Kabanata 12: Jail

2304 Words
"Char!" sabi ko sabay bunghalit ng tawa. Samantha frustratedly cried out loud. Nasa may bakanteng lote na kami malapit lang sa bahay namin. "Tanga, 'wag kang umiyak. Pangit mo na nga nadagdagan pa," sabi ko. "Ano bang gusto mong mangyari? N-Nasaan ba tayo?" Mahinahon ang pagkakatanong noong kapatid na lalaki. Mababakas sa mukha nito ang takot. Dinikit niya mabuti ang sarili sa kapatid na tila ba sa ganoong paraan ay mapo-protektahan niya ito. Lalapit sana ako kay Samantha pero mabilis itong nagtago sa likod ng kapatid niya. "Chill ka lang, girl. I'll just uncuff you," natatawa kong ani. I then showed them the key on my hand where I was holding the gun. Tumingin muna siya sa katabi na tila ba nagtatanong kung dapat ba na magtiwala. Nang tumango ang huli ay dahan-dahan na siyang pumunta sa akin. "Talikod," I commanded and she obliged. Nanginginig iyong mga kamay niya habang tinantanggal ko ang posas. Lakas-lakas ng loob manghamit, duwag naman pala. "Done. Now, get inside the car. Paandarin mo hanggang doon sa ikalawang kanto. Stop at the black gate." Muli kong inangat ang hawak na baril at iniumang sa kuya niya. Humakbang ako papalapit rito na siyang muli nilang kinaalarma. "W-What are you going to do?" "Basta sundin mo na lang ang sinabi ko. Kapag sinunod mo na, saka ko lang pakakawalan ang kuya mo. There will be people who'll be going to ask you. Wala kang ibang gagawin kundi aminin na ninakaw mo ang kotse." "You are crazy!" "You ruined my father's car!" "Because you're flirting with my boyfriend!" "Kinarat ka lang no'n, uy! Sa akin pa rin ang bagsak no'n. Gawin mo na nga ang pinagagawa ko. Dami mong satsat!" Walang nagawa ang huli kundi ang sumunod na lang dahil sa takot na may masamang mangyari sa kuya niya. Tama nga ang hinuha kong marunong mag-drive ang gaga. I already instructed Neil to manipulate the cctv camera para magmukhang may glitch on the said time na kinuha ko ang kotse. Madali ko lang iyong nakuha kanina dahil nasa tapat lang ng gate nakaparada. Matagumpay na nagawa ni Samantha ang gusto ko. Nakaligtas ako sa galit ni daddy. As expected, galit na galit si Alab pero nagpaawa effect yata si Samantha kaya pumayag na lang na bayaran ang nasira. At kung ano 'yon? Hindi ko na alam. Ang importante, ligtas ako sa galit niya. I also made sure na hindi nila ako idadamay. Sabi ko ay ha-hunting-in ko silang magkapatid kapag nilaglag nila ako. Nagulat iyong lalaki na alam ko ang personal information ng pamilya nila. Syempre, sa tulong ulit ni Neil. Naniwala naman ang hudyo sa banta ko kaya alam kong mananahimik sila. Pagkatapos ng mahabang diskusyon sa labas ay saka lang ako nakaporma sumampa papunta sa aking silid. Saktong makarating ng silid ay nag-vibrate ang phone ko. My eyes automatically rolled heavenwards when I saw Luhan's number. Gigil kong sinagot ang tawag niya. "Nasaan ka? Nawala na ang lasing ko kakahanap sa'yo!" Pasigaw niyang tanong. Aba't siya pa ang galit? Kapal ng baklang 'to! "Hindot ka! Ngayon mo lang na-realize na wala ako d'yan? Gago, friendship over na tayo! Tang-ïna mo! Para kang walang kasama kapag lumalandi ka. Sana hindi mo na ako pinapunta pa r'yan!" "S-Sorry na." Biglang huminahon iyong boses niya. "But, you need to come back here. Drei is in trouble." "Ikaw na ang bahala. Isa pa 'yan. Pahamak din sa akin 'yan, eh. Bye