Imbis na sa silid ko ako dumiretso ay sa silid ng mga kapatid ko ako nagtungo. Kapag ganitong galing kami sa pagtatalo ni mommy ay ayokong napag-iisa dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako. Masyado lang akong mag-iisip at makakaramdam ng sakit kung magkukulong agad ako sa kwarto.
Nagkukuringgian ang dalawa nang mapasukan ko. A smile automatically crept on my lips hearing them laugh. Iyon lang naman ang pangarap ko sa kanila. To live without worries and be happy. Sa lagay kasi ng pamilyang meron kami ay napaka-imposible noon. Kung iyong iba ay pangarap ay rangya sa buhay. Ako naman ay pangarap ang masayang buhay. And I will do everything to save their sanity.
"Aba at hindi pa kayo natutulog, ha?" nakangiting sabi ko sa kanila. Nakadapa si Tala habang si Bituin naman ay nakaupo sa swivel chair niyang pink. May hawak itong libro at suot pa ang reading glasses niya.
Inilibot ko ang tingin hanggang sa matunton ko ang gilid ng kama ni Bituin. I was relieved seeing the switch was still on red. Iyon 'yong pinaka-switch na kailangan niyang pindutin kung may emergency like mahirapan siyang huminga. Mayroon din si Tala sa gilid niya. I averted my eyes again on them and smiled.
"Kasi si Ate Bituin, eh. May crush na pala 'yan, Ate na schoolmate niya," sumbong sa akin ni Tala.
"Shhh. Ate wala naman," todo tanggi naman ng huli.
Pinanlakihan ko sila ng mga mata. "Kukurutin ko mga singit niyo, eh. Iyong usapan natin, ha? Mag-aral muna bago ang boyfriend. Because..."
"That's bad for the heart," they answered in unison.
"Very good at malinaw tayo. Teka, nagsiligo na ba kayo?"
"Opo, Ate," sabay nilang sagot.
"Eh, ikaw, Ate, bakit hindi ka pa natutulog?" Bahagyang lumapit sa akin si Tala at siniksik sa akin ang kaniyang sarili. She crunches her nose when she smelled me. "Saka, yuck. Nag-yosi ka ba? Lagot ka kay Mommy!"
"Isa lang naman, shhh." Umarte akong nag-aalala. "Huwag niyo nang gayahin si Ate. Ako lang dapat matigas ulo rito. Nag-umpisa na ba kayong mag-ayos ng mga gamit?"
Sabay silang napangiwi sa tanong ko sabay kamot ng ulo. Kabilin-bilinan ko kasi noong isang araw na ayusin na nila. Sinamaan ko sila ng tingin ngunit maya-maya'y napahalakhak din.
"Ako rin hindi pa," natatawang ani ko.
"Ate naman, eh. Ikaw din pala," napanguso si Tala. "Bukas na lang ate, tulungan mo kami. Nakakatamad magtiklop ng damit."
"Sige. Ako rin tulungan niyo."
"Luh. Mas marami gamit mo samin, kaya mo na 'yan."
Pabiro kong sinabunutan si Bituin. Nagtuloy ang aming kwentuhan at kulitan. Mataman kong tinitingnan ang mga kapatid ko sa tuwing nasa ganoong eksena kami. They were so beautiful. Sa aming tatlo ay si Bituin ang pinakamaganda dahil kamukha siya ni mommy. Taklesa rin minsan gaya ko pero malambot ang puso. While Tala has the softest heart. Kumbaga siya iyong pinakamabait. At ako naman sa kasamaang palad ay ang pinaka-kamukha ng daddy ko. Sabi ni mommy ay kaugali ko rin daw pero mariin ko iyong tinututulan.
Ano kaya ang feeling ng lagi niyang inaaway iyong sarili niya?
Iyong mga ngiti nila ang nakakapagtanggal ng sama ng aking loob sa mga magulang ko. Ang mga hagikhik nila ay nagsisilbing musika lagi sa aking mga tainga.
"Ate Sinag, bakit hindi ko kamukha si Mommy? Parang kayo lang ni Ate Bituin ang nahahawig niya," biglang tanong ni Tala. Saglit ako natigilan, walang maapuhap na salita. Hindi naman kasi alam nina Tala at Bituin na hindi niya tunay na nanay ang mommy namin. Ngunit kahit na ganoon ay buong puso siyang tinanggap ni nito. Mababakas naman ang wangis ni daddy sa kaniya ngunit ang kay mommy ay wala talaga.
"Ganoon talaga. Mas lamang lang talaga iyong features mo sa side ni daddy. Bakit? Maganda ka naman, ah. Ang importante magkakamukha tayong tatlo."
"Sabagay. Ang ganda-ganda kasi ni Mommy. Pero sabi naman niya magkamukha kami ng dimple."
Nangiti ako sa kaniyang nasambit. Pareho kasi silang may biloy ni Mommy. They both have the smile that every man would drool off. Mas maganda man si Bituin, pero 'di hamak na mas malakas ang appeal ni Tala.
Samantalang ako, eto naghahabol sa lalaking 'di naman ako gusto. Hmp.
"Iyon nga ang nakuha mo kay mommy, iyong dimple niya," sang-ayon naman ni Bituin.
Masyado nang lumalalim ang gabi kaya napagpasyahan na naming magpahinga na. Bago lumabas ay siniguro ko munang nakainom na ng gamot si Bituin.
"Mag-pray kayo bago matulog ha? I love you, two," I told them lovingly.
"We love you, Ate Sinag," sagot naman nila pabalik.
Hinalikan ko silang pareho sa pisngi bago patayin ang ilaw at lumabas na ng silid. Naroon pa rin ang kahungkagan sa dibdib ngunit kahit paano ay nabawasan.
Upang iiwas ang isip sa stress ay naisipan kong kulitin na lang si Drei. Sinubukan ko siyang i-text, sana lang ay mag-reply.
Me: Hi, Lovie.
Binuksan ko muna ang tv habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. Parang tumalon ang puso ko nang marinig na tumunog ang cellphone ilang sandaling makalipas.
Drei: Ano na naman?
Ihhh. Kakainis naman. Alam niya agad na ako iyong nag-text. Siguro ine-expect niya rin ang text ko? Malakas ang feeling kong bet din ako nito, eh.
Me: Kinilig naman ako dahil nakilala mo agad ako.
Drei: Nag-iisa ka lang na stalker ko. Paano kitang hindi makikilala?
Napanguso ako ngunit napalitan din ulit ng ngiti.
Me: Hindi ba pwedeng admirer? Ang stalker pang-pangit lang. Hindi ako pangit no. Anyway, what's up? Nasaan ka ngayon?
Drei: Good night.
Me: Good night, Lovie. Dream of me.
I replied back. I grinned when he didn't answer anymore.
Itinuon ko na lang ang sarili sa panunuod ng movie hanggang sa ako na ang panoorin nito. Paggising ko ay mataas na ang araw. Siguro ay si mommy o isa sa mga kapatid ko ang nagpatay ng tv.
Nagmamadali akong bumangon nang makita ang oras. Alas nueve na kasi. Usapan namin nang nagdaang gabi ay pupunta kami ng mall upang mamili ng storage box. Para pagdating sa lilipatang bahay ay hindi na magkakalkal pa ng bag. Dali-dali akong naligo at nag-ayos.
Yamot man sa ina ay inaya ko naman siya. She was glad that I talked to her despite our argument last night. Hindi ko naman siya matitiis na iwan sa bahay mag-isa. It was Saturday at wala rin siyang trabaho. Mag-iisip lang iyon nang mag-iisip kung maiiwan sa bahay.
My love for my mother was literally love and hate. Mag-aaway kami ngayon pero hindi ko naman siya agad natitiis. Hindi nagtatagal iyong galit ko. Ayoko rin na inaaway niya si daddy kaya ang siste ay ipagtatanggol ko siya. Hirap magpalaki ng mga magulang.
Dahil traffic ay late na kaming nakarating ng mall kaya kumain na muna kami. Bituin needs to take medicine after lunch kaya hindi maaring mag-skip.
We dined in at a casual fine dining restaurant na siyang kinainis ng kapatid ko.
"Ate naman, gusto ko sa fast food," parang batang ungot niya. Tinaasan ko siya ng kilay bilang warning.
"Hindi iyon healthy for you kaya rito tayo kakain. Don't make me repeat myself. No buts," I firmly said. Gutom na rin kasi ako kaya naiinis na.
"Mom!" she winced at our mother. Ganoon siya kapag wala siyang mapapala sa akin. Si mommy naman ang kukulitin.
"Ate Sinag is right, anak. That's for your own good."
What I love with my mother is nirerespeto niya iyong desisyon ko para sa mga kapatid ko. Sabihin na nating oa akong ate pero ayoko lang naman na mapasama sila. Hatid sundo ko pa ang mga iyan sa school kaya walang bully o ano man ang nakakaligtas sa akin. Even sa mga PTA meetings ay ako ang madalas pumunta. They will always be my baby.
Kung tutuusin ay dalaga na ang mga kapatid ko. Bituin was eighteen while Tala was fifteen. Pero kahit kailan ay hindi nagbago iyong turing ko sa kanila.
Lagi ko pa rin silang hinahalikan at niyayakap. Lagi pa rin nila akong kailangan pagdating sa mga home works at sa mga bagay na hindi nila alam. Hindi nakakarindi iyong lagi nilang kaka-ate.
And it will always stay that way.
Dahil hindi ko matiis ang kapatid ko ay nag-request ako ng chicken burger sa chef. Iyon kasi ang favorite ni Bituin sa fast food and fries. Fresh potatoes naman ang substitute noon upon my request. I personally know him dahil friend siya ni Ninong Alon. Bagay na hindi namin magagawa sa fast food dahil ang dami ng nailubog na kung anu-ano sa mantika roon.
"Thank you, Ate. You're the best!" she beamed before munching her food. Nailing na lang ako, nangingiti habang masarap siyang kumakain. It has a salad on the side to make it healthier.
Sa department store kami nagtungo after lunch. We bought ten large boxes for our clothes. Habang masaya ang dalawa kong kapatid ay siya naman ang paninikip ng dibdib ko habang nakikita ang ngiti sa labi ni mommy.
Alam kong hindi ko na siya mapipilit pero aasa pa rin ako na sana ay magbago ang kaniyang isip.
I shooed the sad thoughts away and be with their happy spirit. Pag-uwi ko na lang iisipin ang dapat na gawin.
"Sayang wala si daddy, 'no, Ate? Ang tagal na natin last nag-mall ng kasama siya, eh," sabi ni Bituin.
"Okay lang naman. We can manage," I told them instead. "Wait..." Swear. That ring saved my tactless mouth to spill out more. Lalo pa akong nabuhayan nang makitang si Drei iyon.
He was freaking calling me? Hindi ba ito panaginip?
"Hello, to you, too, Lovie," I greeted him.
"Who are you with?" mabilis niyang tanong na kinakunot ng aking noo. He sounded in a rush.
"My mom and my siblings. What's up?"
"Pwede ka bang ma-meet sandali ngayon? Importante lang."
Lumayo ako nang bahagya para makatili ng walang tunog. Oh my, God. Ito na ba? Is this is it?
"Bakit? Anong meron?" pigil ngiti kong sagot. Medyo pakipot. Ano? Siya lang may karapatan? No way. Dapat dalagang pilipina tayo. Paghirapan niya ang puri ko.
"Okay. I need you to be my girlfriend."
Ni-mute ko sandali ang tawag at naghagilap ng kung anong pwedeng matilian. I need to release my kilig or else I'll die. Nakakita ako ng throw pillow at doon sumubsob at nagtitili. Babayaran ko na lang dahil nalawayan ko na.
"H-Hello, wait, s-sorry. Ang bilis naman kasi. Wala muna bang ligaw?"
Iyong dibdib ko talagang kumakabog. My cheeks were flushing and my hands were trembling. Ganito na ba iyon?
In love na ba talaga ako?
"Stop screaming on the pillow like a fool. I need you to be my girlfriend like right now," he demanded. My eyes went wide when I suddenly saw him walking on my way.
He was breathtakingly gorgeous. Ibang-iba ang awra niya. He doesn't look like a bad boy, but a hottie bachelor in his yellow polo shirt, ripped pants, and nude loafers.
And he is my boyfriend?
"Hey," he snapped his fingers on my face.
"H-Hey," I stuttered. "Hi. You're here."
"Kanina pa," he said, creasing his forehead. "So, is it okay with you?"
"Okay? What okay?" I grinned at him. Gusto kong ulitin niya iyong tanong niya kanina na kaharap ako.
"Tss. I told you already," inis niyang anas.
"Say it, or it's a no."
Oh my, God. That was fun. His face was frustrated and obviously in trouble. Pero as usual, gwapo pa rin at nakakatakam.
"I need you to be my girlfriend. Kahit ngayon lang." Ah. Music to my ears. Bigla ko tuloy nalagay ang takas na buhok sa gilid ng aking tainga. Pinipigil ang kilig. It was now my turn to make pakipot.
"And why is that?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.
"My dad was on the ground floor, in a restaurant with his business friend. He was setting up an arranged marriage..."
"Yes! Yes!" Walang pagdadalawang isip kong sigaw.
Hindi maari na mapunta siya sa iba ano? Ako lang.
Ako ang legal wife!
Napahilamos siya ng mukha sa aking ginawa. Ramdam ko rin ang biglang maiinit na titig sa aming dalawa.
Doon ko lang napagtanto na napalakas ang sigaw ko at huli na para umalis sa kahihiyang iyon.
"Are you okay, anak?" It's my mom's voice. "Oh, hi," bati niya kay Drei. "Are you my daughter's friend?"
"Hello, Ma'am," magalang na bati naman ng huli. Pinandilatan ako ng mga mata ni Drei and signed to keep my mouth shut. But, my tactless mind tells me otherwise. "I'm Drei Leviste po, you're daughter's..."
"My boyfriend, mom. He's my boyfriend."