LALAINE FRANCISCO-LEVISTE
Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko dahil sa sinabi ni Neil. Hindi ko tuloy maiwasan alalahanin kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.
“Lala, ang anak ko pala si Neil. Neil, siya naman si Lalaine.” Tuwang-tuwang ipinakilala ni Mrs. Leviste sa akin ang anak niya. Ngumiti ako sa lalaking nasa harapan ko at hindi maitatangging gwapo ang lalaking ito.
Isang malalim at malamig na tingin lang ang sinukli nito sa akin bago bumaling sa mommy niya.
“Papasok na ako, mom,” paalam niya at saka bumeso kay Mrs. Leviste bago tuluyang lumabas ng bahay. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang may lungkot na nararamdaman.
Kalalabas ko lang ng hospital at dito ako dinala ni Mrs. Leviste. Nakakahiya, dahil wala naman siyang obligasyon sa akin at kasalanan para iuwi ako rito at hindi niya rin ako ganoon kakilala.
"Are you okay? Are you hungry?" nakangiting tanong niya sa akin at tumango lang ako. Marahan niya akong hinawakan sa braso at hinila patungo sa kusina.
"Saan ka nag-s-stay, Lala?" tanong niya pagkatapos akong bigyan ng pagkain. Naupo siya sa upuang katapat ko kaya ngumiti ako sa kanya bago sumagot.
"Sa isang maliit na apartment lang po," maikling sagot ko bago nagsimulang kumain.
"If you want, you can stay here," saad niya kaya natigilan ako sa pagkain at nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya, na mabilis ko rin sinundan ng pag-iling.
"Hindi na po. Okay na po ako roon," sagot ko. Sobra-sobra na ang naitulong niya sa akin. Nakakahiya lalo kung dito pa ako titira. Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko at nang makita 'yon ay parang gusto ko na lang pumayag.
"I know hindi mo ako ganoon kakilala but, I like you, hija. I like you for my son. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa 'yo," wika niya at mas lalo akong nabigla sa sinabi niya.
"Parang ang bilis naman po ninyo magtiwala sa akin. Hindi ninyo rin po ako kilala para sabihin po iyan sa akin," wika ko. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman kong tumayo siya at lumipat ng upo sa tabi ko.
"I know, Lala. Pero, kasi ikaw ang gusto ko. Like what I've said, magaan ang loob ko. At nakikita ko rin na magiging mabuti kang asawa ng anak ko," saad niya at nabilaukan ako roon. Mabilis akong uminom ng tubig at tinignan siya.
"A-ano po kasi--"
"Please? Gusto kong maging maayos ang future ng anak ko at ikaw lang ang alam kong makakagawa no'n. I want a better wife for her," wika niya. Hindi agad ako nakasagot at napatitig lang sa pagkain.
Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Hihintayin ko ang desisyon mo hanggang maka-graduate si Neil," wika niya at ngumiti sa akin. Pagkatapos ay tumayo siya.
"Sige na, Lala. Kumain ka ng marami riyan at maliligo lang ako, pagkatapos ay pupunta tayo sa flower shop," wika niya at umalis na ng kusina. Naiwan akong mag-isa habang nag-iisip ng sagot.
Kinabukasan ay wala akong pasok at dahil nga kailangan ko rin magpahinga. Umuwi na rin ako sa apartment ko dahil ayokong magtagal kina Mrs. Leviste. Saka mukha namang hindi siya seryoso sinabi niya kahapon.
Nagwawalis ako sa labas ng apartment ko, nang makita ko ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat na tumigil. Pamilyar ang sasakyan na ito sa akin, parang kina Mrs. Leviste. At hindi nga ako nagkamali dahil lumabas siya roon. Nalaman niyang dito ako nakatira dahil siya ang naghatid sa akin kahapon, na sana hindi hindi na lang niya ginawa para hindi niya ako napuntahan.
"Goodmorning, Lala!" masayang bati niya sa akin at niyakap ako. Bigla akong nahiya dahil wala pa akong kaayos-ayos man lang sa katawan, samantalang bagong ligo siya.
"G-goodmorning din po. Ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong ko at tuluyan nang tumigil sa pagwawalis.
"Nakalimutan mo agad? 'Di ba, sinabi kong sa bahay ka na tumira?" wika niya habang nakangiti. Hindi ko alam na seryoso pala iyon.
"Po? Pero--"
"Wala nang pero-pero, Lala. Sa bahay ka na titira. Mang Karding!" saad niya at tinawag ang driver nila. Lumapit naman si Mang Karding.
