Gago 'yon. 'Di por que alam niyang gusto ko siya ay iinsultuhin niya na ako. Sisiguruhin kong hindi matatapos ang araw ay magmamakaawa siya sa akin.
Gising na ang lahat nang umuwi ako sa bahay. Naabutan ko sila sa may dining area na kumakain ng almusal. Saglit lang na nagtapon ng tingin sa akin si dad tapos ay binalik na muli sa pagkain.
"Ayan na si Ate," nakangiting usal ni Bituin. Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay hinainan na niya ako. Longganisa, sinangag, at itlog ang nakahanda sa mesa.
"Thank you," I sweetly thanked her.
"Ang aga mong mag-lakwatya. Saan ka ba galing?" biglang tanong ni daddy na nakapagpataas ng kilay ko.
"May binili lang po na toiletries para pagdating namin doon ay aayusin na lang ang mga gamit."
Matapos sumagot ay wala naman na siyang tinugon pa.
Kapansin-pansin ang pagiging tahimik ng lahat lalo ni Tala. Well, siya lang naman talaga iyong madalas na madaldal sa amin. Sa hapag kasi ay lagi niyang kinakausap si daddy at giliw na giliw naman ang huli sa kaniya. Hindi mapagkakaila na sa aming tatlo ay siya ang paborito. Siguro dahil hindi niya ito anak sa babaeng pumikot sa kaniya at sumira kuno ng buhay niya.
Tala looks sad and cold. Habang kami naman ni mommy ay ganoon pa rin, walang kibuan. Si Bituin ay panaka-nakang bumabangka at nagtatanong. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin alam ni Bituin na hindi namin makakasama si mommy sa pag-uwi ng Naic. Ngunit nangako naman ang huli na sa susunod na linggo ay pupunta rin. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. Ang importante lang sa akin ay kausapin niya ng maayos si Bituin para hindi mabigla kung ano man ang balak niya. Madali namang gumawa ng excuse lalo na at malayo ang trabaho ni mommy. But, Bituin was used to being around my mother. Lagi niya talagang hinahanap si mommy.
Hindi na ako nakatiis at agad na pinuntahan si Tala sa silid pagkakain. Masama kasi ang kutob ko at alam kong may problema. She was packing when I went there. Wala si Bituin at kausap ni mommy, binibilinan ng kung anu-ano.
"May problema ba ang bunso namin?" malambing kong tanong. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Natigil siya sa ginagawa nang marinig ang boses ko. Luhaan ang mga mata niya nang lingunin ako. Nagulat ako. "W-what happened?" may pag-aalala kong tanong. Her eyes were pained and in rage.
"Alam ko na, Ate Sinag. I saw Daddy with another girl. Pumasok ako kagabi sa master's bedroom. Kaya pala two doors iyon at hiniwalay mo kami ng panig ng bahay. Kaya pala hindi mo kami pinalalabas kahit sa tapat lang ng gate. Alam mo ito 'di ba?" may pag-aakusa sa kaniyang mga mata.
Tila ba binuhusan ako ng napakalamig na tubig sa narinig. I could feel my whole being turned into ice. Napakunok ako.
"H-How?" ang tanging naitanong ko na lang. Wala nang dahilan para magpanggap pa. Alam kong naipaliwanag na niya pero hindi nag-sink in sa akin ang lahat.
"Pumasok nga ako sa kwarto nila. But, to my surprise ay hindi na pala iyon ang master's bedroom. It's just a front para hindi halatang mayroon pang mas higit doon 'di ba?" I quietly nodded. "I opened the walk-in closet. Hahanapin ko sana si daddy pero pagbukas ko ay hallway na ng kabila. Akala ko bodega lang iyon ng mga hotel stocks." My heart melted like lava when I heard her sobs. "I-I saw her w***e in the sala. He was kissing another woman at hindi si mommy 'yon. A-And mommy was just in the veranda, crying while looking at them. Ang sama-sama nila!"
