Napakunot noo ako nang makitang maraming missed calls si Drei. Aba himala at ang gago ang nauna. I set his number at call divert the moment he pissed me off kaya hindi ako nakatanggap ng mga text and calls niya nitong nakaraang linggo. Wala rin akong gana na makipag-usap kahit kanino.
"Sinag, let's talk."
"Hey, where are you? Can you go outside?" I assumed that he was outside that time.
"Please, Sinag. Pick up the phone."
"I need your help. 'Di ba dating pulis ang tatay mo? Baka matulungan mo ako."
Puro ganoon ang laman ng mga mensahe niya.
I smirked when I got a hint of what was that all about. I was sure that his cousin was now in jail at wala akong pakialam. The brute deserves it at kung tutuusin nga ay dapat kasama na siya sa loob.
Napag-alaman ko rin talagang adik ang kumag na iyon at lulong hindi lang sa m*******a kundi pati na rin sa droga. He was the number one pusher in their area.
Actually, step cousin lang naman iyon ni Drei. As per my source ay hindi naman talaga magkasundo ang huli at naging malapit lang nang malulong nga sa m*******a itong hudyo.
"What's up, Lovie. Miss me?" I replied. Mabilis na nag-ring ang phone ko.
"Where are you?" agad na tanong niya mula sa kabilang linya.
"Bakit? Miss mo na'ko? Nasa Naic na ako," sabi ko, nangingiti. "Dami mong messages, ganoon mo ako na-miss? Huwag ka nang malungkot, tapos na akong mag emote. Ready na ulit akong ligawan ka," I said, laughing.
"Tsss. Wala na 'yon. He deserves to wrath in jail anyway."
"Good!" I beamed. "I-I mean why ba? What happened? Bakit nakulong?" biglang kabig ko. Baka sabihin kasi ay bakit masyado akong masaya.
"Just some stupid things. Nasaan ka nga?"
"Nasa bahay namin. Bakit ba? Date na ba tayo?"
Parang hindi kami nag-away noong huli kaming nagkita sa way ng pag-uusap namin. Pero gago pa rin siya sa part na 'yon.
Akala ko ay nawala na siya sa kabilang linya ngunit nang muli ko naman siyang tawagin ay sumagot naman.
"Huy, may problema ba?" kunot-noo kong tanong. I heard him hitched his breath.
"Ah. W-Wala naman. Sige, bye." Literal na napatanga ako sa ginawa niya. Anong trip no'n? Akala ko naman may care na siya sa akin tapos bigla na lang akong bababaan ng cellphone?
Bastos ah!
Hindi ko na lang dinibdib at alam ko naman magku-krus muli ang landas namin sa pasukan. Sisiguraduhin kong mabibihag ko na ang puso niyang batong-bato na sa akin.
EXCITED kaming lahat nang sumapit ang first day of school lalo na si Bituin dahil may kaibigan na siya sa school na kapitbahay lang din namin. Ang nakakatuwa roon ay magiging classmate niya rin.
Maagang gumising si mommy upang ipaghanda kami ng almusal. Parang noon ko lang siya ulit nakitang nataranta nang ganoon sa umaga. Talaga binuhos niya ang oras niya sa amin at pati sa trabaho nitong mga nakaraang araw.
Kapansin-pansin din ang pagiging madaldal nang muli ni Tala. She was still in the stage of moving on but, I know that she was trying to be fine. Malaking tulong iyong pagbawi sa amin ni Mommy kahit paano. Sabi nga nila kapag na-de-depress ang tao, know your triggers. I guess that our father was our trigger dahil talagang ang laki ng binago ng buhay namin nang hindi na namin siya nakakasama sa bahay. Though he was still going home once a week for the sake of Bituin.
Hindi niya na rin makuhang masaktan si Mommy through his whores dahil bahay iyon ni Mommy. Dapat lang na mahiya siya.
But, as per our maid at his house ay nagdadala pa rin daw ito ng babae. Napailing na lang ako nang marinig iyon. Mukha namang wala nang pakialam si mommy o hindi lang talaga siya nagtatanong dahil ayaw na niyang masaktan.
What she doesn't know won't hurt her anyway.
Binigyan na rin ako ni Mommy ng kotse at ako na ang nakatokang maghatid sa mga kapatid ko. Na siyang kinaungol ng dalawa tanda nang pag-ayaw dahil bantay sarado raw ako sa kanila.
"Mommy, si Mang Jun na lang!" Napapadyak si Tala. Si Bituin naman ay nanghahaba ang nguso habang nakatingin sa akin.
"Ang arte niyo, ha. Magsitigil nga kayo, sakay na!"
"Girls, listen to your Ate Sinag. Lakad na at male-late na rin ako."
Hinalikan kami isa-isa ni Mommy bago sumakay sa magkahiwalay naming kotse. I felt happy and free. Ang laki ng ginaan ng puso ko talaga nang lumipat kami.