"Pakitulungan po si Lala sa paglabas ng mahahalagang gamit niya na mabigat," wika ni Mrs. Leviste. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis humarang sa pintuan nang akmang papasok si Mang Karding.
"Sandali lang po. Mrs. Leviste, okay naman po ako rito. Hindi ninyo na po kailangan--" Napatigil ako nang hawakan ni Mrs. Leviste ang kamay ko.
"Please. Gusto kong tumira ka roon. Hindi ko talaga alam pero, masaya ako kapag nasa bahay ka. Pumayag na rin si Nicolo. Please?" Napatingin ako sa mukha niya at napaiwas dahil bakas rito ang pagsusumamo.
Napabuntonghininga na lang ako at dahan-dahan tumango. Hindi ko kayang tanggihan ang maamong mukha ni Mrs. Leviste.
"Sige po pero, ako na na po ang mag-aayos ng mga gamit ko. Wala naman po akong mabibigat na gamit," saad ko. Isang malaking ngiti ang nasilayan ko sa labi ni Mrs. Leviste, at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Tumango lang siya kaya tinalikuran ko na siya.
Pumasok na ako sa loob at sinimulan ang pag-aayos ng mga damit at ilang mahahalagang gamit sa akin.
Naging maayos naman ang pagtira ko sa bahay ng mga Leviste at tumagal ako ng halos isang taon. Tinanggap ako ng mag-asawa at itinuring na parang anak. Sa sitwasyong iyon, akala ko nawala na sa isip ni Tita Irish ang plano niya sa amin ni Neil. Pero, nagkamali ako.
"Neil, you and Lala is going to married," wika ni Tita Irish. Muntik na akong masamid doon at lumipad ang tingin ko kay Neil.
"No!" Mabilis na sabi ni Neil.
Nasa kalagitnaan kami ng dinner nang gabing 'yon. Start na ulit ng pasukan bilang second year college ko habang si Neil ay graduating. Napanatili nito ang kanyang honors hanggang dito kaya nagkaroon ng konting celebration.
"Magpakakasal kayo ni Lala and that's final!" Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi ni tita, habang nananatili ang tingin kay Neil. Naramdaman ko rin ang tensyon sa gitna ng aming salo-salo.
"Mommy, I said no! May girlfriend ako at kung gusto ninyo na magpakasal ako. Pwes! Si Margarette na lang. Ang tagal na namin ni Marg tapos kayo lang po ang sisira? No, mommy!" Halos sigawan na ni Neil si tita. Napaiwas ako ng tingin nang tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"Your voice, Neil. Mommy mo ang kausap mo. Give some respect," seryosong wika ni Tito Nicolo, kaya napalunok ako. Kapag si tito na ang nagsalita, kinakabahan na ako. Medyo strikto siyang tingnan kumpara kay tita.
Kaya kailangan may gawin ako rito. Hindi ako pwedeng manahimik na lang. Oo, naging malapit ako sa mag-asawa pero hindi nila 'to pwedeng gawin. Ayokong kamuhian ako ni Neil. Maaaring may pagtingin na ako sa kaniya pero, hindi ko pa rin gugustuhin 'to.
"T-tita tama po si--" Napapikit na lang ako nang agad pinutol ni Tita ang sasabihin ko.
"No, Hija, that's final. Magpakakasal kayo, Tapos!" wika niya at tumingin kay Neil.
“Yes, matagal na nga kayo ng babaeng ’yon, pero ano naman? She have no manners. Nakita mo naman kung paano ako kausapin noong dinala mo siya rito, right? Ganoong klaseng babae ba ang ibabahay mo?” tanong ni tita. Hindi ko alam ang pangyayari na iyon, siguro ay wala pa ako nang mangyari iyon.
“Dahil wala kayong tiwala sa kanya, sa akin. Marg is good woman, mom. I only love her kaya kung may pakakasalan man ako, siya lang,” wika nito at tumayo. Akmang aalis siya nang pigilan siya ni tita.
“Go back to your sit, Ivan. I am not done talking,” wika ni tita. Pero hindi siya umupo at nanatili lang nakatayo.
“What, mom? Tapos na po tayo—”
“Mamili ka, pakakasalan mo si Lalaine o lalayas ka rito para sumama kay Margarette at wala kang matatanggap miski piso mula sa amin ng daddy mo?” sambit nito.
“What? Kaya ninyong gawin iyon para sa babaeng hindi naman natin kaano-ano?” wika ni Neil. Tiningnan niya ako ng masama bago muling ibinalik ang tingin kay tita.
