LALAINE FRANCISCO "Manila Hotel," sagot ni Jay nang mapatingin si Jared sa kaniya. "Manila? Anong gagawin ninyo roon?" tanong niya sa amin. "Fashion show. Si Lalaine ang mag-mo-model ng mga gown designs ko," sagot ni Jaya kaya nakuha niya na ang buong atensyon ni Jared. “Pumayag siya?” gulat nitong tanong at tiningnan ako. Ngumiti lang ako sa kanya. “Of course! Bakit hindi, siya lang fit sa mga designs ko,” sagot ni Jaya. Napatango si Jared. "Kailan ba 'yon?" tanong ulit ni Jared. "Sa Sunday--teka nga, bakit ka ba nagtatanong, Jared Montemayor?" tanong ni Jaya at napailing ako nang banggitin niya pati surname ni Jared. "Ah kasi kung ganoon, pwede ko ba hiramin si Lalaine ng Saturday sa Manila. May meeting kasi ako roon na pupuntahan. I want her to come with me," wika ni Jared kay

