I have known my mother as soft as a fur and warm as a hug. But, that rage on her eyes and the wrath on her face made me realize that there was more I didn't know about her. That she was capable of loathing even her own daughter just to protect her husband.
I was sure of that the moment she saw the Alab Mahika on me.
My father was a known manipulative leader. Everyone in the Phoenix was looking up to him. But, despite his flaws, many will attest that his way was effective in finding criminals all over the country.
Kahit ang sarili ko ay hindi ko rin nakilala ng mga oras na iyon. Sure, I was my father's daughter but, I will never be like him. Pakiramdam ko, ang sama kong tanong sa paningin ng sarili kong ina noong marinig ang mga katagang gaya ako ni Alab.
That was the very first time she roughly laid her hands on me. It stings but it stings more in my heart.
"I-I'm sorry, anak. I didn't mean to..."
Mabilis akong tumalikod upang hindi na makita pa ang mga luha na hindi ko alam kung para saan pa. She hurt me because I despised my father and then she'll cry? Funny.
They always hate me anyway. Wala namang bago roon. Masyado lang siguro akong nag-expect at umasa na baka mas mahal ng anak ang ina kesa sa asawa. Not that I am comparing. Ngunit sa pagkakataong dumapo ang kaniyang palad sa aking mukha ay hindi ko na napigilan.
Sino ba ang laging nagtatanggol sa kaniya? Ang laging umaalalay? Ang laging nagpapahid ng mga luha niya? At dapat na nagiging ina sa mga kapatid ko? Ako 'di ba? Puro materyal na bagay lang naman ang ambag nila sa buhay namin.
Kung tutuusin ay dapat na ako ang sumampal ng mga katotohanang iyon sa kaniya.
"You can leave, Mommy. Thank you for the food," sabi ko bago italukbong ang kumot sa katawan.
Laking pasalamat ko nang hindi na siya humirit pa at payapang lumabas ng aking silid.
Mula nang pag-uusap na iyon ay hindi na kami nagkibuan ni mommy. Maging siya ay hindi man lang nag-effort na kausapin ako.
I might look like a villain pero mas okay na iyon kesa maging anghel ako sa paningin niya at tiisin ang lahat nang paghihirap niyang bukas mata kong nakikita. Hindi ako tanga. Kung ako nga lang ang masusunod ay aalis na ako at mamumuhay na lang nang mag-isa.
Pero hindi ko iyon basta magagawa dahil may mga kapatid akong umaasa sa lakas ko. Lakas na hindi ko alam kung hanggang saan na lang.
I won't let her rot in that house alone with her devil husband.
"What's with that face? Biyernes santo, ah," puna ni Luhan sa nakasambakol kong mukha.
We were at the mall at sabay na kaming bumili ng mga gamit para sa darating na pasukan. Kay Drei sana ako magpapasama kaso naisip kong hindi niya deserve ang pagda-drama ko. Nakakahiya pa.
"Nag-away kami ni Mommy," malungkot kong sabi habang nagte-testing ng ball pen. "I blackmailed her that I'll spill the information about Phinny and the vice president."
Isang malakas na batok ang natamo ko mula sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin at saka inambahan ng suntok. "Maldita ka talaga! Alam mo, manang-mana ka talaga kay Uncle Alab."
"Tigil mo nga 'yang bunganga mo!" I hissed at him. "I don't have a choice, Luhan. Kung kailangan kong magmukhang masama sa paningin niya ay gagawin ko malayo lang siya doon sa demonyo kong tatay. Doon, baka sakali magkaroon siya ng realization na masaya pala mamuhay ng hindi toxic. Irereto ko siya sa foreigner. Bahala siya magbuhay dalaga kung gusto niya. Masyado niyang sinasayang ang oras niya kay Daddy."
"Sira ulo," natatawang wika niya. "Well, you have a point there. Grabe rin kasi iyong pagtitiis ni Auntie Althea. Sobra na iyong pagsamba niya sa daddy mo. Hindi na pagmamahal 'yun, eh. Tsk."
"Exactly! Katangahan na ang tawag doon," I grimaced. "Ewan ko nga ba kung bakit siya sumasamba sa demonyo. Given na pinikot niya nga si daddy. Pero hindi enough na dahilan 'yon para parusahan niya nang ganoon ang sarili niya. Ni hindi man lang niya kami sina-alang-alang. She's not even God to decide what punishment she deserve. At saka anong akala niya sa aming mga anak niya? Manika na hindi nasasaktan? Dami niyang drama sa buhay," yamot kong ani. "They are both selfish, sa totoo lang. So immature."
Nilibre ako ng lunch ni Luhan para mabawasan daw ang init ng aking ulo. I am thankful that he was always beside me. Wala naman kasi akong ibang kaibigan kundi siya lang. Dati marami pero puro lang sila kaibigan ka kapag kailangan ka.
Matapos kumain ay umuwi na rin ako agad. Sa may bintana ng silid ko ako dumaan dahil alam kong nasa sala si daddy. Wala naman siyang dalang babae dahil pasimple ko siyang sinilip. Nakilala ko lang iyong kotse ng isa sa mga kaibigan niya. Wala ako sa mood makipagplastikan sa kanila.
"Ay kabayong daga!" gulat kong sambit nang maabutan doon si Tala na nakaupo sa aking kama. My television was open and she was watching a movie.
"Hala, si Ate akyat bahay na! Bagong career mo?" nanlalaki niyang mga matang sambit. "Bakit d'yan ka dumaan? Ang taas niyan 'te, baka malaglag ka!" Inabot niya iyong paper bag na dala ko at inalalayan akong tuluyang makapasok sa silid.
"Gaga, hindi. May bisita kasi si daddy. Alam mo naman 'yong mga friends noon puro pasosyal. Nakakahiyang makihalubilo," palusot ko na lang. Pero kung doon ako dumaan ay alam ko namang hindi niya ako aapihin sa harap ng mga amigo niya.
Pakitang tae.
Maganda sanang trip 'yon pero nakakatamad talaga.
"Nasaan pala si Bituin?" tanong ko kay Tala.
"Tulog siya, Ate. Ako naman kagigising ko lang from nap. Baka kasi magising siya kaya dito na lang ako nanuod ng tv." Tumango ako. Hinayaan kong kalkalin niya iyong mga pinamili ko. Nagbihis ako pagkatapos ay natulog na lang din dahil hindi rin naman ako makakalabas ng silid.
Inip na inip ako sa nagdaang mga araw. 'Di hamak na mas gusto kong may pasok na lang kesa maburyong sa bahay. Masaya naman akong kasama ang mga kapatid ko ngunit ngayong pati kami ni mommy ay may lihim na alitan ay hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko.
"What if I move out, Bituin, Tala? Okay lang ba 'yun sa inyo?" pagkuwa'y tanong ko na nakapagpalingon sa kanilang dalawa. Hindi kasi mapigilang sumagi noon sa isip ko nitong mga nakaraan. Iyong parang gusto kong mamuhay nang ako lang. Iyong walang iniisip na iba.
"Ayoko, Ate. 'Di naman masaya 'yun kapag 'di tayo kumpletong tatlo," nakalabing sabi ni Tala. Nasa mata nito ang pagkabagabag sa narinig.
"Sa akin, Ate, okay lang naman. Gusto ko nga 'yon, eh. Maging independent. Tapos ako iyong magde-design ng room ko and I will have my own space." Kabaliktaran naman ang narinig ko kay Bituin. Sa kanilang dalawa ni Tala ay siya iyong mas open-minded. Siguro dahil siya iyong deprive sa kalayaan. Bawat galaw niya kasi kailangan may nakamata dahil sa sakit niya sa puso. Laging dapat may nakaalalay.
"Sus. Sa mga mayayaman lang 'yung move out move out na 'yan. Ate, huwag mong sabihing aalis ka?" ingos ni Tala.
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. "Oo sana, gusto ko na kasing mag-asawa," pabiro kong sagot. Ang lahat ng plano na naiisip ay tila nawala na parang bula nang makita ko ang reaksyon ng bunso namin.
Hindi ko akalain na ang birong 'yon ang makakapagpa-walk out kay Tala. Halatang dinamdam niya iyon. Padabog siyang pumasok sa silid nila ni Bituin. Tawa naman nang tawa si Bituin sa reaksyon ng kapatid namin.
"Hala, Ate lagot ka pinikon mo. Hindi iyon papayag, baby girl daw natin siya, eh."
Nangingiti ako habang binabaybay ang daan patungo sa kanilang silid. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pihitin pabukas ang seradura ng pinto.