na, matutulog na ako." I didn't gave him a chance to talk again at agad na pinatayan siya ng tawag. Nasundan pa ng ilang ring iyon hanggang sa inabot na ng lima ay hindi ko pa talaga sinagot. Ngunit ang hudas kong kaibigan ay talagang nang-iinis dahil video na mismo ay ni-send niya sa akin. It was Drei on his bloody face. Putok ang labi nito at tila ba walang malay. Maayos naman ang kinahihigaan, mukhang nasa isang pribadong lugar sila. Kahit na inis ay mas nangibabaw pa rin ang pag-aalala ko kaya ako na ang tumawag kay Luhan. "Nasaan ba kayo?" kunot noo kong tanong. "Bakit ganyan itsura niyan? Buhay pa ba 'yan?" "Nasa motel," sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Punyeta ka 'wag mong gagahasain 'yan, sinasabi ko sa'yo!" "Sira ulo!" "Ano ba ang nangyari?" "Napaaway siguro. Kung kanino ay hindi ko alam. Nakita ko na lang siya sa parking na duguan. Minor injuries lang naman kaya hindi ko sa ospital dinala. I drove him here at the nearest motel. Issue pa kasi 'to kapag kumalat. Sigurado akong eskandalo ito dahil anak siya ng may-ari ng bar. Baka patayin na ako ni papa kapag na-involve pa ako." Malalim na bumuntong hininga si Luhan bago muling magsalita. "He looks high, Sinag." "Hindi ako pwedeng umalis ngayon, Luhan. Wala akong sasakyan dahil pineste ako noong side-chick ni Drei. Hinampas ng malaking bato ang kotse ni daddy." "What?!" Kulang na lang ay mabasag ang ear drum ko sa lakas ng sigaw niya. "Ayos ba ang kotse? What happened?" "Kaka-touch naman 'yong concern mo sa kotse!" I grimaced. "It's all settled. Tapos na 'yun at nagawan ko na ng paraan. Anyway, dalhin mo na lang siya rito sa may Almario." "Almario were?" takang tanong niya. "As in funeral parlor? Funeraria Almario?" "Damn right. Doon mo siya dadalhin. Susunod ako," I confirmed. "Are you fvcking serious?!" Hindi makapaniwala si Luhan sa narinig. Buhay pa raw si Drei ay pinatay ko na. Agad akong pumunta sa nasabing funeraria at kinausap si Mang Carding, isa sa kapatid ng may-ari at embalsamador din. Tinulungan siya ni mommy na maipagamot ang may sakit niya noong asawa kaya malapit siya sa pamilya namin. Pinaiinit ni Drei ang ulo ko. Pinuntahan ko siya sa party nang wala akong napala. Ano? Ganoon na lang 'yon? Imbis na matutulog na ako ay mangungunsumi pa ako sa kaniya. Siya ngayon ang mangunsumi sa akin. Pasalamat na lang talaga siya at mahal ko siyang animal s'ya! Forty-five minutes later ay nakarating na sina Luhan sa meeting place namin. "Kuya Carding, pakibuhat na po 'yan sa loob," utos ko sa embalsamador. Pinaningkitan ako ng mga mata ni Luhan, halatang hindi nagtitiwala sa aking gagawin. Dahil may kasalanan din siya sa akin ay hindi ko siya inurungan sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. "Anong tinitingin-tingin mo? Umalis ka na." "Ano bang gagawin mo?" "'Di aalagaan ko siya. Dito siya mag-che-check in para unique iyong feeling paggising niya. Kunsumisyon, eh." I heard him heave a deep sigh. "I'm sorry." "Whatever." Tumalikod na ako at pumasok sa loob. Nakahiga na sa stainless na higaan si Drei. Nagamot na ni Luhan iyong mga sugat niya kaya wala na siyang gagawin kundi ang matulog nang mahimbing and feel the comfort of the corpse bed. Wala namang mga bangkay na ine-embalsamo kaya sure ang excellent experience. Solo niya ang silid. Ang gwapo talaga ni gago kahit tarantado. Inayos ko ang magulo niyang buhok. Tapos ay kinapkapan ko. Iyong cellphone talaga niya ang una kong kinuha dahil siguradong naroon ang contacts ng kinukuhanan niya ng m*******a. Kinuha ko rin ang lighter niya at sigarilyo sa bulsa. Ang wallet niya ay maraming lilibuhin. Kinuhanan ko iyon ng isang libo. Pampalubag loob sa sarili ko kapalit ng pang-iistorbo niya sa akin. Napairap ako nang may makita ring condom. "Good night, lovie. Dream of me," sabi ko, tinapik-tapik pa ang gwapo niyang mukha. "Ma'am Sinag, sigurado po ba kayong iiwanan niyo 'yan dito?" magalang na tanong ni Mang Carding. "Hindi kaya matuluyan 'yan kapag nagising at nasa funeraria siya? Atakihin na lang sa puso nang dahil sa takot?" "Hindi po. Kaya niya 'yan. Gusto niya 'yan, eh. Paano po mauna na ako. Basta huwag niyo pong pauuwiin hanggat hindi ako dumarating. Bukas na po ang gising niyan dahil sabog. Pakapehin niyo na lang po muna." "Areglado, Ma'am." Laking gulat ko nang lumabas ako na naroon pa si Luhan. Looks like he was waiting for me. Nakaharap siya sa kabilang panig ng daan habang nakasandal sa kaniyang kotse. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko na siyang nakapagpalingon sa kaniya. "Sorry na," mahina niyang ani sabay hagod sa batok. "Hahatid na kita." Pinaikutan ko siya ng mga mata saka kinuha iyong cellphone ni Drei. Napaigik siya nang malakas ko iyong sinaksak sa dibdib niya. "Nand'yan iyong numbers ng mga katransaksyon ni Drei, for sure. Ikaw na ang bahala. Gusto mong bumawi sa akin? Ipakulong mo 'yang mga 'yan. Better kung sa buy-bust." Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Luhan. His eyes were sparkling with excitement. That would be the first operation he would settle once he succeeded. Hindi por que maliliit ang mga drug and weed pushers ay small time na. Madalas ay gumagamit ang malalaking drug lord ng mga maliliit na tao upang mapalawig ang market nila. "Consider it done," sigurado niyang ani. In that way ay magiging good shot din siya sa papa niya. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tawag ni Mang Carding. Gising na raw ang hudyo at muntik na ngang atakihin sa puso. Akala raw ay namatay na siya at hinahanap nito ang kanyang ama. Aliw na aliw si Mang Carding sa pagku-kwento. Ini-imagine ko pa lang ang mukha ni Drei na nagising sa funeraria ay natatawa na ako. Pagdating ko roon ay nagkakape sila. Pulang-pula ang mukha ni Mang Carding, nangingiti pa ito. Mukhang hindi pa nakaka-move on mula sa masayang pagtawa. Samantalang ang mukha naman ni Drei ay nakabusangot. Masamang tingin agad ang pinukol niya sa akin. "Salamat po, Mang Carding sa pag-estima sa bisita ko." Umalis na ang matanda at kaming dalawa na lang ang natira. Kulang na lang ay bumulagta ako sa sama ng tingin niya sa akin. "How's your funeral experience, Sir?" natatawa kong tanong. Lumapit siya sa akin, gigil na gigil. "Sarap tulog mo?" "Why the hell did you bring me here?" He was gritting his teeth. Ang malalim niyang mga mata ay medyo namumula pa rin. It looks puffy, too. Epekto ng m*******a. He smells cigar and alcohol. Nevertheless, he's still oozing hot. Hindi nakabawas ang mga 'yon sa kagwapuhan niya. Kaya siguro ganoon na lang ma-obssessed sa kaniya ang mga babae. Gaya ni Samantha kagabi na tila ba baliw na parang inagawan ng asawa. "Malay ko ba kung saan ka nakatira. Hindi ka naman pwede