“To save you from that Margarette? Yes, I can do this. Hindi ako manghihinayang kung kay Lalaine ko ipamamana ang lahat, huwag lang sa babaeng ’yon. Hindi mo nga alam kung ano ang negosyo ng pamilya nila. Ni hindi mo pa nga nakikita magulang niya. Ganiyang relasyon ba ang gusto mo?” wika ni tita.
Nabigla ako sa mga nalaman ko pero nanatili akong natahimik. Hindi rin nagawang sumagot ni Neil.
“Now, Sit down,” saad ni tita sa kanya. Walang nagawa si Neil kundi ang bumalik sa inuupuan niya.
Wala na rin akong nagawa pa dahil desidido na talaga siya. Napatingin ako kay Neil na sobrang sama ng tingin sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ako bumulagta dito. Nag-iwas ako ng tingin at ilang beses napalunok. Huminga rin ako ng malalim bago tumingin sa pagkain.
"Neil, sundin mo kung ano’ng gusto ng mommy mo. Maniwala ka man o hindi, para rin sa ikabubuti mo 'to," wika ni Tito Nicolo.
Hindi na umimik si tita at maging si Neil. Nagsimula na kaming kumain ng tahimik pero ramdam pa rin ang tensyon. At natapos ang aming pagkain nang wala na muling nagsalita pa.
Napabuntong hininga na lang ako matapos alalahanin ang pangyayaring 'yon. Niligpit ko ang pinagkainan ko at nagpasyang pumasok na lang sa kwarto.
"Are you okay?" Bungad sa akin ni Mae kinabukasan nang makita ko siya sa tapat ng University. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Ayokong makita niyang malungkot ako at baka masabi ko pa ang nangyari kagabi. Mag-aalala lang siya at ayokong mangyari 'yon.
"Oo naman!" magiliw kong sagot at sinabayan pa ng ngiti.
"Okay, akala ko kasi may nangyari na naman," wika niya. Hindi na lang ako sumagot. Nagsimula na rin kaming maglakad nang tumigil na naman siya. "Ah! Naalala mo 'yong sinasabi ko sa 'yong si Aldrich kahapon?" tanong niya. Tumigil din ako at humarap sa kaniya.
"Oo. Bakit, anong mayroon doon?" takhang tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
"Halika," sabi niya at hinawakan ako sa kamay saka hinila. Nagpatianod lang ako sa kanya at nakarating kami sa garden.
"Drich!" tawag niya, nang makalapit kami sa lalaking nakaupo sa isang bench na nasisilungan ng puno ng mangga ay tumayo ito.
"I'm Jhereemae Castillo. Natatandaan mo pa ba? Magkaklase tayo sa High School." Malawak ang ngiti ni Mae nang sabihin niya iyon, na agad din naman sinuklian ni Aldrich daw.
"Yeah. Ikaw 'yong maingay sa klase no'n," sagot nito kay Mae kaya napangiti ako at napasimangot naman si Mae. Paano napakadaldal talaga ng babaeng 'to.
"Whatever! Si Lalaine pala, bestfriend ko, siguro naman kilala mo rin siya."
"Oo naman. Sinong makakalimot sa babaeng maganda na mabait pa," wika niya. Feeling ko namula ako roon. Napatitig tuloy ako sa kaniya at napansing pamilyar siya.
"Ikaw 'yong transferee kahapon?" tanong ko. Ngumiti siya at kumindat.
"The one and only," nakangisi niyang saad. Nanlaki naman ang mga mata ni Mae at gulat na tinignan kaming dalawa.
"Same course kayo? Nice! Siya maiwan ko na kayo. See you later," wika niya at mabilis na tumakbo paalis.
"Mae!" sigaw ko pero itinaas lang niya ang kanang kamay niya at kumaway. 'Tong babaeng 'to talaga! Iwan daw ba ako rito.
"Tara? Sabay na tayo?" Napalingon ako kay Aldrich na nasa gilid ko habang nakatingin sa akin.
"Ah, sige. Pasensya ka na rin sa kaibigan ko," sabi ko nang magsimula kaming maglakad paalis sa garden.
"Wala 'yon. Kilala ko na si Mae, teka- hindi mo ba ako nakikilala o natatandaan man lang? Classmate rin tayo noon, 'di ba? Fourth year Highschool," sambit niya. Kumunot naman ang noo ko at napaisip sa sinabi niya.
