I ended up with the decision na mag-usap kaming tatlo dahil alam kong nakakahalata na si Bituin. I don't want to push her on knowing the real situation of our coldness to each other. Madalas ay isang tanong isang sagot lang sa akin si Tala at ganoon din sa mommy sa akin. I am still pissed at her dahil kung naging panatag siya at hindi nag-ingat. Tuloy ay bukas matang nakita at narinig ni Tala ang lahat.
Hangga't maari ay gusto ko na maging maayos kami. Iyon na ang pagkakataon para magsimula kami ng panibagong buhay na wala si daddy. Mula nang lumipat kami ay hindi na muli naming nakita si daddy. Sabi ni mommy, siguro ay nahihiya kay Tala. Parang gusto kong magpapiging dahil nakaramdam siya ng kahihiyan.
Si Tala ang una kong kinausap. Sabi ko ay pumunta siya sa silid ko kapag tulog na si Bituin. Bandang alas onse ay kumatok siya. I smiled at her when she entered my room. Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang mangyari ang insidente kaya magaling na ang scratches niya. Pero nanggigigil pa rin ako sa tuwing naaninag ko ang mga pilat niyon. Kung tititigan mo kasing maigi ay talagang mahahalata mo.
Ang kinis-kinis ng kapatid ko tapos gagalusan lang ng putangnang'yon. Kakapanginig ng laman sa galit. Kaya talagang pinakunsulta ko siya sa derma upang mabilis na mawala ang mga pilat niya. Ayoko rin na usisain pa siya sa bago niyang school kapag nakita ang mga iyon. Awa naman ng Diyos ay malapit nang mawala.
Tinapik ko ang katabing pwesto upang doon siya umupo.
"Kumusta ka na? Nagtatampo ka pa ba kay Ate?" maingat kong tanong. She wasn't looking at me. Nakatingin lang siya sa sahig at mabilis na tumango.
"You know what, Tala? I will do everything to protect you. To avoid you from hurting..."
"Kahit na magsinungaling sa totoong sitwasyon ng pamilya natin?" she cut me off. Naroon pa rin ang pait.
Mapait akong napangiti. "Kahit na magalit kayo sa akin," diretso kong ani. "Hindi dahil gusto ko lang itago kundi dahil gusto ko kayong protektahan sa sakit. Tala, Daddy hated me since then until now at wala iyong pagbabago. He hated my existence at lagi niya iyong pinamumukha sa akin."
Nang mag-angat siya ng mukha ay hilam na ng luha iyon. Mababakas ang gulat. Wala naman na kasing dahilan para ilihim. Alam kong hindi na itatago ni Daddy ang poot niya sa akin sa harap ni Tala dahil alam na nito. Iyong eksena pa lang sa ospital ang umpisa, marami pa iyong susunod. Maigi nang malaman na niya ang lahat, para isang sakitan na lang.
"Pero pagdating sa inyo ay maayos siya, masaya siya, and I'm sorry for keeping it up that way." I trailed off, trying my best not to burst. Ngunit ang totoo ay parang sasabog na ang puso ko. I waited this moment to finally vent my anger out. Iba pa rin kasi kung may kapatid akong makakaunawa sa akin. "Bata pa lang ako uhaw na ako sa pagmamahal niya. Oo, minsan naiinggit ako sa inyo dahil kayo maayos tapos ako kaunting kibot ko lang ay galit na galit siya sa akin." Pagak akong natawa.
Kinuha niya ang mga kamay ko at marahang pinisil iyon. Iyak na siya nang iyak kaya hindi ko na rin napigilan ang maluha.
"I-I'm sorry, Ate Sinag. Hindi ko alam. I thought everything about our family is perfect."
"It's not your fault, bunso. Lahat gagawin ko para sa inyo. Kahit isangga ko ang katawan ko laban sa lahat ng sakit ng pamilyang ito ay gagawin ko huwag lang kayong masaktan nila mommy at Bituin."
"Hindi ganoon iyon, Ate. We are siblings. Dapat nagtutulungan tayo 'di ba? You can share your pain, Ate Sinag. I will willingly accept it. Mas maigi na iyong alam ko ang totoo. But, Ate Bituin..." Mapait akong napangiti nang banggitin niya ang isa pa naming kapatid.
"That's the reason kaya ko ginawa iyon. Gusto kong protektahan si Bituin dahil sakit niya at ikaw dahil napakabata mo pa. At ayokong kamuhian mo rin si daddy gaya nang pagkamuhi ko sa kaniya. Masaya na akong nakikitang masaya ka, si daddy sa inyo."
Matapos ang heart to heart talk namin ni Tala ay doon pumasok si mommy. Nagkasundo na kaming tatlo na isarado na iyong nangyaring iyon sa dating bahay at mag-umpisang muli. Tala seems convinced, pero ako? Hindi ko pa talaga makuhang maniwala.
Binigyan ko rin sila ng oras upang maipaunawa ni mommy ang sitwasyon. It was her turn to be a mother. I warned her first hand na kung mangangako siya kay Tala ay sana tuparin niya. Nasaktan na ni daddy ang kapatid ko. Sana naman ay huwag na niyang gawin ang ginawa niya sa akin na harap-harapang ipakitang nagpapaka-martir siya.
Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Alam kong mahirap para kina mommy at Tala pero siguro totoo ngang masakit ang katotohanan pero nakakagaan din ng loob at the same time dahil wala nang dapat itago pa. Kay Bituin na lang namin hindi pa talaga masabi ang sitwasyon dahil inaalala namin ang magiging reaksyon niya. And that would cost her life.
Natuloy ang family outing namin kasama si Daddy. Mukhang bumabawi kay Tala pero malamig pa rin sa kaniya ang huli.
"Ate Sinag, gusto raw akong makausap ni Daddy, he texted me," isang gabi sabi ni Tala. We were still in the beach resort. She looks pissed and uncomfortable.
"Hindi mo naman kailangan na makipag-usap kung hindi ka pa handa. Wait for yourself to be ready," I told her.
"But, I think I will never be ready. Iju-justify lang naman niya iyong kalokohan niya, eh. So, bakit ko pa siya kakausapin?"
Wala akong naisagot sa kaniya dahil totoo naman iyon. All the blame and fault will be on my mother and me. That's Alab's petty excuse. Lagi niyang binabato sa ibang tao ang mga kasalanan niya. Napaka-toxic niyang tao.
"It's your choice, Tala. Just..." I trailed off. Bigla kong naisip iyong pakikitungo ko kay daddy. I know that that was harsh. Wala akong excuse roon, talagang nababastos ko siya but, I have my reasons. Magkaiba naman kami ni Tala at ayoko na maging katulad din noon ang turing niya sa Daddy ko. Because hate will consume her and that would be hard to get rid of. "Just don't be like me," sabi ko bago siya yakapin nang mahigpit.