Chapter 1

1908 Words
LALAINE FRANCISCO-LEVISTE "Hanggang kailan ka magpapaka-martyr?" tanong ni Mae sa 'kin habang nakataas ang kilay. Siya rin ang bestfriend ko since first year college hanggang ngayon. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil, alam niya na ang sagot diyan. Hindi ko na kailangan pang sagutin. “Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka nagtitiis sa lalaking ’yan, eh, sinasaktan ka lang naman. Maraming lalaki riyan, girl,” wika nito at umirap sa kawalan. Alam ko naman iyon pero napamahal na ako kay Neil. “Ah, kilala mo pa ba si Aldrich? ’Yong classmates natin noong highschool?” tanong nito. Akala ko hindi na siya magtatanong pero madaldal nga pala ang kaibigan ang babaeng ’to. Pero ipinagpapasalamat ko naman iyon dahil kahit papaano ay hindi boring ang buhay ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Aldrich? Hindi ko yata kilala 'yon. Hindi ko naman kilala sinasabi niya. Naging classmates kasi kami noong fourth year highschool pero, nang mag-college lang kami naging mag kaibigan. “Hindi, kaya kumain ka nang kumain. Ang daldal mo masyado, malapit na mag-time,” wika ko at sumiring ang kanyang mata. “Sus! Palibhasa si Neil lang kilala mo,” sabi niya. Medyo napalakas iyon kaya agad kong tinakpan bibig niya. “Huwag kang maingay, baka may makarinig sa ’yo!” saad ko. “Oo na!” sagot niya at hinawi ang kamay ko. “Ikaw talaga!” sita ko habang tumitingin sa paligid. “Ewan ko sa ’yo! Kung hindi ko lang sana nakikita na nasasaktan ka sa kanya hindi naman kita itutulak sa iba,” saad niya kaya natahimik ako. Oo, nakikita niya nga lahat dahil second year college ako nang magpakasal kami ni Neil, dahil na rin sa kagustuhan ng parents niya. Hindi ’yon bonggang kasal at tanging kaibigan ko, kaibigan niya, at parents niya lang ang naging saksi. Hindi iyon isinapubliko dahil ayaw ni Neil ipaalam sa lahat na kasal kami. At tinanggap ko ’yon dahil wala naman akong ibang choice. I was 18 that time while Neil was 20 and graduating with a degree in Business Management. Ngayon ay CEO na si Neil Ivan ng “Leviste Corporation” na pagmamay-ari ng pamilya nila. Palagi siyang laman ng mga balita at magazine. Mas lalo siyang sumikat dahil sa edad na twenty two ay nakapag-manage na siya ng malaking kompanya at marami na rin siyang naipatayo gaya ng ’Leviste's Restaurant‘ na ipinagalan niya sa girlfriend niya at may isa pang restaurant na Pilipino dish ang menu pero, hindi ko alam kung kay Margarette din iyon. Mayroong ’Leviste's Flower shop’ para sa mommy niya. Sa pag-angat niyang ’yon at sa tuwing lumalabas siya sa television ay palagi niyang kasama ang girlfriend niyang si Margarette na tila ba proud siyang ipinagmamalaki ito. Samantalang ako ay hanggang pangarap na lang na ipagmamalaki niya o ipakilala sa public. “Hala! Bakit ka umiiyak?! Sige na, hindi na kita itutulak sa iba basta...ano... huwag ka lang umiyak d'yan," sabi ni Mae habang natataranta sa gagawin. Kung pupunasan ba ang luha ko o yayakapin ako. Doon ko lang din napansin na basa na pala ng luha ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Bakit nga ba ako umiiyak? Kung tutuusin ay dapat sanay na ako na ganito talaga. Sinira ko ang pangarap niyang pakasalan ang babaeng pinakamamahal niya. "Hayaan mo na ako, Mae, nagiging masaya naman ako kahit papaano,” mahinang sagot ko bago pinunasan ang luha sa pisngi ko at ngumiti. "Oh, siya tara na. Baka malate pa tayo," sagot niya lang sa 'kin at tumayo na. Fourth Year College na kami at Cookery ang kinuha kong kurso samantalang arts and design naman kay Mae. May pagmamay-ari kasi silang dress botique at gusto rin niyang magtahi o mag-design. Naghiwalay na kami dahil magkaiba ang department namin. Second week pa lang ng pasukan bilang pagiging Fourth Year College namin, kaya nagsabay na kami. Nagkapareho kasi ang schedule time namin sa umaga. “Goodmorning!“ bungad ng Professor namin pagpasok niya. “Goodmorning, Mrs. Camuz!” Balik naming bati sa kaniya “Okay. Take a sit. Mayroon kayong bagong kaklase,“ wika ni Ma'am at tumingin sa labas bago ito sumenyas na pumasok. Sinundan namin ng tingin ang pintuan hanggang sa pumasok ang isang lalaki. Napasinghap ang mga kaklase kong babae at parang mga bulateng nilagyan ng abo dahil akala mo mga kiti-kiti. “Introduce yourself.“ "Hi. I'm Aldrich Sarmiento. Nag-shift ako from Business Management course. Dahil last year ko na rin naman at saka mahilig ako kumain kaya gusto ko rin matutong magluto." Nakangiting pakilala niya saka tumingin kay Ma'am. Tinuro naman ni Ma'am ang upuan sa likod dahil doon lang may bakante. "Ang gwapo niya 'no?" bulong ng nasa unahan ko pero narinig ko pa rin. Kunwari pang ibinulong. Napailing na lang ako sa reaksiyon nila at nakinig na sa discussion ni ma'am. Sa kabuuan ng klase, wala akong narinig na kwentuhan kundi tungkol sa bago naming kaklase. Kaya nang matapos ang klase ay parang nakahinga ang tenga ko. "Uy, mukhang nangangamoy pagmamahal ah.” Sundot sa 'kin ni Mae habang naglalakad kami palabas ng campus. Uwian na kasi at nagsabay kaming uuwi ngayon dahil hinintay ko siya pero, palabas pa lang kami ay tanaw na rito ang itim na black mercedez. At kilala ko kung kaninong sasakyan 'yon. Kaya pala ako sinusundot ni Mae dahil nakita niya ang sasakyan ni Neil. "Tumigil ka nga, Mae! Parang kanina gigil na gigil ka, tapos ngayon para kang kinikilig diyan," sabi ko sa kanya, pero hindi siya sumagot at tahimik lang na naglakad. Napailing na lang ako sa pagka-moody ng babaeng 'to. Pero ano kayang ginagawa ng lalaking ito rito? Hindi na naman nag-aaral ang girlfriend niya kaya sino susunduin nito? Ako? Impossible! Nang makarating kami sa labas ay bumeso na sa akin si Mae at nagpaalam na. Kumaway lang ako hanggang sa makasakay siya sa sasakyan nila, saka ako nagpasiyang maglakad sa bandang kanan para sana sumakay sa tricycle, nang biglang umabante palapit sa akin ang sasakyan ni Neil at binuksan ang bintana. "Saan ka pa pupunta? Sumakay ka na. Hindi kita pagbubuksan!" Iritable niyang saad. Kumunot ang noo ko sa reaksiyon niya. Ano na naman kayang problema niya? Saka bakit ba siya narito? Bakit nandito ang asawa ko? 'Bakit ka narito, Mr. Leviste.' Itatanong ko sana 'yan kaso huwag na lang dahil baka masigawan pa ako. Halata kasing mainit na naman ang ulo. Sumakay na lang ako ng tahimik pero 'yong puso ko kanina pa nagwawala sa sobrang lakas ng kabog. Jusko! Heart kalma! "Huwag kang mag-isip ng kung ano riyan, pinilit lang ako ni mommy," saad niya habang ini-start ang kotse. Napalingon ako sa kanya at nakita kong sa daan lang siya nakatingin. "Wala naman akong iniisip," wika ko at ibanaling na lang ang tingin sa labas ng bintana. Ang feeling lang ah! "Baka kasi isipin mo kagustuha kong gawin 'to,” inis niyang sabi kaya hindi na ako nakapagpigil na sumagot. "Neil, alam ko, okay? Alam kong lahat ng ginagawa mo ay dahil lang kay tita. Alam ko na ang mga 'yan kaya huwag mo nang ipamukha pa." "Tss." Hindi na lang ako umimik pa at nanatiling tahimik sa loob ng sasakyan. Alam ko naman na hindi siya magkukusa para sunduin ako sa school. Ayoko lang na ipinapamukha niya pa sa akin kasi mas lalong masakit. Mas lalong sumusugat sa puso ko. Iisipin ko na lang na okay kami, na masaya kami, na kunwari may pake siya sa akin. Sa ganoong paraan, hindi ako masasaktan ng todo. "Lala!" sigaw ni Tita Irish nang makita akong bumaba sa kotse ni Neil. Nakangiti siyang nakatayo sa pintuan habang nakatingin sa akin. "Tita, napadalaw ka po?" tanong ko nang makalapit at nakipagbeso. Ngumuso naman si Tita at hinawakan ako sa braso, bago ako hilahin papasok sa loob ng bahay at patungong dining area. "I told you to call me mommy not tita and I just want to see you, Lala darling," nakangiting sabi niya. Napangiti na lang din ako sa sinabi niya. She's so sweet and kind to me. "Doon na po ako nasanay. Sus! Miss ninyo lang po ako, eh," biro ko sa kanya at tumawa naman siya saka tumango. "Sobra! Kaya iyan, ipinagluto kita," nakangiting saad niya at nakita ko roon ang mga paborito kong ulam, gaya ng adobo, tinapang may kamatis na sawsawan at tilapia. "Mukhang masarap po, ah. Halika po, kain tayo. Sabayan ninyo po ako," sabi ko at umupo sa isang upuan. Sakto naman na pumasok din sa dining si Neil. "Masarap talaga 'yan dahil ako nagluto niyan para sa 'yo. Neil, sumabay ka na sa amin," sambit ni tita-mommy nang makaupo na rin siya. Tumango lang si Neil at naupo sa katapat ng mommy niya. At sabay-sabay na kaming kumain. NEIL IVAN LEVISTE Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay biglang nagsalita si mommy. "Anak, 'di ba may event ka na pupuntahan sa Sabado? Isama mo naman si Lala at ipakilala mo na asawa mo...hindi 'yong kung sino-sinong ipinapakilala mo," wika ni mom habang diretso lang sa pagkain. Tumigil ako sa pagkain at tinignan siya. "Mom, wala siyang gagawin doon," sagot ko saka sinulyapan si Lalaine na tahimik lang na kumakain. Nag-angat si Mommy ng tingin sa akin nang tumigil siya sa pagkain. "Bakit si Margarette ba may gagawin doon? Husto lang naman sa hawak sa 'yo at ngiti ang ginagawa ng babaeng 'yon. At walang masama kung si Lala ang isasama mo, dahil siya naman ang asawa mo," saad niya. Napabuntonghininga ako dahil mag-uumpisa na naman kami. "Mom, may alam si Marg sa business kaya siya na lang," sagot ko. Hangga’t maaari ayokong pagtalunan namin 'to ni mommy lalo na at nasa harap pa kami ng pagkain. "Kayang gawin 'yon ni Lalaine at mas may karapatan si Lalaine sa posisyon ni Margarette!" Napailing na lang ako sa sinabi ni mommy. Gusto niya, lahat ng sasabihin niya kailangan kong sundin. Paano naman ang mga gusto ko? Pinagbigyan ko na siya na sunduin si Lalaine sa school at dahil doon hindi natuloy ang date namin ni Margarette. "Mom, pinagbigyan ko na kayo--" "Sinusumbatan mo ako?" Pagputol ni mommy sa sasabihin ko. Nakakainis! “No, mom pero—” "Kung tutuusin, dapat hiwalayan mo na ang babaeng 'yan. May asawa ka na Neil, irespeto mo naman si Lalaine," wika niya. Napahigpit ang hawak ko sa kubyertos dahil doon. Kung pwede ko lang isigaw na hindi ko mahal si Lalaine at siya lang ang may kagustuhan ng pagpapakasal ko sa babaeng 'to, ginawa ko na sana. But I respect my Mother. At paano ko irerespeto si Lalaine? Siya nga, hindi niya nirespetong may mahal na akong iba at sumang-ayon pa rin sa kasal na 'to. Tsk. "Ah... Tita Irish, okay lang po. Hayaan niyo na po si Neil kung anong gusto niya." Napatingin ako kay Lalaine nang magsalita siya. Tss! "No, Lala. May decision is final,” sagot nito at muling bumaling sa akin. “Si Lalaine ang isasama mo tapos ang usapan,” sabi ni mom, saka siya tumayo at umalis. Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ko. 'I hate this!' "Sorry Neil--" "Shut up! Ikaw ang puno't dulo ng lahat nang ito kaya huwag kang mag-sorry dahil walang magagawa 'yang sorry mo!" Pagputol ko sa sasabihin niya bago siya iniwan doon. Sisingit pa siya, wala na rin naman pala siyang magagawa. Lalo lang nagpadagdag sa inis ko. 'I hate you, Lalaine' Bulong ko bago tuluyang lisanin ang dining area.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD