"Wala ka talagang car?" tanong ko. I was waiting for my shrub car to arrive na ni-book ko. Habang siya naman ay dala iyong ibang paper bag na may lamang pagkain. "Baka naman," pabiro kong parinig. Feeling ko kasi talaga nagdi-deny lang siya at ayaw niya lang akong makasama sa iisang lugar na makipot ang espasyo namin sa isa't-isa. Dahil sure na sure akong hindi niya mapipigilan na magyabong at natatago niyang nararamdaman sa oras na makulong kami roon.
"Wala nga," inis niyang sambit. "Nasa casa, nasira noong isang linggo," todo tanggi niya.
"Oh. Okay. Pero next time, ah? Sasakyan kita," I giggled my brows with what I said. He rolled his eyes at me. Grabe naman, kapag ako talaga ay walang kadating-dating sa kaniya. Hindi man lang nangiti, kinilig o kahit nautot man lang.
Hashtag manhid.
Isinusumpa kong luluhuran niya rin ako. Hahalikan ang mga paa kasama ang mga kalyo at ingrown ko.
Hindi naman siya masyadong excited mawala ako sa paningin niya dahil siya ang naunang magbukas ng compartment para roon sa mga pagkain. Pinagbukas pati niya ako ng pinto. Kinilig ako nang slight kahit alam kong gusto na talaga niya akong mawala sa paningin niya.
"Sure ka na ba d'yan na hindi mo ako ihahatid?" I asked him again, smiling. Binigay ko iyong pinakamatamis kong ngiti sa kaniya. Ngunit as usual, wala akong napalang sagot at basta na lang niyang binalibag pasara ang pinto.
Napaka-gentleman kaya nag-move on na lang ako sa sasakyan.
GULAT ang lahat nang makauwi ako dahil may dala akong take-out food. That's Bituin's favorite restaurant kasi kaya siya iyong pinakamasaya. Maaliwalas naman ang mukha ni mommy nang umuwi ako. I kissed her cheeks bago giniya sa hapag kainan.
Ewan ko ba. Kapag wala naman si daddy ay payapa ang buhay namin. Sana, hindi na siya umuwi.
Syempre, joke lang 'yon. Hindi ko kayang makita si Mommy at mga kapatid ko na malungkot nang dahil sa kaniya. 'Di nila deserve.
"So, who's your date, anak?" Mommy asked me lovingly.
"He's Drei Leviste, Mommy. He was...hard to get."
Natawa silang lahat sa tinuran ko. I made a face at my sisters.
"Pero okay lang. I will still pursue him. Alam kong magugustuhan niya rin ako kahit ilang beses niya pa akong supladuhan. We will be at the same school this coming semester," I said, wiggling my brows.
"Talaga, ate? Dapat makilala namin 'yan, ah?" si Tala.
"Oo naman." Tumango ako. "Sa pasukan makikilala niyo rin siya."
"Para palang kami ng daddy mo noon. Naku, ako rin ang nanligaw. He eventually fell then we parted ways. Pero ito ulit kami, magkasama pa rin," my mother said dreamily.
Agaw moment din itong si Mommy talaga, eh.
"Really, mommy? That's so sweet. I hope that I can find like daddy in the future," Bituin stated dreamily kaya agad akong nagprotesta.
"No way!" Eksaherada kong sambit. Kunot noo akong tiningnan ng mga kapatid ko. "I mean no way you can find one hanggat 'di ka pa tapos mag-aral," sabi ko na lang.
Hindi naman kasi nila alam iyong ganap ng mga magulang namin. They were all blinded by our parent's sham marriage at isang malaking palabas lang ng perkpektong pamilya sa tuwing nasa harap nila. I don't want them to feel the pain that I have been through. Masaktan na ang lahat, huwag lang ang mga kapatid ko. Lalo na si Bituin. It would be bad for her heart. She was always looking up at our parents and I want it to stay that way, ganoon din si Tala.
Hindi na ako muling nagsalita nang mabanggit si daddy. Hinayaan ko na lang na ikwento niya kung gaano "kuno" kaganda ang pagsasama nila ng asawa niya. Minsan artista rin 'tong nanay ko. Award lagi ang ganap.
Napapaismid na lang ako sa mga kwento niyang nakakakilig patungkol sa love life nila ni daddy. Hindi ko naman gagawin iyong ginawa niya. Mahaba siguro ang pasensya ko pero hindi ako magiging tanga habambuhay. I know my limit when it comes to love. I am 21 at sa tinagal na iyon ay si Drei lang naman ang natipuhan ko.
Hanggang sa matapos ang kwentuhan ay hindi na ako muling nagsalita. My mood easily went sour hearing those lies from my mother. Napakain tuloy ako ulit para valid iyong pagiging tahimik ko. Sunod-sunod iying subo ko para no chance of talking talaga.
Don't talk when your mouth is full 'di ba nga?
Sa tuwing naririnig ko iyon ay para akong masusuka. Pwede namang hindi na kasi niya ikwento pa. Pinaaasa niya lang iyong mga kapatid ko. Dinadagdagan niya lang lalo iyong kasinungalingan nila.
"Sinag."
I suddenly stopped walking through my room when I heard my mom calling may name. Kagagaling ko lang sa pool area, nag-yosi upang kumalma. Siguradong maaamoy niya ako ngunit wala ng oras para i-deny pa. Hindi ko rin naman itatanggi.
"Po?" tamad kong tanong. Nakapantulog na siya at basa ang buhok. Mukhang kagagaling lang sa shower.
"Nadadalas ang paninigarilyo mo," kimi siyang ngumiti. Alam naman niya iyong bisyo ko pero wala naman na siyang magawa. Pampalubag loob na lang din siguro sa stress na binibigay nilang mag-asawa sa akin kaya hindi na niya pinoproblema. Naninigarilyo lang naman ako kapag stress o 'di kaya ay pagod.
Nagkibit balikat lang ako. "May sasabihin pa po kayo?"
"I'm just glad that you're going out with a guy." She smiled at me. Nginitian ko rin siya. "And, uh..about your father. Your Tita Katrina saw him with a girl. S-She's young."
Mariin akong napapikit sa narinig. Heto na naman kami. Akala ko tahimik ang buhay naming lahat dahil wala iyong asawa niya. I'm rooting for a stress free class vacation but, here we are stressing ourselves out because of him being an unfaithful husband.
"Mom, we will be moving out next week. The enrollment was settled. Maayos at malinis na ang bahay as per Manang Ising. Sumama ka na lang sa amin."
"Anak, that's not what I wanted to do. I want here. I'll stay here with your dad."
"Eh, bakit pa po tayo nag-uusap? You tolerate it? then live with it. Pagod na ako, Mommy. I will just hire someone to be your confidant para may mapagsumbungan ka sa tuwing mambababae si Daddy. Pero ako? Pagod na po ako. You guys are ruining my sanity at hindi ako papayag na pati ang katinuan ng mga kapatid ko ay malason niyo rin!"
"I'm sorry. I just want someone to talk to. I know..." Doon na lumabas ang luhang kanina niya pang pinipigilan. "I love your father so much, Sinag."
Kahit anong idahilan niya ay hindi ko maunawaan kung anong logic ng pagmamahal na meron siya. Bukas mata niyang nakikita ang lahat at pinamumukha na sa kaniya na hindi siya ang gusto.
Tinatanggap niya ang bawat pasakit at hindi nagre-reklamo sa tuwing emosyonal siyang sinasaktan ni daddy.
It will be better for them to just separate than to stay in a toxic marriage. Pati kami tuloy ay nadadamay. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Para akong gagong lagi siyang pino-protektahan pero lagi rin naman niyang hinahalikan ang mga paa ni Alab.
"I don't know what kind of love for my father you have, mom. But, it's not healthy not only for you ngunit lalo na sa amin. Sana naman isipin mo rin kami. O baka tama nga si daddy, sana hindi na lang ako nabuo o kaya sana pinalaglag mo na lang ako. In that way, hindi kayo magpapakasal at wala sanang mga batang nagdurusa ngayon."