Para akong na-estatwa sa mga narinig. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Kung iyong galit ba sa mga magulang ko o ang awa para sa kapatid ko. Paano kung si Bituin ang nakakita? Paano kung hindi niya kinaya ang sobrang sakit?
Yayakapin ko sana siya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin. Ramdam ko ang poot at tampo niya. Parang nilukot ang puso ko. Walang salita niyang binalik na lang ang sarili sa ginagawa.
"Aayusin ko ito," sabi ko bago lumabas ng silid.
Gigil na gigil ako nang maglakad papunta ng master's bedroom.
Ilang beses akong huminga ng malalim upang ikalma ang sarili bago tuluyang iikot ang seradura ng pinto. I tried my best to look okay in front of Bituin. Naabutan ko silang nagtatawanan. Bagay na bagay talagang artista ang mommy ko. Parang wala siyang tiniis na sakit sa loob ng ilang linggong pananahimik.
"Bituin, gusto mong sumama?" singit ko sa usapan nila.
"Saan, Ate? 'Di ba aalis na tayo?" takang tanong niya ngunit nakangiti pa rin.
"Nagpapautos kasi si mommy na mamili ng ilang grocery na wala roon. Ikaw na lang sana ang sumama dahil hindi pa ako tapos mag-ayos ng mga gamit ko. Sasama na raw kasi si mommy doon mamaya."
Kulang na lang ay mahiwa ako sa talim ng titig sa akin ni mommy. Punong-puno pati ng pagtatanong.
Napatingin si Tala kay Mommy. "Akala ko ba next week pa, Mom?"
"Baka hindi lang nasabi sa'yo ni Mommy dahil masyado siyang naaliw sa bisita nila ni Daddy kagabi. Ang totoo nga niyan ay excited siya. Right, Mom?" Ako na ang sumagot.
"Bisita? Sinong bisita?" takang tanong ng kapatid ko.
"Oh, just a business-related friend. Pinag-usapan nga nila kagabi ang pagtatayo ng business. Excited nga si Tala, Mommy. Narinig niya raw kayo kagabi kaya nalaman ko. Gusto niyo raw magtayo ng resort ni dad? Dad would be a good idea!" I faked a smile.
Iyong kaninang talim ay naging gulat. Ang magandang mukha niya ay unti-unting nagkulay suka. I know that she had a hunch on what I have said at hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa kapatid ko.
"R-right, Anak. Sasama na ako." Taranta si mommy na kumuha ng pera sa wallet niya. "Heto ang pera. Tell Manang Ising to buy some grocery para magpapahinga na lang tayo pagdating doon. Bilhan mo na rin ang sarili mo at mga kapatid mo."
"Yes! So, pwede na tayong mag-beach pala dahil kasama na si Mommy," she beamed. "How about Daddy?"
"For sure sasama iyon sa family outing. I'm not sure though if he will be there like mom. Alam mo naman iyon maraming negosyo na inaasikaso. Ang importante naman ay nandoon si mommy. Si Mommy pa ba? Eh, hindi tayo matitiis niyan," makahulugan kong ani. Nag-iwas ng tingin si mommy nang pinukol ko ang tingin sa kaniya.
Sabik na lumabas si Bituin at dinig kong tinawag niya si Manang Ising. Ako naman ay agad na ni-lock ang pinto nang makalabas ng tuluyan ang kapatid.
"Alam na ni Tala, Mommy. They caught you last night. Bakit hindi kayo nagla-lock ng pinto, ha?!" I hissed at her. Hindi ko na napigilan ang magalit. Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang init at hapdi ng dibdib ko. "Ngayon, anong gagawin niyo? Paano niyo ipapaliwanag kay Tala iyong katangahan niyo d'yan sa asawa niyo? Iyong kababuyang ginagawa ni daddy sa pamilya natin? Kaya pala tahimik ka nitong nakaraang linggo dahil sinasarili mo lahat. Tinitiis mo para makumbinsi ako na nagbago na si daddy!"
Lalo akong nainis nang nakitang umiyak lang siya. Puro na lang siya paawa, puro siya iyak. Nakakasawa na iyong drama niya.
"I-I'm sorry." Sa dami ng sinabi ko ay iyon lang ang nasabi niya.
"Bullshit!" I yelled. "Mommy naman. Puro ka ganyan. Lagi ka na lang ganyan! Kailan ka ba titigil? Kapag si Bituin naman ang nakaalam? Hanggang sa hindi niya kayanin at ikamatay na lang niya ang sama ng loob, ang baho, at ang kaimoralan ng pamilyang 'to?! Hindi ba kayo napapagod saktan kami?!"
Gustong-gusto kong umiyak pero higit na nangibabaw ang galit. Paulit-ulit na lang kasi ang ganito. Nakakasawa na. Hindi yata talaga titigil si Daddy hanggat hindi kami namamatay sa sama ng loob.
"S-Sinag, please. Tama na. Oo na, sasama na ako." Paulit-ulit siyang tumango, tila kinukumbinsi ako.
Ang tagal kong hinintay ang mga katagang iyon. Iyong kami naman ang i-priority niya. Kami naman ang isipin niya at itigil na niya ang katangahan niya kay Alab. But, the damage has been done. And I know that will hunt Tala's sanity forever, just like mine.
"It's too late, Mommy. If you want to wrath here, go suit yourself. Magpakatanga ka sa asawa mo, endure the pain and make yourself miserable. I don't care. Nasaktan niyo na si Tala at hindi niyo na mababawi pa 'yon. And don't you ever involve Bituin in your fücking misery. Dahil kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, hinding-hindi ko kayo mapapatawad."
Paulit-ulit siyang tumango na parang bata na tila ba nauunawaan ang mga sinabi ko. I rolled my eyes at her and stormed out of the room. Pero hindi sa panig namin kundi sa kabilang area ng bahay.
"Sinag, wait!" pigil niya sa akin. Ngunit huli na ang lahat dahil nakita ko na ang bagong babae ni Alab. As usual, bata. Sure she was just a gold-digging b***h. I know when I saw one. With her looks, tiny dress, and flirtatious face, she's just a w***e that was lost in my father's d**k.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tala na papalapit sa kaniya.
"Fück!" I muttered. Dahil alam na niya na hindi talagang stock room ang parte ng bahay na ito ay mukhang sa harap na siya dumaan. It was facing the other side of the street.
Nanlaki ang mga mata ko nang walang salita niyang sinabunutan ang babae. I never saw my sister that mad. Siya iyong pinakamalambing sa aming lahat, pinakamahinhin, at tahimik.
"Tala!" I called her. But, she was too occupied with her emotions. Her eyes were bloodshot with tears.
"You b***h! Gold digger! Homewrecker! Lumayas ka sa pamamahay namin! I hate you, w***e. I freaking hate you!"
Para akong na-estatwa sa nakitang galit na nananalaytay sa pagkatao ng kapatid ko. My world suddenly stopped spinning. A little girl who was crying immediately popped out of my head.
"M-Mommy, alis na lang tayo, mommy. Ayoko na po rito. Alis na lang po tayo, iwan na lang natin si daddy," pagmamakaawa ko sa ina. I was crying and begging my mother. Unang beses na nagdala si daddy ng babae sa bahay. I could hear their screams and their moans. Nakakadiri sila. Basang-basa ng luha ang mga mata ko. My mother was dead drunk. May bote ng alak sa paligid niya at nakatulala lang. "Mommy, mommy," patuloy kong pagtawag sa kanyang pangalan ngunit tila ba hindi niya ako naririnig.
Sunod-sunod ang mga ala-alang bumubuhos sa akin.
"Tama na po, Daddy. Masakit po. A-Aray!" Kahit anong daing ko ay hindi siya tumitigil na paluin ako ng sinturon. "Aray po, ayaw ko na po!" Lagi niya iyong ginagawa sa akin. Hanggang sa unti-unting nabuo ang katanungan sa isip ko.