sa bahay namin at baka lalong hindi ka na magising kapag makita ka ng daddy ko. Bakit? Mukha namang mahimbing ang tulog mo, ah?" I said with sarcasm. Nagtagis ang bagang niya sa narinig. "Wala bang thank you, d'yan?" may panunuya kong tanong. "My friend, Luhan brought you here. Siya iyong nakakita sa'yo sa parking lot na bugbog sarado." "Where is my phone?" He asked me instead. I raised my hands and then shrugged my shoulders. He rolled his eyes heavenwards when he realized what I wanted him to do. Hindi naman niya ako binigo. Kinapkapan niya ako kaya kilig na kilig ako. "Ihh, may kiliti ako d'yan," I said, giggling. Wala siyang pakialam at pinagpatuloy ang ginagawa. Napahilamos siya ng mukha nang wala siyang nakitang phone. "Don't play with me, Sinag. Masakit ang ulo ko. I want to go home, I'm hungry and I want to sleep. Give me back my phone." He hissed at me. I made a face and opened my purse. Inisip siguro niya na dahil sa liit noon ay phone ko lang ang kasya kaya hindi niya inusisa. But, I left my phone at home at tanging iyong kaniya lang ang dala ko. After Luhan scanned the phone last night ay binalik niya rin sa akin iyon. "Ay, nandito pala. Shere..." Kiming paumanhin ko. Padabog niya iyong hinablot mula sa akin bago siya mabilis na tumalikod. Ngunit bago pa siya tuluyungan makalayo ay muli ko siyang tinawag. "Drei!" He suddenly stopped walking. Hindi niya ako tinapunan ng tingin. "Stop making your life miserable. Huwag mong sirain ang buhay mo." I think that triggered him kaya nilingon niya rin ako. But, I was wrong. Because his words slapped me like a thunder. "Really, Sinag?" He grinned at me. "Coming from the daughter of a manwhore, eh? 'Di lang ako ang sira ang buhay dito. Your words of wisdom doesn't suit you." Hindi na ako magtataka kung malaman niya ang sitwasyon ng pamilya ko dahil hindi lang naman ang Phoenix ang meron ang daddy ko. He has lots of businesses, too. His words were like a knife that stabbed me straight to the heart. Lumaki ako na mulat ang mata sa ka-imoralan ng daddy ko. Noong una masakit pa. I was always crying. Eventually, I learned to not bat an eye and just seize the pain. Hanggang sa masanay na lang ako. Hanggang sa maging manhid na. That's what I thought. Because hearing those words from his mouth made all the wounds fresh and excruciating. I badly want to squeeze my chest because my heart was near into burst. I tried my hardest to endure it. Imbis na magalit ay ngumiti lang ako. I took a deep breath and composed my self. "Oh, thank you for reminding me, Drei. At least my mother didn't leave my father despite his flaws. And I'm sure if my dad dies, she will not enter any relationship that easily. Or ever again," I mocked. "How about yours?" Kitang-kita ko ang pinaghalong poot at pagtitimpi niya. He was balling his fist. I like him, yes, but, don't he dare spit hate on my face using my father. I didn't deserve it. Marahas siyang tumalikod at tuluyan naglakad palayo. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Papara na sana ako ng tricycle nang biglang tumawag si Luhan. "Yes?" tamad kong tanong. "One of the pusher is his cousin, Sinag. Kapag nilaglag ko 'to, it would be non-bailable, you know that." "I don't care, Luhan. Just put them in jail," I firmly said before ending the call.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD