"You're bleeding," biglang usal ni Drei.
Doon ko lang napansin ang mahabang sugat sa palad. Huli ko nang naramdaman ang sakit. "s**t," I winced when I already feel the pain. It was excruciating. Wakwak ang palad ko at tuluyan nang nilamon ng hapdi. Kaya pala nahihilo na ako, iyong dugo ay tuloy-tuloy ang pagtulo.
Bakas ang pagkataranta sa kaniyang mukha kaya hindi ko napigilan ang mangiti.
"Ikaw lang 'yong nasaksak na nakangiti pa," sabi niya.
"Oa mo. Nahiwa lang 'yan."
Madali akong dinaluhan ni Drei at hinubad ang kaniyang pang-itaas.
Nanlaki ang mga mata ko. "Dito talaga? 'Di ba pwedeng kapag wala na akong sugat?"
"Silly. Wala kasi akong panyo. Baka maubusan ka na ng dugo kung hindi pipigilin."
"Akala ko pa naman kukunin mo na ang puri ko. Sayang naman."
"Dream on," he grimaced.
"Baka mabusog ka niyan sa sinabi mo," aliw kong tukso.
Iyong hinubad niyang damit ang ginamit niya pang-ampat ng dugo. His muscles were brawny. Any girl would drool off just seing that sexy piece of him. "Hmmm. Sexy," I naughtily said while biting my lips. "One, two, three, four, five..."
"Why the hell are you counting?" tanong niya na nakapagpatigil sa ginagawa sa kamay ko.
"Six. You're abs. Perfect six! Nagwo-work out ka 'no? Palaman na lang kulang saka kape."
As usual, deadma lang iyon sa kaniya. Para na naman akong nagtanong sa hangin at pumuri ng estatwa. Hirap naman pakiligin nito. Pinaglihi yata sa bato.
Ilang sandali lang ay dumating na ang mga agents. Mikko, our head security was on my speed dial kaya nalaman niya agad. My phone was on ongoing call when the incident happened. Kasunod na niya agad ang mga pulis.
Matalim ang naging tingin niya kay Drei nang mapansing nakahubad ito. Inilingan ko siya, piping mensahe na hindi ako ginawan nito ng masama.
"Ma'am, are you sure that we will let it pass?" Mikko asked me worriedly.
"Let the police handle it. Hindi naman seryoso. It's just a random incident."
Napatingin siya sa duguan kong kamay. Agad niya iyong ni-check. He was our resident doctor kaya siya na ang gumamot ng sugat ko. Phoenix has an underground hospital at mga agents din ang doctor na naroon. Sinabi niya sa akin na kailangan iyong tahiin dahil malalim. He gave me shots of tetanus vaccine, too.
Sa loob ng armored van na niya ginawa iyon dahil ayoko nang mag-alala pa sina mommy. Magpa-panic pa ang lahat kung magpapadala pa ako sa regular na hospital. Bukas ko na lang ng umaga sasabihin.
Maayos naman na at nadampot na iyong baliw na lalaki. I let our family lawyer handle everything.
Kapansin-pansin ang pananahimik ni Drei sa aking tabi. May damit na siya dahil binigyan siya ng puting kamiseta ni Mikko. Hanggang sa loob ng van ay kasama ko siya. Kahit na walang kibo ay alam kong maraming tanong sa kaniyang isip.
Nagpasalamat ako kay Mikko nang matapos niya ang ginagawa. Ayaw pa niya noong una na iwan ako ngunit wala rin nagawa ang huli kundi ang sumunod.
Umangat ang sulok ng labi ko nang makitang wala pa ring kibo si Drei. Nakaalis na sina Mikko ay ganoon pa rin siya. "Spill it, you can ask me."
Bigla siyang napatingin sa akin. Kahit na maghapon na kaming magkasama ay hindi pa rin nawawala iyong rigudon sa dibdib ko sa tuwing dadapo sa akin ang paningin niya. "Are you a mafia? an assassin? a member of a royal family? Bakit may personal bodyguard ka? At saan siya galing?"
Sa dami ng tanong niya ay hindi ko alam kung ano ang uunahin. Pero bet ko iyong royal family. Pero 'di bagay sa tatay ko 'yon. Bago maging king ay dapat maging prince muna. Eh, 'di naman pang prince charming ugali niya.
"Pulis nga iyong tatay ko dati. Pero ngayon, may sarili na siyang security agency."
"Security? You mean security guards? Nagde-deploy kayo sa mga company?" kunot noo niyang tanong. He's so cute while his chin was leaning on his fingers.
Muntik na akong mapabunghalit ng tawa. Sige na nga, patulan ko na 'yong joke niya.
"Oo, ganoon nga," sagot ko na lang para sa ikatatahimik ng kalooban niya. Bala hindi pa siya makatulog kasalanan ko pa.
Dahan-dahan siyang tumango, halatang pinoproseso pa rin iyong nangyari. Pero alam kong hindi sapat iyon dahil sino ba namang security guard ang marunong tumahi ng sugat? Hindi naman na siya muling nagtanong kaya hindi ko na pinroblema pa.
True to his words ay hinatid niya nga akong muli pauwi. But, before he left ay nagpasalamat siya sa akin.
"Thank you for saving me, Sinag," his last words before heading off. Kaya sinagot ko siya ng "I love you, too" kasi parang ganoon na rin 'yon.
Kaya kilig na kilig ako bago matulog. Nag-text-text pa kami bago ako tuluyang hilahin ng antok. Sobrang sweet noong huling reply niya na "K" sa text ko na "good night." Muntik na nga akong maiyak.
Ngunit kabaliktaran iyon nang nangyari paggising ko. Mommy was hysterically waking me up. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang doctor.
"What's happening?" antok kong tanong.
Agad na hinuli ng doctor ang aking kamay upang tingnan iyon.
"What's happening?! Hindi mo 'man lang sinabi sa akin na napahamak ka na pala kagabi?"
"Who told you?"
"At iyan talaga ang tanong mo? Of course, I would know. Si Marites ang kapitbahay natin!"
"I'm fine, mommy. Natahi na ni Doc Mikko 'yan. At nakakulong na iyong gumawa. It's just a petty hostage scene. Hold-upper," mahaba kong paliwanag.
"My, God, Sinag. Petty? Muntik ka nang masaksak? Paano kung napuruhan ka? Naroon ba si Drei nang mangyari 'yon?"
"Yeah. Kaya 'wag ka nang mag-alala. Okay lang din siya, okay kami. We're in love," I kidded and smiled sweetly at my mother.
She rolled her eyes on me and exclaimed. "Puro ka kalokohan. Manang-mana ka sa ama mo. Pareho kayong walang kinatatakutan!"
Nagusot iyong mukha ko sa sinabi niya. Aga-aga mambadtrip, eh.
"Duh. 'Di kaya. Mana ako sa'yo, maganda."
"Binigyan ka ba ng tetanus vaccine?" tanong ng doctor.
"Opo."
The doctor does her thing on my hand. Nilinis niya iyon, pinahiran ng ointment at binalutan ng gasa. Niresetahan din ako ng gamot. Pareho lang na pain killer at antibiotic iyong nireseta gaya ng binigay sa akin ni Mikko. Hindi ko pa lang nabili dahil sarado na iyong pharmacy kagabi.
"Ate, okay ka lang?!" ani ni Bituin nang makapasok. "Why are you injured?" she croaked.
"Ate, ang laki ng sugat mo. Anong nangyari, mommy?!" si Tala. Parehong nag-aalala.
"Si mommy naman hindi nagsara ng pinto," ungot ko. Napakagat labi na lang si mommy dahil sa nangyari.
Ayokong-ayoko na nakikita ako ng mga kapatid ko na ganoon. Napakaiyakin kasi nilang dalawang. "Okay lang ako, nahiwa lang kagabi. Walang iiyak," I firmly told them. Nanunubig na kasi iyong mga mata nila na tila ba ako ay mamamatay na.
Nakalabas na sina mommy ay naroon pa rin ang dalawa kong kapatid. Tahimik lang sila at kalmado naman na dahil naipaliwanag ko na ang nangyari. They were just there doing their thing. Bituin was sketching while Tala was reading her favorite book.
"Wala ba kayong gagawin? Sabi ko mag-ayos na kayo ng gamit 'di ba?" nanlalambot kong tanong.
"Eh, babantayan ka muna namin. Baka may lumabas na tren sa sugat mo, Cubao station," pabirong sagot ni Tala.
"Gaga. Bahala kayo. Matutulog muna ako." I heard them answer "okay" before closing my eyes.
Nakakaantok iyong pain killer kaya nakatulog ako agad. Ginising na lang ako noong nang kakain na.
Feeling ko lalong sumakit ang sugat ko noong nakita ko sa hapag si daddy kaya hindi na ako tumuloy bumaba. Kaya pala ngiting-ngiti si mommy dahil nariyan na iyong asawa niya. Asikasong-asikaso niya ito na para silang hashtag relationship goals.
Wala akong energy makipag-away sa kay Alab kaya bumalik na lang ako sa silid.
"Ate Sinag, okay ka lang ba? Ayaw mo kumain?" si Bituin na hindi ko namalayang nakapasok na sa aking silid. I smiled at her. "Nand'yan na si daddy, marami siyang uwing pasalubong," dagdag niya pa.
Oo, para sa inyo. 'Di naman ako kasama sa pasalubong na 'yan. Gusto kong sabihin ngunit isinaisip ko na lang.
Hindi naman ako ipokrita. Madalas ay talagang naiinggit ako sa mga kapatid ko dahil maayos naman ang pakitungo sa kanila ni daddy. Ako lang iyong bukod tangi sa anak niya na talagang kinasusuklaman niya. Paano kaya kung ako iyong nagkasakit? Mamahalin din niya kaya ako gaya ng pagmamahal niya kay Bituin? Or kung hindi si mommy iyong naging nanay ko, siguro malambing din siya sa akin gaya nang kay Tala.
"Ate?"
Nakawala ako sa malalim na pag-iisip nang muli akong tawagin ni Bituin.
"Pakisabi na lang kay manang na dalhan na lang ako ng pagkain. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko," sabi ko na lang.
"Okay. Babalik kami rito ni Tala pagkakain," nakangiti niyang wika.
"Iyong gamot mo."
"Opo, ate," sagot naman niya.
Imbis na si manang ang magdala ng pagkain ay si mommy ang gumawa noon. Nakangiti siya na tila ba walang kasalanan si daddy. How the hell did she manage to smile despite her husband's bullshits? Nakakainis tingnan, eh. Walang kaplastikan at pawang katotohanan lang ang nasa mukha niya. Ganoon kababaw ang kaligayahan niya pagdating sa tatay ko.
"How are you, iha? Are you okay?" tanong niya sabay lapag ng food tray sa bed side table. May laman iyong kanin at adobong manok. May prutas din at orange juice. Iyong gamot ko ay handa na rin.
"Masakit lang po ang katawan ko at mahapdi ang sugat. Ngayon ko nararamdaman iyong sakit."
"Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot." I gave my thanks and started to munch my food.
"Dumating na ang daddy mo. He was looking for you," she told me. Napataas ako ng kilay.
"Don't feed me with your sweet gourd, mom. Hindi niya ako hahanapin, he hates me," pagak akong natawa.
"Sinag, anak, why don't you try to compromise? Hayaan mo na ang daddy mo. Let me handle it. Gusot namin iyon at hindi ka na dapat nadadamay pa," masuyo niyang pakiusap.
"And what mom? Magbubulag-bulagan ako na harap-harapan ka niyang binabastos? Paanong hindi ako madadamay eh, kulang na lang duraan niya ako sa tuwing makakasalubong niya ako. You're hopeless, mom. Huwag na nating pag-usapan dahil never 'yang mangyayari."
"Sinag, please..." she begged. Her eyes went teary and hopeful. Walang ina na gustong may alitan ang kaniyang pamilya. Pero kung ganoon naman ang magiging tatay mo ay isang malaking NEVERMIND na lang.
I continued eating my food, neverminding what she said. Instead, I praised her cooking dahil alam kong siya ang nagluto. Kaya pala naman dahil dadating na si daddy.
"Okay, mommy. Why don't we compromise instead of him and me?" Biglang usal ko matapos maisubo ang huling pagkain. Her face lightened up and spits interest. Punong-puno iyon ng pag-asa. Asa pa siya. "I will beg for his forgiveness for all the s**t that I've done if you'll go with us at Naic, Cavite."
"H-How about your dad?" may pag-aalala niyang sambit. "Walang mag-aalaga sa kaniya kapag nagkasakit siya? Ume-edad na ang papa mo, kailangan laging may kasama sa bahay."
"Don't fool me with lies, mommy. Alam kong natatakot ka lang na iwan ka niya nang tuluyan kaya ayaw mong sumama sa amin. I don't care about his whereabouts, mommy. Malaki na siya. And this is for your sanity and your own good. You can work remotely naman 'di ba? At isa pa, masasaktan si Bituin kung hindi ka namin kasama."
"Sinag, I won't do that. You know it." Biglang nag-iba iyong mukha ni mommy. From a soft-hearted mother to a lynx. "You're blackmailing me."
Hindi na ako nagsalita. Binigay ko na lang sa kaniya iyong envelope na naglalaman ng picture ng anak ni Phinny. It includes the DNA test that matches the vice-president. And, lastly, the picture of daddy and Phinny going out from a hotel. Taken three weeks ago.
She knew what will happen if I spill the tea. Magkakagulo ang lahat kung mabubunyag ang sikreto ni Phinny na may anak ito sa bise presidente. And once Phinny's secret is revealed, Phinny will go crazy and ruin my father sa oras na kunin ni Anthony ang anak nila. My father's heart will be broken dahil masasaktan niya ang first love niya and he might kill me na sana ay matagal na niyang ginawa.
Then voila! My mother will shed bloody tears once that happens. I am not sure though doon sa pangalawa. Pero sure akong masasaktan siya dahil magiging sad boy iyong asawa niya. Broken-hearted dirty old man.
Well, either or ay nasa akin pa rin ang alas.
"Why are you doing this, Sinag?" she asked me, gritting her teeth. "He is your father. Maaatim mo bang masaktan ang daddy mo? Mapahiya at masira ang reputasyon? Maaring ma-involve ang Phoenix sa gagawin mo."
I shrugged my shoulders. "It's his choice, not mine. I don't care about his wits dahil matagal na rin naman siyang walang pakialam sa atin. I'm doing this for you and my sisters."
Nag-iwas ako ng tingin ng makita kong tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. My weakness. I have to endure her rage, her tears, and her sobs to save her from her misery. She did not deserve that chastening pain my father was giving her.
"S-Sinag don't kill me, anak. Please. I'm begging you."
"I've been through that, mommy. Sometimes, you have to die so that you will realize when you're already on the other side of the world how much you wasted your life if you had chosen to be happy, than to continue living like a fool and endures the pain you didn't deserve."
"You're being like your father," nanghihina niyang sambit.
May kurot sa puso iyong sinabi niya ngunit pinanatili ko pa rin ang matapang na mukha. How come am I being like him kung ako lang ang laging nagmamalasakit sa kaniya sa tuwing sasaktan siya ni daddy?
"Thanks to you, mom. You raised me well," I told her before her palm landed on my face.