"Daddy, hindi mo po ba ako mahal? Bakit lagi kang nagagalit sa akin?" minsan ay natanong ko sa ama. Ngunit imbis na sumagot ay tinawanan niya lang ako sabay alis.
"Mommy, bakit po ba laging galit sa akin si daddy?" I asked my mother, nasa office siya at nagta-trabaho. Bigla na lang ako pumasok dahil wala akong makausap. My sisters were taking their afternoon naps.
"Mahal ka noon, anak," she told me. "Pagod lang si Daddy sa work kaya siya masungit."
"Bakit pagdating naman kay Bituin at Tala mabait siya?" Napalabi ako. Mapait lang siyang ngumiti sabay yakap sa akin.
Hanggang sa lumaki akong araw-araw ay nadadagdagan ang poot ko sa kaniya. Isang beses ay nagising na lang ako na kahit ama ko siya ay nilalabanan ko na siya. Na kailangan kong lumaban. Hanggang sa napakadali sa akin na sumagot ng pabalang, bastusin at lumaban.
Hindi sa lahat ng tao applicable ang salitang "respeto." It should be gained. Kung anong ipinapakita niya sa akin ay ibabalik ko rin sa kaniya. Hindi porque tatay ko siya ay papayag na lang ako na lagi niyang saktan.
Kaya ang toxic ng mga Pilipino, eh. We let the elders belittle us and let them rule our lives through their toxic beliefs. Typical toxic Filipino culture. Paulit-ulit ka ng sinasaktan hindi ka pa ba lalaban? Kasi ano? Kasi raw tatay mo pa rin 'yun kahit anong gawin mo. Iyon ang lagi kong naririnig kay mommy.
That bullshit and I really can't understand the logic.
"You're a pathetic daughter!" Mariing sigaw noong babae na siyang nakapagbalik sa akin sa katinuan. She was now pulling my sister's hair. While my mother was pulling the girl away from Tala. "Hindi kayo kailangan ni Alab, kayo ang lumayas dito!"
At doon biglang umakyat ang dugo sa aking ulo. Inilang-hakbang ko siya at saka hinila ang buhok. My eyes were hot with tears and my chest was consumed with fury. It was unbearable and I know that even my mother won't be able to stop me. Kitang-kita ko ang nagngangalit na ugat sa aking kamay habang hawak-hawak ang mahaba nitong buhok.
"You're a crazy w***e. Don't you dare lay your finger on my mother and sister!" I bellowed. Sinampal ko siya ng malakas at mariing pinisil ang kaniyang pisngi.
Tapos ay bumaling ako sandali sa ina. "Mommy, ipasok niyo na si Tala sa loob!" Noong una ay nagdadalawang isip pa siya ngunit kalaunan ay sumunod na rin dahil hindi na maawat sa pag-iyak si Tala.
"I-I'll call the guards," sabi ni mommy bago tuluyang pumasok ng silid.
Muli sana akong magsasalita ngunit bigla may tumawag sa akin. "Sinag!" Boses iyon ni Daddy. Finally! Matalim ko siyang nilingon. He was downstairs at kasunod ang mga guards. I could see shock and fear on his face.
Why is that? Did he see his devil face on me? I smirked at him.
If that's the case, then he knows what am I capable of. "Stop it, Sinag! Bitawan mo sabi siya!" Mariin niyang utos sa akin.
Hindi ko pinansin si Daddy. Ibinalik ko ang atensyon sa kabit niya. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas at nakaladkad ko siya palapit sa hagdanan.
"f*****g let her go, Sinag!" He told me again. Bakas doon ang pag-aalala. I then averted my gaze on him again. With my demented eyes and raging self, I obliged.
"As you wish, father," I mocked him.
Binitawan ko ang babae dahilan para gumulong ito pababa ng hagdan.
"Don't worry, she'll live," I said before walking my way out of that hell side of our house.