Kabanata 14/1: like me

1041 Words
Agad kong dinala si Tala para ipagamot iyong mga galos niya. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko dahil sa nakikita kong kalmot gawa ng putanginang babae 'yon. Tala has scratches on her face, may ilang natanggal ding hibla ng mga buhok niya sa may bandang patilya. Kahit ang mga mata niya ay namumulang mabuti. Palagay ko'y nasundot din ng kuko ng hinayupak. Tila ba naghimala ang langit nang makita ko si Daddy na pumasok sa hospital room. Humahangos at punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga ko nang haplusin niya ang mukha ni Tala. Agad namang umiwas ang kapatid ko. "Why are you here?" malamig tanong ng kapatid ko. "You should be with your w***e. I hope she's dead." Kahit na narinig ko nang magsalita siya nang masasakit laban sa kabit ni daddy nang magkagulo ay hindi ko pa rin maiwasang magulat. Parang inulan ng libo-libong punyal ang puso ko. Because I know that the sweet Tala was gone. She was lost and in the middle of her rage. Tinaasan ko ng kilay si daddy nang tumingin sa akin. Tingin na may pagsisisi. "What? Pinagtanggol ko lang ang kapatid ko at si mommy." I shrugged my shoulders. "Muntik mo na siyang mapatay!" He yelled. "Sana nga namatay na lang siya, eh! Bakit ka ba nagagalit kay Ate Sinag, Daddy? Kung pumunta po kayo rito para ipagtanggol iyong kabit at i-justify iyong kababuyan niyo ay makakaalis na po kayo." Mabigat na huminga si Daddy. He was balling his fist and throwing daggers on me na parang ako ang may kasalanan. "Congratulations, Daddy, for raising us well," I mocked him. "We need to talk...outside," mariin niyang utos. I made a face and followed him. "Ano na naman?" yamot kong tanong. "Rhia want's to file a case against you." Dinuro niya ako at gigil akong tiningnan. "Ang oa, ah! Parang 5 steps lang naman 'yung hagdan. 'Di naman siya namatay." Napaismid ako. "Eh, 'di mag-file siya! Kaya mo na 'yan, gusto mo 'yan, eh." I grinned at him. "Don't bother threatening me, Dad. I have my own deal kung kakalabanin niya ako. So, you know what to do." "Are you black mailing me?" He was gritting his teeth. Kung walang ilang tao sa paligid ay siguradong nasakal na niya ako. "Of course, I'm not." Umiling ako. Hinding-hindi ko magagawa sa'yo 'yun, Dad. The incident? Tala's rage? Mom's misery? Our broken family? It was all on you. Don't make everything all about you, and please stop putting me the blame on all your shits. You're being petty, Dad. Nahawa ka na sa mga naging kabit mo." "Malas ka talaga sa buhay ko!" Malakas na bulyaw niya sa mukha ko. Naging manhid na yata ako sa panunuya niya sa akin kaya hindi na ako nasasaktan. Immune na and I think that was a good thing, because I didn't deserve the pain from his hurtful words. "Wala bang bago, Dad? Kung wala ka nang sasabihin ay papasok na ako sa loob dahil aalagaan ko pa si Tala. Sakit kasuklaman ng paborito mong anak 'no?" I grinned at him before going back inside of the room. Pagbalik ko ay mahimbing nang natutulog si Tala. Drowsy kasi iyong pain reliever na pinainom sa kaniya ng doctor. Malalim akong napabuntong hininga nang mahiga sa kalapit na couch. I was looking at the ceiling, thinking on how will we explain to Bituin the reason why Tala went hurt. Kailangan naming pag-usapan ni mommy ang dapat na sabihin at gawin. Hanggang sa makatulog ay iyon ang nasa isip ko. Masyado kasi akong napagod sa mga ganap kaya hinila na rin ng antok. Nagising na lang ako nang mag-round ang doctor upang bisitahin at suriing muli si Tala. Okay naman iyong CT scan niya. Pwede na raw umuwi kinabukasan. Bago tuluyang lumalim ang gabi ay dumating si Mommy. Tulog pa rin si Tala while I was having my coffee. "Anong sinabi niyo kay Bituin?" tanong ko agad nang makapasok siya. "Sabi ko ay nalaglag sa hagdan ang kapatid niya. Noong una ay nag-alala pero nang ipakita ko naman ang pinasa mong picture na maayos si Tala ay naging kalmado rin agad. Mukha namang naniwala siya sa sinabi ko." "Ayoko nang makita pa si daddy na masyadong lumalapit sa mga kapatid ko. Sure he can visit pero ngayong alam na ni Tala, I don't know what would be the psychological effect to her. Gusto ko sana pagkalabas ni Tala rito ay dumiretso na ng Naic. That house brought her trauma," mahabang litanya ko na para bang ako iyong nanay sa aming dalawa. Sabagay, kung sa stress din lang naman eh, mas marami akong stress kesa sa nanay ko. Siya, ang pinoproblema niya lang lagi ay asawa niya. Samantalang ako, silang lahat. "I am true to my words, Sinag. Sasama ako. Babawi ako," may pangako niya g sambit na nakapagpataas ng kilay ko. "Gawin niyo na lang. Narinig ko na 'yan dati, eh," masungit kong sagot. "Uuwi na muna ako para makapahinga nang maayos. Babalik ako bukas ng maaga." As expected ay maraming tanong si Bituin nang makauwi ako. Ang sagot ko lang ang iyong sinabi rin ni mommy para iwas buking. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko at tinapos ko na rin ang sa mga kapatid ko. Sa susunod na araw ay lalabas na si Tala kaya dapat ay bibitbitin na lang ang mga boxes. Naging magaan ang loob ko nang sumapit na ang araw ng pag-alis namin. Dahil sa wakas ay aalis na rin kami sa impyernong bahay na iyon. Kaming tatlo nila Tala ang magkakasama sa van. Iyong van ang ginamit namin para hindi mahirapan si Tala at hindi masikipan. Samantalang si mommy naman ay naging totoo sa kaniyang salita. Bukod sa mga damit ay pinahakot niya rin iyong mga gamit niya sa office niya. Laking gulat ko na maging ang mga gamit at ilang appliances ay dala rin namin. Ngunit hindi niya madaling mabibilog ang ulo ko. Maniniwala lang ako na tuluyan na niyang iiwan si daddy kung tumagal siya roon. Naging tahimik pa rin si Tala sa mga sumunod na araw lalo na sa tuwing nasa iisang silid lang kami. Naunawaan ko naman iyon dahil alam kong may tampo siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD