LALAINE FRANCISCO "Are you okay?" tanong ni Jaya. Nasa loob kami ng kotse nang lingunin at itanong iyon ni Jay. Nasa front seat siya katabi ni Jared na nagmamaneho at nasa backseat naman ako. Ngumiti lang ako at tumango dahil napansin ko rin ang tingin ni Jared sa akin mula sa salamin. "I'm okay," sabi ko para lang mapanatag si Jay. Nang alisin niya ang tingin sa akin ay nakahinga ako ng maluwag. Friday ngayon at nasa byahe na kami patungong Manila. Since pupunta rin naman doon si Jared ay sumabay na siya sa amin at nagpresintang mag-drive. Tahimik lang ako sa likod habang tinatahak ang daan patungong Manila. Hindi ko maiwasan kabahan at mag-isip dahil after two years ay hindi ko naisip na babalikan ko pa ang lugar na tinakbuhan ko. Ang lugar na naging dala sa akin ay malungkot at