"Uy, bunso, joke lang 'yon ni ate. Hindi pa ako mag-aasawa," pigil tawa kong ani. "At saka kung mag-aasawa ako hindi naman kayo pababayaan ni ate." Lalo siyang sumiksik sa may head board ng kama, pilit na lumalayo sa akin.
"I-I don't want you to move out," she sobbed. Kinabig ko siya at niyakap. "H'wag ka muna mag-asawa, Ate. 'Di pa nga namin masyadong nakikilala si Kuya Drei, eh."
Iyong sinusupil kong tawa ay hindi ko na napigilan pa. "Ikaw talaga. Hindi pa nga dahil nag-aaral pa tayo. Saka kayo ang priority ko kahit pa may boy friend na si ate."
"P-Promise ba 'yan, ‘Te? Nakakainis ka naman. Akala ko mag-aasawa ka na."
Pinunasan ko iyong luha sa kaniyang mukha.
"Hindi pa ako nagpo-propose, eh."
"Oo nga, wala ka namang pambili ng singsing." Nakisakay na lang din siya sa biro ko.
Lumipas ang isa, dalawa, hanggang sa dumating na ang huling araw namin sa bahay bago umalis ay hindi ko pa rin kinikibo si mommy.
Pinangako ko sa sarili na titikisin ko siya sa pagkakataong iyon at magiging firm sa decision ko. I hope that Alab Mahika's tactics will work.
But, with the remaining hours? I was starting to doubt that her mind will change. Kung ganoon man ay wala na akong magagawa.
Ilang gabi ko na ring napapansin na hindi sila nag-aaway sa kabilang panig ng bahay. I know because I planted hidden cameras inside their place. Wala ring inuwing babae si daddy nitong mga nakaraan. Isa iyong himala. Pero tinitimbang ko pa kung deserve ba ng daddy ang misa kapag nagpamisa ako dahil sa nagpakabait siya.
"TARA bar!" hiyaw ni Luhan sa kabilang linya na tuluyan nang nakapagpagising ng diwa ko. I took a nap dahil napagod ako sa pag-iimpake at ang tawag ni Luhan ang gumising sa akin.
"Saan ang punta?" tamad kong tanong. Bakit naman bigla-bigla naman si bakla. Dinig ko sa background ang maingay na music.
"Matutuwa ka rito. I am here at Cocktail time!" He beamed. Doon na tuluyang nabuhay ang dugo ko. Cocktail time was one of the Leviste's famous bars in town. It was located in Tagaytay. Tunay na dinarayo ang bar na iyon. Maybe he was there? I hope so.
Agad ko siyang ni-text upang itanong kung nasaan siya. Ngayon lang ulit ako naglakas loob i-message siya dahil sa wala nga akong gana nitong mga nakaraang linggo at aligaga sa pag-aasikaso ng paglipat namin.
Me: I will be going to Cocktail Time Tagaytay. Would you be there? I miss you, boyfriend.
Pagkatapos tumipa ay nagtungo na ako sa bathroom upang maligo. Saktong pagkatapos ko ay siyang tumunog ang telepono ko. Dali-dali ko iyong binuksan.
Boy friend: Who are you? This is Drei's girlfriend! >;/
At ang gaga. Nag-angry emoji pa. Akala naman niya mate-threaten ako.
Me: I don't care. f**k you!
Itinuon ko ang sarili sa pag-aayos. Iyong energy ko ay biglang naging full charge nang mabasa ang text ni Luhan that Drei was there na. Ito raw ang nakatoka sa bar. Him, imagining in his black button-down shirt while flairtending made me grin. I'm sure that he will look hot on that move.
Nasa gitna na ng kasiyahan nang dumating ako. Agad kong nakita si Luhan na nasa bar at may kinakalantaring...babae?
Creasing my forehead, I wondered who would that be. Pero kahit anong sipat sa mukha nito habang naghahalikan talaga ay hindi talaga pamilyar sa akin ang babae kaya hinayaan ko na lang.
Mukhang ang babae ang nakapagpagising ng natutulog niyang p*********i. Iginala ko ang paningin at hinanap muna si Drei. Sabi niya ay bartender daw ito pero wala naman siya roon.
Sinuyod ko talaga lahat kahit ang mga vip rooms. Ang dami ko tuloy nakita. May kumakain ng lollipop, nagja-jack and poy at nagpo-pompayangan.
Sana all.
"Nandito ka lang pala...shit!" I was shocked in horror when I saw him ligthing up his m*******a. Wala sa sariling napaatras ako nang magawi sa akin ang mapupula niyang mga mata. He looks intensively high.
"Hi, Sinag," he greeted me, chuckling. Agad kong iniwas ang mukha sa usok na paparating sa aking gawi.
"Ayan na naman ang ginagawa mo," sabi ko. Hindi naman ako galit pero ang laking disappointment ang nasaksihan ko. Sabi niya lagi na niyang ginagawa ito. Kailangan ko na rin bang masanay dahil siguradong lagi ko siyang makikitang ganoon sa school? I sighed.
"Ni-text kita kanina, nabasa mo ba?"
Tinaasan niya ako ng kilay bago muling naghithit buga. "I was screwing someone earlier when you called." Sa way nang pagkakasabi niyang iyon ay tila ba wala lang sa kaniya. Na karaniwan lang at mukhang wala rin naman siyang pakialam sa nararamdaman ko. "So, what's up?"
"Naka-ilan ka na?"
"Nosy, eh?” He chuckled. "Pangalawa pa lang."
Umiling ako. "Wala naman. Sige, balik na ako sa loob."
Uminom na lang akong mag-isa nang makabalik. Luhan was too drunk and too accupied with the woman in front of him. Naglalandian ang dalawa at maya't-maya ang laplapan.
Bakit niya pa ako inaya kung magsosolo lang din pala siya? Sa inis ko ay binatukan ko siya nang malakas sa harap no'ng babae bago lumabas ng bar.
Nagsayang lang ako ng gas at pagod. Kahit nga sa ininom ko ay hindi ako nalasing. Ang mahal naman kasi ng alak nila kaya naka-dalawang shot lang ako.
At iyong lalaking matagal kong hindi nakita at miss na miss ko ay sabog na naman. Kakawalang gana kausapin kasi sa tuwing ganun siya. Para siyang ibang tao. Pero heto oa rin ako laging nag-aabang.
Napagpasyahan ko na lang umuwi at matulog na lang. Akmang paaandarin ko na ang sasakyan nang biglang may sumipa sa kabilang pinto ng kotse. Dali na naman ako kay daddy nito. Tinakas ko lang iyon sa kanya.
Padabog akong lumabas at mainit ang ulo na nilinga ang paligid. "Ikaw ba 'yon?!" yamot kong tanong sa babaeng nasa gilid ng aking kotse.
Gagang ito, feeling brave.
"So, what? Ano, may angal ka?" maarteng tanong ng babae. She was beautiful alright but she lacks in class. Pasmado ang bibig ko pero hindi ako palengkera at papansin na basta na lang eentra sa eksena.
Anong drama niyang basta na lang mambubulabog ng kotse nang may kotse?
"Eh, punyeta ka pala, eh! Sino ka ba?"
"I'm Samantha. Ako lang naman iyong girl friend ng nilalandi mo. And this my brother Matteo will make your life a living hell," mayabang na tukoy niya sa lalaking puro tattoo.
Patpatin ito at mukhang dry na dry. Adik na adik ang datingan. Ilan na lang kaya ang hindi pumipirma?
"Sinong nilalandi? Sabog ka ba? At nag-invite ka pa ng kapwa mo tanga!"
Malagkit ang tingin sa akin noong lalaki. Mukhang manyak at hindi pahuhuli ng buhay.
"Drei Leviste is my boyfriend!" she firmly said. Napataas ako ng kilay. Lalong pinag-iinit nito ang ulo ko. Iyon pala ang pinag-iinit ng butse niya. Si Dranrei. Ito siguro iyong nag-reply sa akin kanina.
"Mukha ba kong may pake?" maaskad kong tanong pabalik. I grinned at them after because the more I showed that I was pissed at alam kong lalo lang nila akong bu-bwisitin. Pero sa loob ng utak ko ay ilang beses ko na silang pinatay. Imbis na madaling makakahiga sa malambot kong kama ay may haharang pang mga ganitong tao.
At isa ko pang po-problemahin iyong galit ni daddy. Galing-galing at peaceful ang nagdaang linggo ko at hindi kami nagkakabanggaan. Mukhang mamaya pa lang sa oras na malaman niyang may sira iyong paborito niyang sasakyan.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila. Akala ba nila ay natatakot ako? Hindi nagpatinag si Samantha at naroon pa rin ang nanghahamon na tingin. Nang makarating malapit sa kanila ay kitang-kita ko ang bakat ng kung anong pabilog na bagay sa pinto.Yupi iyon at medyo namumutinpa. Malakas ang pagkakahampas doon. Siguradong iyong lalaki ang gumawa. Matalim kong tiningnan ang kamay nitong may hawak na bato.
Walang salita kong kinuha ang kamay ng lalaki at pinilipit paikot. Napaigik ito nang malakas sa ginawa ko. "You fvcking slut!" He tried to grab my hair but he failed. Matagumpay ko siyang naposasan sa likod.
Alam kong matapang iyong Matteo. Kitang-kita sa kaniya na lalaban talaga siya para sa kapatid niya.
Kaya bago pa man bumaba ng sasakyan kanina ay alam ko nang gulo ang haharapin ko kaya maagap akong nakakuha ng patalim. Thanks to my boy scout father.
Proud daughter here.
Naghisterikal si Samantha at nagtitili. Nanghihingi ng tulong ngunit wala namang makakarinig sa kanya dahil abala ang lahat sa loob at nagkakasayahan. Puro bunganga lang pala.
"Tsk. Tsk. Alam niyo bang mahal na mahal ng daddy ko ang kotse niyang 'yan?"napapalatak kong tanong. "At alam niyo rin bang wala akong pake? Wala lang share ko lang." I shrugged my shoulders.
"Wala akong pakialam. I am just here to warn you to get away from my boyfriend! Pakawalan mo nga ang kuya ko!" Susugurin niya sana ako ngunit mabilis kong nakuha ang small knife na nasa bulsa ng fitted black pants ko.
"Shhh." I put my index finger into my lips. Asking her to shut her fvcking mouth. Hindi ako nakuntento. Pati paa ni Matteo ay pinosasan ko rin. Malakas ang lalaki, mabuti na iyong sigurado.
"Let go of me!"
"Ingay niyong magkapatid," nagtitimpi kong sambit. "Ikaw rin Samantha-ng kinarat lang ni Drei, put this on you." Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.
"You're a crazy b***h!" She yelled at me. "Ano ako tanga?"
"Buti naman alam mo. Sige na sis, suotin mo na. Dahil kapag ako ang nagsuot sa'yo niyan baka ma-touched ka pa with tears of joy."
Hinagis ko sa kaniya iyong posas para matahimik na siya. "Automatic na 'yan, 'di ka na mahihirapan." Tinaasan ko siya ng kilay kasabay nang nagbabantang tingin. Wala siyang nagawa kundi ang gawin ang nais ko.
Inutusan ko silang sumakay sa aking kotse. Tinulungan ni Samantha ang kuya niya makapasok dahil nga nakaposas ang mga paa nito. Palukso itong nakapasok sa aking sasakyan.
"Saan mo ba kami dadalhin?" Halata ang kaba sa tanong ni Samantha. Padilim na kasi nang padilim ang lugar. Masyado nang matataas ang talahiban.
"Alam niyo bang may politikong ni-salvage dati rito? Pingutan ng ulo at tinapon sa bangin." I tell them instead. Nagkatinginan iyong dalawa. "Gusto niyong ma-meet and greet?
"That is not funny!" Samantha bellowed.
"'To naman, char lang. Huwag kayong mag-alala. Exciting 'to. Maglalaro lang tayo."
Sa isang talahiban ko sila napiling ibaba. Iyong mas masukal at madilim. Tanging liwanag mula sa aking kotse ang nagbibigay ilaw.
Hinayaan ko silang bumaba nang sila lang. I also uncuffed Matteos feet upang malaya silang makatakbo mamaya.
"Okay, what now?"
"Ganito kasi 'yan. Sure na sure akong mumurahin ako ng daddy ko dahil pineste niyo iyong kotse niya. Pero pwede naman natin 'yan magawan ng paraan. I will give you the best thing I could offer," sabi ko sa kanilang magkapatid.
Sabay silang nagkatinginan at punong-puno ng tanong ang mga mata.
"W-What is it?" kinakabahang tanong ni Samantha.
I grinned at them.
"Run," I simply told them before pointing them my gun.