Iisa lang ang school namin pero magkaibang building at entrance iyon. Magkadikit lang sila kaya madali ko silang masusundo ng uwian. Sana lang ay laging tugma ang schedule ko sa kanila dahil sabi noong sa registrar ay possible na mag-change schedule minsan. Saka ko na iisipin ang magiging arrangement ng paghatid at pagsundo sa mga kapatid ko kung mangyari na 'yon.
A smile crept from my lips the moment my feet landed at the university. Amoy na amoy ang dagat sa simoy ng hangin. Saglit kong nilanghap iyon at sumigaw ng "freedom!" bago nag-umpisang maglakad.
Malamang ay nagulat ang mga estudyante dahil kakaibang tingin ang pinukol nila sa akin. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy na lang ang paglakad.
I texted Luhan to wait for me at the library para sabay na kaming pumunta sa building namin. Agad ko siyang nakita dahil lagi namang stand out ang kagwapuhan ni bakla. Kaya nga lagi akong napapaaway dahil inaagaaw ko raw si Luhan sa kanila. Sana lang ay maging payapa ang school year para sa akin.
"Ang gwapo mo best friend, ah. Bagay sa'yo 'yung bago nating uniform. Alam mo na kung saan ang classroom mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Automatic na nagtaas ng kilay ang mga kababaihang nakaupo sa bench na malapit sa akin. Kaya tinaasan ko rin sila ng kilay. "Oh, agang may magka-crush sa'yo. Mukhang may makakaaway na naman ako. Bangasan kaya kita para mabawas-bawasan naman ng kaunti 'yang gandang lalaki mo," may panunuya kong ani.
"Sa 3rd floor ako, ikaw ba?" nakasimangot niyang tanong.
"2nd floor," sagot ko. "Si Drei ka-building din natin pero sa may 4th-floor siya."
"Walang nagtanong," pagsusungit niya sabay irap sa akin.
"Sungit mo naman. Meron ka ba?" Napaismid ako.
"Wala." He sighed, he looks problematic. ''Di ko lang talaga matanggap na nandito na ako. Kakainis!" asik niya.
Kaya naman pala ganoon ang mukha dahil hindi pa rin nakakamove-on na rito na siya talaga mag-aaral, kabaligtaran ng nararamdaman ko. Ang gaan kasi talaga ng pakiramdam ko na malayo na kami kay daddy.
Dinamayan ko na lang si Luhan habang naglalakad patungo sa building namin. Halos mabali ang leeg ng mga kababaihan na napapatingin kay Luhan. Ako rin naman ay ganoon pero si Drei naman ang hanap ko. Muntik na nga akong madapa kakalibot ko ng tingin mahanap lamang siya. I texted him earlier pero hindi ako ni-reply-an ni gago. Nasaan kaya iyon?
Sa unahan ako naupo para bff ko agad ang professor. Ngunit hindi yata natuwa iyong katabi ko dahil masama ang tingin niya sa akin. Magtatanong sana ako kung may nakaupo ba roon at ganoon na lang kapangit ang hitsura niyang binigay sa akin nang biglang may humampas nang malakas sa table ko.
"Who told you to sit on my chair?" Maangas na tanong ng babae. Matalim ang mga matang sumalubong sa akin nang mag-angat ako ng tingin. Agaw pansin ang hapit niyang blouse na bukas ang unang butones, showing her cleavage. I grinned at her.
Prente akong sumandal sa upuan at dumekwatro pa. "Uhh, I told myself to sit in this chair?" I answered with sarcasm. Nanlaki ang mga mata noong katabi ko, I bet she was one of her minion. Maging ang mga nagdadaldalan sa klase ay biglang natahimik.
Dahil maputi siya ay kitang-kita ko ang pamumula niya sa inis.
"Get the f**k out of my seat!" she hissed at me and then kicked my chair. I rolled my eyes heavenwards and stand up.
Nilapit kong mabuti ang mukha sa kaniya. Siya naman ay naiiritang lumayo. "Nakikita mo 'tong mukha ko, ha? Ha? Ha? Ha?" Lalo ko pang nilapit ang sarili. "Mukha ba 'kong may pake?" Walang buhay kong tanong. "Wala naman akong nakitang pangalan mo sa upuan na 'to." Sabay-sabay na naghiyawan ang mga kaklase ko, nangangantiyaw. Iyong iba ay nag-chi-cheer pa upang lalo kaming magkainitan.
"Don't you know me?" She was balling her fist and gritting her teeth. "I'm Venice Del Valle, the daughter of Mayor Eric Del Valle!" May pagmamalaki niyang sambit.
"Oh, tapos?" Tanong ko at muling umupo. "Pa-scholarship ka naman d'yan!"
Nagtawanan iyong mga classmate namin sa sinabi ko. Alam kong naisulto siya dahil bakit nga naman ang lakas ng loob kong kantiin ang anak ng mayor. Akala naman niya ay may pake ako. Kung anak siya ng santo papa baka matakot pa ako.
"Akala mo ba nagbibiro si Venice? Totoong anak siya ni mayor. Sino ka ba at ang yabang-yabang mo?" Biglang sumabat iyong katabi ko. "She can use her father's connection to kick you out of this school. Kabago-bago mo, attitude ka."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Taranta akong tumayo at mabilis na inalis ang bag ko. "S-Sorry, Venice sige upo ka na," nauutal kong sabi. Pinunasan ko pa ng panyo ko iyong table niya. She rolled her eyes on me and turned around upang makaupo. Ngunit bago pa lumapat ang puwit niya sa upuang kahoy ay nahila ko na 'yon kaya dumiretso ang kaniyang pang-upo sa sahig.
"What the heck!" Tili niya. Nakangiwi siya habang himas-himas ang pang-upo.
"I told you, I... Don't... Care," I told her before finding another seat. Iyong malayo sa kaniya para sa ikatatahimik ng buhay ko.
Akala ko, mababago na ang buhay ko at hindi na ako mapapadpad pa sa guidance office. Mainstay na rin kasi ako sa guidance office na pinanggalingan ko. Pero mas maigi na ito kesa sa galit at masasakit na salita ni daddy. I spent my first day at the guidance counselor's office. Kaunting sermon lang naman at words of wisdom. Pareho kaming pinatawag ni Venice. Nakailang libong irap na yata siya sa akin. Samantalang ako ay chill lang.
"Is it true na hinila mo raw ang upuan, Miss Mahika?" seryosong tanong ng ginang.
"Opo, ma'am," diretso kong tanong. "Pero..."
"See, ma'am? Siya ang may kasalanan ng gulo!"
"Shhh..." Pinanlakihan ko siya ng mga mata at saka sinabihang manahimik. "As I have said, opo ginawa ko po iyon. Pero dahil hinampas niya iyong table ko at pinamukha sa akin na roon siya nakaupo. Paano naman po mangyayari iyon eh, first day of class ngayon. Her name wasn't even there," I reasoned out.
"Excuse me. My father's name was there!"
"Excuse me, too. Pera ba ng tatay mo pinang-donate roon? Tax iyon ng mamamayan ng Naic. Diyos ko. Bakit ang kapraso ng utak mo?!" Yamot kong ani.
"Shut up, you two!" Biglang awat ni ma'am sa amin. "Ayoko na muling maulit ito, Miss Del Valle and Miss Mahika," sabi ni Misis Buen - the guidance councilor. "This will only be a warning. You're already in college. Be matured enough of your actions," sermon ni Misis Buen. Nakakaunawa akong tumango at sang-ayon naman sa sinabi niya. Ewan ko lang 'tong small brainer na nasa harap ko kung naunawaan niya ba.
"Bakit iyon lang, Miss Buen? Wala bang punishment for her?" diskumpiyadong tanong ni Venice na siyang kinangisi ko.
Desperada ang tongue mother!
Anong akala niya? Por que mayor tatay niya ay batas na siya rito? Ulul siya! Walang nagawa ang bwakanang b!tch kundi ang mag-martsa na lang palabas ng office dahil sa sama ng loob.
Paglabas ay dumiretso ako sa canteen para bumili ng lunch. Nakakagutom kasi iyong sermon ni Misis Buen. I ordered burger, chicken nuggets, spaghetti, and yogurt milk.
Kumalat na yata sa buong campus ang ginawa kong kamalditahan sa entitled na anak ng mayor kaya mainit ang mga mata ng mga estudyante sa akin. Ang ilan ay curious ngunit mas marami ang takot. Hindi ko naman sila kakainin.
"Anong tinitingin-tingin niyo?!" Maangas kong tanong sa katabing mesa. Obvious naman kasi na pinag-uusapan nila ako.
Himilab ang tyan ko after lunch kaya ginawa kong tambayan ang comfort room. In fairness naman sa cr, maganda at malinis. At bongga pa dahil may bidet. Excited akong umupo sa trono at sinimulan na ang pagninilay-nilay.
Nasa kalagitnaan na ako ng meeting nang marinig kong biglang kumalabog pasara ang pinto.
"Oh my, Drei, please f**k me already," a girl moaned. Napakunot noo ko nang marinig ko ang pangalan ni Drei.
Is it Drei? My Drei?
Papalapit sila nang papalapit sa tapat ng cubicle kung nasaan ako. Then I finally see their school shoes na isang babae at lalaki ang nagmamay-ari.
"Chill, honey, let me eat you first." And the man who owned that husky sexy voice confirmed it.
Mabilis kong kinuha ang cellphone at nagpatunong ng emergency alarm.
“Damn, what's that!? May sunog ba? Lindol? L-labas na tayo!" Nagmamadaling sabi ng babae, may halo iyong takot. Kita kong tumakbo palabas ang babae. Doon ko na binuksan ang pinto ng cubicle at binulaga si Drei bago pa siya tumakbo rin palabas.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang dumapo ang tingin sa akin.
"Ikaw na naman?! Yamot niyang tanong. Lalo siyang nainis nang makita ang cellphone kong naka-play pa rin ang emergency alarm.
"It's been a while, Lovie," I told him dreamily while my butt was still seating on the throne.