LALAINE FRANCISCO LEVISTE "Welcome to Palawan!" sigaw nila. Napangiti ako dahil doon habang nagtawanan sila ngunit tumigil din dahil mabilis silang sinaway ni Ma'am at pinaayos. May susundo kasi sa aming private van na magdadala sa amin sa El Nido Garden Resort. At hindi nga nagtagal ay dumating na rin ang van. Sa loob ng sasakyan ay may kaniya-kaniya nang mundo ang mga kasama ko. May nag-c-cellphone, may nagkukuwentuhan, may natutulog at may naghaharutan. Napailing na lang ako nang makita ang pag-kiss ng mag-jowa. Hindi man lang nahiya sa amin. Nagawi ang tingin ko sa cellphone ko at napansin na may text and calls notification sa tass kaya binuksan ko ito at bahagya akong nagulat nang makitang may limang tawag galing kay Neil at text. ‘Sa kanya pala galing ang mga text at call.’ Bi

