si Drei sa aking paningin. Tinitigan ko pang mabuti ang lalaking papasok ng restaurant. And it was really him! yummy and in flesh. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad. Pagpasok ko sa loob ng food chain ay medyo maraming tao. Break ng mga call center agents kaya ganoon. May mga oras talagang kailangan nating manlamang ng kapwa para hindi tayo maiwan ng nakatadhana sa atin kaya naman walang pakialam akong sumingit at tinawag si Drei para magkasabay kami. Ikinawit ko ang braso sa kaniya upang magmukha kaming close. As in very very close. "Hi, babe. Two-piece chicken sa akin with rice, one cheeseburger, one twister fries, and one coke float," sabi ko na siyang kinagulat niya. Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa kaniya dahil alam kong magpupumiglas siya. Mainit ang mga mata niyang dumapo sa kaniyang braso kung saan naroon ang mga kamay ko. "Are you stalking me?" inis na bulong niyang anas. "Sige na, i-order mo na ako. Babayaran ko mamaya. Promise," I answered instead. Lumabi ako at malamlam na tingin ang binigay sa kaniya. "Look, oh ang haba ng pila. Gutom na gutom na kasi ako." He took a pissed sigh as a sign of resignation. Malapad akong napangiti. "Kukuha na ako ng table natin, ha? Daming tao baka maunahan tayo." I then winked at him bago siya mawala sa aking paningin. Ilang minuto lang ay nasa harapan ko na siyang muli. Nakapahalumbaba ako habang masuyong siyang tinitingnan. Ayun na naman iyong inis niyang tingin sa akin. "Put away your arms in the table para mailapag ko nang maayos itong mga pagkain." Mabilis kong sinunod ang sinabi niya. "S-Sorry." Binigay niya sa akin ang order ko at malugod kong tinanggap iyon. "Magkano 'to lahat?" "'Di na. Libre ko na 'yan, kakahiya naman sa dami ng in-order mo." "So, it's a date?" I beamed. My eyes were sparkling at the realization. 'Diba ganoon kapag date? Libre ng lalaki. "Five hundred eigthy two pesos lahat." Ang kaninang ngiti ay naging ngiwi. Pero yaan ko na. Ayos lang naman, baka nahihiya lang siyang amining date ito. Ang importante, pareho kami ng lamesang kinakainan ngayon. For me kahit bayaran ko ito ay date pa rin. "Uy, thank you nga pala kanina, ha?" Imbis na sumagot ay kinunutan niya lang ako ng noo pagkatapos ay binalik sa kinakain ang atensyon. "Pero sa pasukan ko na isosoli iyong jacket mo, ha? Hindi ko pwedeng ibigay sa'yo 'to ngayon kasi wala akong panty... Oh, hala, dahan-dahan." I opened the bottled water he ordered and gave it to him. Tumayo ako para mahimas ang kaniyang likod. "Okay, ka na?" nag-aalala kong tanong. Tumango naman siya kaya napanatag na rin ako. "Why.." he trailed off. "Saan ka galing bago ka nagpunta rito?" "D'yan sa Meiko hotel. 'Diba sa inyo 'yon? I was with a friend, Luhan. Nag-check in kami." "Luhan? Lalaki?" "'Di ko sure, eh. Minsan." Nagkabit balikat ako. Ayoko namang sabihin ang darkest, flirtiest secret ni Luhan. Okay na iyong metaphors lang. Gets naman na siguro iyon ni Drei. "Wala ka bang bahay?" pagkuwa'y tanong niya, bakas ang inis. "Uy, 'wag kang magselos. Friends lang talaga kami. Nag-check in lang kami as a friend dahil lasing na lasing na siya," paliwanag ko. "Ikaw ba? Saan ka galing? You better be home at this hour." "I don't have a home," balewala niyang sabi. Alam kong pinakikita lang niya iyon pero ramdam ko ang pait ng mga salitang iyon. Kaya dinaan ko na lang sa biro. "Pwede ka sa piling ko. Bet mo ba? I can be your home." Hindi man niya ako tapunan ng tingin ay masaya pa rin ako. Naku, kung alam ko lang bibigay din ito sa akin. Kaunting ligaw pa. Wala na akong narinig mula sa kaniya. Tahimik lang kaming kumakain. Nakuntento na ako sa sexy niyang pagnguya at paglagok ng inumin. Feeling ko nga busog na agad ako, eh. Nang mapansing papatapos na siya ay doon ko binilisan ang pagkain ko. First date namin ito kaya dapat sabay kaming lalabas ng restaurant. Okay lang kahit hindi HHWW. Hindi ko napansin na nakatitig pala siya sa akin sa sobrang focus ko sa kinakain ko. "Ganda ko ba?" I asked him while swallowing my food. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa. Dali-dali kong inabot ang inumin at nilagok iyon. "Uy, sorry, baka ma-turn off ka. Binilisan ko lang ang pagkain dahil baka iwan mo ako." "And, why is that? Hindi ko dala ang bahay mo." "Masasaktan ako kapag iniwan mo ako." I trailed off. "Eme! Ayan tapos na ako. Saan ka na niyan after? Uuwi ka na?" Walang salita siyang tumayo kaya binitbit ko na lang iyong 'di ko pa ubos na burger at fries. Napakamot ako ng ulo nang ma-realize na wala na akong drinks. Gusto ko pa sanang bumili kaya lang alam kong iiwanan niya ako. "H-Hey, sandali. Saan ka na niyan?" muli kong tanong. Lakad takbo ang ginawa ko maabutan lang siya. "Go back to your hotel room." Iinisin ko na lang siya lagi para lagi rin siyang magsalita. "Sasamahan muna kita maglakad. Dami kong nakain, eh. At saka 'di pa kita nababayaran." "Tss. Babalik na ako ng Naic. Doon na ako nakatira. Told you, pinatapon ako ng tatay ko roon," he said before lighting up his cigarette. Why did he manage to maintain his lips that red kahit na naninigarilyo siya? "Really? Saan ka ba ron? Baka magkapit barangay lang tayo." "Sa Labac, tabing dagat. Malapit lang din sa school. Bakit ka ba nandito?" "Gimik lang, chill ganoon gaya mo. Saka dito pa rin kami nakatira ngayon. By next week pa kami lilipat ng Naic. Taga roon ang mommy ko. Doon na kami mag-aaral ng mga kapatid ko." I thought that that will be the start of our real conversation pero muli na naman siyang natahimik. Puro hithit buga lang ang kaniyang ginawa habang nakatingin sa malayo. "This is fun, right? Talking to a stranger," basag ko sa katahimikan. "Maybe we can be good friends." Pagak siyang natawa. "I don't do friends. I don't have friends." "You don't have a home and you don't have friends? Pwede ba 'yun?" "Oo naman. Ako." He chuckled. "Kaya hindi uubra sa akin iyang pagsunod-sunod mo." Iyong kaninang inis ay biglang napalitan ng malokong ngiti. His eyes went playful, too. "Well, if you're up for a fvck, baka magbago ang isip ko." Naroon pa rin ang nanunuyang tingin. Wow. That's one hell of a proposal. Gusto ko naman siya, so, why the hell not? In that way, siguro naman matututunan na rin niya akong mahalin. "Fvck buddies ba? Well, I'm a virgin but, I'm up for it. I like you naman, eh. So, friends?" I cheerfully offered my hand. Samantalang siya naman ay nabura ang lokong ngiti at nakanganga lang na nakatingin sa akin. Akala niya siguro uurungan ko siya. No! He will be mine by hook or by crook.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD