"f*****g wake-up, Sinag!" I groaned when Luhan shooked me. Parang naalog iyong utak ko sa lakas ng pagkakayugyog niya sa akin. Inis kong kinuha ang unan sa aking tabi at nilagay iyon sa aking mukha. Ramdam ko ang mahapdi sa balat ng sinag ng araw.
"Stop it, Luhan! I'm still sleepy!" inis kong ani. Sapul iyong pagkakasipa ko sa kaniya kahit nakapikit. I heard him groaned. Buti nga sa kaniya. Malakas na kumalabog ang sahig tanda ng pagbagsak niya.
"What happened last night? Why am I naked? Hey!"
Para siyang lalaking bungangerang ninakawan ng puri.
Napakaingay!
Marahas akong bumangon at tiningnan siya nang matalim. Sa lahat ng ayaw ko ay iyong iniistorbo ako sa pagtulog. Pet-peeve ko talaga 'yon. Kahit sa mga kapatid ko ay walang nagtatangka dahil nambabato talaga ako kung anong madampot ko. Minsan ko na ring nasapak si Chuchay noong isang beses na dinambahan niya ako sa kama. Iyon 'yong naging simula ng hidwaan namin ng malditang aso ni daddy. Tapos broken-hearted pa ako dahil naman kay Drei.
Napaka-insensitive ng baklang ito!
"Alam mo ibo-blow job talaga kita kapag hindi mo tinigil 'yang kakabunganga mo!" gigil na banta ko sa kaniya.
Dali-dali niyang hinawakan ang kaniyang gitna sa sinabi ko. His face turned into panic. Pabagsak muli akong humiga sa kama, nakaharap sa nagbibihis niyang bulto. Parang tanga, natataranta. 'Di naman masarap.
"Pero alam mo, may problema ka. Nakita ko bayag mo kagabi," biglang wika ko sa seryosong tinig.
"What? So may nangyari nga? Oh my, God! H-How? Bakit hindi mo ako pinigilan?!"
"'Di pantay itlog mo. Tapos iyong isa may buhok, iyong isa wala," pagpapatuloy ko. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Gagang ito. Akala niya ba ay tataluhin ko siya? Wala iyon sa bokabularyo ko ano. Hindi ko na napigilan ang mapahalakhak. Paiyak na kasi siya. "Arte mo! Pinunasan lang kita kagabi kaya ka nakahubad kasi ang baho mo at amoy suka ka." Napanguso ako at nangingiti siyang inirapan.
"Hindi mo man lang ako binihisan?!"
"Ba't feeling mo magaan ka? 'Di naman kita natikman, bakit kita bibihisan?"
"Ewan ko sa'yo. Pasmado talaga 'yang bibig mo. Anong oras na ba?"
"Two pm," sabi ko at muling pumikit. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa puyat. Noon lang ako ulit kasi nagpuyat nang ganoon.
"Damn! I'm so dead, bakit 'di mo 'ko ginising? Siguradong lagot na naman ako kay Hitler." Para siyang kiti-kiti na nagsuot ng kamiseta. "Uuwi na ako. Bye. Umuwi ka na rin maya-maya." He then kissed the top of my head before storming out of the room.
Nakatulog akong muli nang umalis siya. Madilim na ako nang magising kaya ang dami kong gutom pagkadilat pa lang ng mga mata. Naalala ko tuloy si Drei. Nasaan na kaya 'yun? Gusto kong sabay ulit kami kumain at ara siya naman ang mailibre ko. 'Di ko na nabayaran iyong utang ko kagabi.
Bigla na lang kasing nawala na parang bula nang iumang ko ang mga kamay ko. Eksena kasi iyong nagsuntukan na mga call center agents kaya ayun, 'di ko na nakita kung saan dumaan. Pero kahit saan siya magtago ay mahahanap at mahahanap siya ng puso ko.
Boom!
Ayaw niya ba akong maging friend? Choosy pa siya sa virgin, duh. Ang puti kaya ng singit ko. Wala akong putok at mabango ako.
Paggising ko ay nasa may bedside table na iyong pina-laundry kong damit kagabi. Napakunot-noo ako, parang wala naman iyon doon kaninang umalis si Luhan.
O baka hindi ko lang napansin?
Naligo ako at pagkatapos ay lumabas na ng hotel room. Ngayon ko lang napansin na Japanese pala ang concept ng hotel. It was a three-star hotel. Budget meal din kaya maraming guests.
Binuksan ko ang phone ko at nakitang marami nang missed call galing sa mga kapatid ko at kay mommy. I texted them that I am on my own home bago muling ibalik sa aking bulsa ang cellphone.
"What the... tingnan mo nga ang ginawa mo sa damit ko?!" Nakakabinging hiyaw ng babaeng nakakapit sa braso ni...
"Drei?" I muttered, surprised. Akala ko hindi na kami magkikitang muli. Ngunit heto siya sa harap ko. Kahit na nakabusangot na naman ang mukha ay gwapong-gwapo pa rin sa paningin ko. "Bakit mo naman ako nilayasan kagabi?" nakangiti kong tanong.
"Hoy, babae, bingi ka ba?!"
"Ay nand'yan ka pala? Akala ko guni-guni ka lang." Muli akong bumaling kay Drei. "Yaya mo? Fubu? Side-chick? Free taste?"
"Sinag, stop it. She's a friend." Oh, friend? Umigting ang kaniyang panga habang nakatingin sa akin.
Sinipat ko ang babae mula ulo hanggang paa at inulit ang hagod ng tingin pataas. Maganda naman siya, morena, mukhang beauty queen, ganoon pero walang spark. "Palitan mo na 'yan, 'di kayo bagay. High maintenance. Mamumulubi ka riyan. Hindi 'yan marunong maglaba, magluto at maglinis ng bahay."
"Shut it, I can learn!" asik ng babae sa akin. Sa klase ay alam kong side-chick lang siya ni Drei. Okay lang, 'di naman masakit. Enjoy niya lang habang hindi pa kami kasal. Saka kung sa ganda rin lang naman ay lamang ako ng tatlumpung bagong taon.
"Bankrupt na kayo 'diba? You are the daughter of the famous Thomas Buenavista. Iyong may-ari ng naluging mga malls? Ikaw 'yon 'di ba? Ikaw 'yon? Ikaw? Ikaw? Ikaw?" Kitang-kita ko ang pagpupuyos ng babae. Kulang na lang ay sampalin niya ako. Her eyes were bloodshot with rage. "Kilala kita. Naging model ka kaya noon ng bikini. Bumili nga ako kaso ang kati sa singit naman noon, pangit ang tahi..."
"Hey, b***h listen to me." She suddenly cuut me off. "Do you know that this dress will cost your arm and leg? This is worth two hundred thousand pesos!" nanggagalaiting tungayaw niya para ibahin ang usapan. Tumingin siya kay Drei upang kumuha ng simpatya ngunit wala siyang napala. Nakatingin lang ang huli sa kaniya at nanatili ang mga kamay sa bulsa. Alam ko na ang karakas nito. Hahanap ng mayaman para maisalba ang negosyo. 'La bang bago?
"Sabi sa'yo eh, 'di 'to marunong maglaba. Natapunan lang ng iced coffee nag-ngangawa na."
Arte-arte.
I faked a smile and added. "Pero okay lang 'yan 'te, ang mahalaga walang nagtanong saka wala akong pake. Mas mahal itong jacket na suot ko."
Umikot pa ako para ibida sa kaniya iyong jacket ko.
"Yuck," she winced. "Sa AB's Supermall lang 'yan nabili. The clothes there are low quality and so cheap. Hindi papasa sa taste ko. Right, Hon?" malambing na baling niya kay Drei. Tinaasan lang siya ng kilay ng katabi at nakakunot ang noo. Halatang na-offend din.
"Hala, Drei. Chipipay ka lang daw bumili ng damit? Walang taste?"
"W-What do you mean? Is that?" Biglang nagkulay suka ang b***h-esa sa narinig. Nalilitong nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.
"Oo." Tumango ako. "Siya nga ang bumili nito, eh. Sa kaniya talaga 'to pero binigay niya na sa akin kagabi kasi love niya ako. Ikaw? Ano binigay niya sa'yo? Sakit ng katawan?"
Napalunok iyong babae sa sinabi ko. Akala niya mapapahiya niya ako sa harap ni Drei? Nagtitili siya sa embarassment bago nag-walk out and then I smiled triumphantly.
"'Di mo ba susundan? Baka umiyak 'yon."
"Bakit nandito ka pa? Nasaan ang boyfriend mo?"
"Luh, issue ka. Selos ka na naman. Hindi nga kami. Checked-in lang as a friend. At saka wala na siya, umuwi na. Dito ka rin ba natulog?"
Tumango siya bilang sagot.
"Kain tayo? Libre ko."
Ang laki ng aking ngiti nang pumayag siya. Sabi ko na nga ba at bibigay rin ito at nagpapakipot lang. Pero may isang kondisyon siya. Gusto niya raw doon sa isang fine dining restaurant. Medyo makapal ang mukha niya sa part na 'yon pero keri lang naman. Mapapatawad ko pa siya.
Walking distance lang iyon kaya nilakad na lang namin. Gabi na rin naman kaya hindi na mainit.
Sa isang italian restaurant kami tumigil. "Sure ka d'yan? Ayaw mo roon sa isa? They serve food by course. They are also offering good wine," I told him and then wiggled my browse. "Tara, roon na lang tayo, mura pa."
"Mura, huh?" He lightly chuckled. Nagkibit ako ng balikat at tumuloy sa paglalakad. Syempre dapat special kapag first date. Ay second date na pala ito.
I smiled realizing that my dress was fit on the said dinner. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin hinubad ang jacket niya.
Kusang umangat ang sulok ng aking labi nang order-in niya ang pinakamahal. It was a five course meal. Nag-add pa siya ng mamahaling wine.
Seared pork belly was served first, asparagus soup, and followed with linguine alla carbonara. The pasta was superb because the chef was a pure blood italian. There was chicken picata, too and then blood orange olive oil cake for dessert.
Walang imik si Drei habang kumakain. Sobrang sarap naman kasi noong meal. Plus the Le Biesta red wine? Ugh, heaven.
Looks like Drei was so pleased with the food kaya naman sinamantala ko ang pagkakataong makipagkwentuhan.
"How's the food?" I asked him.
"This is magic. Sobrang sarap. I'm sure mahal ang ingredients nito. Sana lang kaya mong bayaran," may panunuya niyang ani.
"Tss. Huwag mong isipin 'yon. Nariyan ka naman para tulungan akong maghugas ng pinggan."
"Never," mariin siyang umiling.
"Baka mabusog ka d'yan sa never mo."
Marami-rami rin naman kaming napagusapan. He's an hrm student. Gaya ko ay napag-iwanan na rin ng mga ka-batch. Pero pagdating sa pampamilyang usapan ay masyado siyang ilag pag-usapan. I respect his privacy kaya hindi na ako nangulit pa.
Gustuhin ko mang magtagal pa ang kwentuhan ay masyado nang lumalalim ang gabi kaya naman nang matapos ay agad kong kinuha ang bill.
"This is your bill, Ma'am." Nanlaki ang mga mata ko nang umabot iyon ng fifteen thousand pesos. Drei was smiling widely when my gaze averted in to him.
"How much is it?" natatawa niyang ani. 'Di ko mapigilan ang ngiti nang makita ang pamumula ng kaniyang pisngi. Sa maikling oras ko siyang nakasama ay noon ko lang nakita ang tunay niyang mga ngiti. Ang madilim niyang mga mata ay nagliwanag kasabay ng kaniyang labi. Aliw na aliw sa akala niyang misery ko.
"It's almost fifteen-thousand pesos." Muli akong natigilan nang maalala ang amount ng bill.
"Akala ko ba mura? Baka 'di na abutin iyong pera mo."
Sasagot sana ako ngunit biglang nag-ring ang phone ko.
"Hello, Ninong, thank you for the excellent customer service."
"Did you and your friend enjoy the food?" aniya sa kabilang linya.
"Yes, po masarap po ang food and Rina was an excellent server." Nginitian ko si Rina at siya naman ay mahinang nagpasalamat. "Pero hindi ko pa na-consume iyong twenty-thousand pesos. Pwede po bang take-out na lang para po kay mommy at sa mga kapatid ko? Hindi kasama iyong kapatid mo, epal 'yon, eh." Malakas na napahalakhak si Ninong Alon sa sinabi ko. He's the younger brother of my father and the owner of Italia restaurant where we dine in. Sobrang magkaiba silang dalawa. Minsan nga naisip ko na sana si ninong na lang iyong tatay ko. Sobrang bait niya at lambing sa aming magkakapatid.
"Ikaw talaga. Alright, send my regards to your mom and sister. Banggitin mo na lang kay Rina. May meeting pa kasi ako."
"Sige po. Thank you, Ninong. Take care," I happily told him before ending the call.
Tuluyan ko nang pinirmahan ang bill nang matapos ang tawag. Nagpasalamat ako kay Rina at sinabi ang bilin ni Ninong. Si Drei naman ay nakatulala lang na nakatingin sa akin. Tila ba nagtataka.
Masyado yata akong maganda sa paningin niya ngayon.
"Huy. Okay ka lang?" I snapped that made him brought back to reality.
"Y-Yeah. Did you just sign and not give any money or card to the server?" kunot-noo niyang tanong.
"Hmmm." I nodded. "This restaurant is owned by my Uncle Alon - the youngest brother of my dad. Bakit?" Bigla siyang napahilamos ng mukha. Nawala na rin nang tuluyan ang nanunuyang ngiti sa kaniyang mga labi.
"You told me that you're going to pay."
"Yeah. I did. Magkadugo naman kami kaya kargo na rin niya ako. So, parang ako na rin ang nagbayad kasi uncle ko naman siya 'di ba? Sarap ng food no?"
I sweetly smiled at him and took a sip on my glass of wine. "You can't get rid easily of me, Lovie. Marami ka pang kakaining bigas," piping sabi ko sa isip. I winked at him that made him more frustrated.