LALAINE FRANCISCO LEVISTE Bago tuluyang sumapit ang liwanag ay naghiwalay na kami ni Aldrich. Pareho na kaming bumalik sa sariling k'warto para mag-ready na. Nagtagal din kasi kami ni Aldrich sa restaurant dahil nagkuwentuhan pa kami. Pagbalik ko sa aming suit ay dumiretso agad ako sa bathroom para maligo. Mabuti na lang at wala pang tao. Pagkatapos kong maligo at lumabas ng bathroom ay nakita kong nakaligo na rin ang mga kasama ko, pero 'yong iba ay kagigising lang. Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago nagpasyang lumabas ng suit at pumunta sa lobby para mag-breakfast. Bilin kasi ni Mrs. Dela Cruz na mag-breakfast muna bago lumabas para sa activity. Oo, may pa-activity si Ma'am pero ma-e-enjoy pa rin naman daw ang trip na 'to dahil hindi naman buong trip kaming mag-a-activity. Pagdat