Atually, hindi ko siya kilala, bukod kasi kay Mae noon ay wala na akong ibang matatawag na close friend. May iilan naman akong nakakausap pero hindi tulad ng kay Mae.
"Hindi eh," sagot ko. Naramdaman kong tumigil siya. Huminto rin ako at tinignan siya.
"I'm your hero back then, nakalimutan mo na?" malungkot niyang saad. Para namang may bell na tumunog sa utak ko nang marinig ang word na 'yon. Hero? Oo, may hero akong tinuring noon pero, tinitigan ko ang mukha niya at ang katawan niya. Impossible naman kasing siya 'yon. Maaaring pareho sila ng pangalan pero, impossible talaga. Ang hero ko noon na tinatawag ay payat, hindi matangkad at medyo maitim. Habang ang lalaking 'to ay maputi, matangkad at makisig tapos hindi maikakailang…cute.
"I'm your Achi-hero," saad niya habang nakasimangot.
"Totoo? Ikaw ba talaga, 'yan?" bulalas ko.
"Of cour—” Hindi ko na siya pinatapos at agad na niyakap. I can't believe! Ilang taon din ang lumipas pero hindi ko inakalang magtatagpo kami rito.
"Woah! Lalie, easy baka matumba tayo," saad niya kaya humiwalay ako sa yakap. Hindi dahil sa sinabi niya kung hindi dahil, baka may makakita sa amin at isipin na magkarelasyon kami.
"Sorry, natuwa lang talaga ako." Nahihiyang sambit ko.
"Okay lang 'yon. Alam kong na-miss mo lang ako, kaya naman ililibre kita mamaya," sambit niya.
“Talaga? Sabi mo ’yan! ” sagot ko.
“Oo, kaya tara nang pumunta sa classroom," aniya at tumango lang ako. Sabay na kaming naglakad paalis ng garden.
NEIL IVAN LEVISTE
Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sakit. Napatingin ako sa ibabaw ng mesa ko at nakitang ang dami ko pang aasikasuhin.
"Eliza," tawag ko sa secretary ko na hindi kalayuan ang table sa pwesto ko.
"Sir?"
"Anong schedule ko hanggang Sabado?" tanong ko bago sumandal sa swivel chair at pumikit. Kumikirot talaga ang ulo ko ngayon.
"Mamaya pong 11:00 AM, lunch date with Ms. Margarette.
1:00 PM, meeting with Mr. Cruz.
Wednesday 8:00 AM, meeting with Ms. Bernadette, sa Thursday at Friday naman po ay wala na, pero Saturday po ay invited kayo sa Sarmiento's Party at 6:00 PM po."
Sarmiento's Party? Iyon siguro ang sinasabi ni mommy na dapat isama ko si Lalaine. Tss! Para namang gagawin ko talaga 'yon. Si Margarette ang isasama ko roon.
"Wait, sino ulit mamayang alas onse?" tanong ko.
"Lunch date po with Ms. Margarette," sagot ni Eliza. Napangiti ako roon at tila nawala agad ang pagod ko.
Lunch date, huh?
"Thankyou!" sambit ko at umayos ng upo. Dinampot ko ang ballpen at nagsimula na ulit magtrabaho. Dapat matapos ko 'to bago mag-alas onse, para may oras ako mamaya sa girlfriend ko.
Nag-focus ako sa ginagawa ko at hindi ko namalayan ang oras. Sinipat ko ang relo at saktong alas onse na kaya napangiti ako. Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang babaeng hinihintay ko.
Napangiti ako at binitawan ang ballpen. Umayos ako ng upo nang lumapit siya sa akin at naupo sa kandungan ko.
"Tired?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. Humilig siya sa dibdib ko at hinaplos ko naman ang buhok niya.
"I'm sorry Marg, kung ikaw sana ang asawa ko ay hindi mo na kailangan pang magpa-appointment para lang makasama ako," sambit ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inis kay Lalaine at mommy, lalo na sa sarili ko. Wala akong magawa dahil 'yon ang gusto ni mom. Inuutos din ni mommy sa mga guard at sa secretary ko na huwag papapasukin si Marg dito. Hindi pwedeng pumasok si Marg dito kung walang appointment, nahihirapan tuloy ang girlfriend ko.
"It's okay. Matatanggap din ako ng mommy mo, soon," tanging sagot niya.
Hindi ko alam pero, mom really hates her. Pera at mga ari-arian ko lang daw ang habol ni Marg pero hindi ako naniniwala. Nagmamahalan kaming dalawa, bakit hindi 'yon makita ni mommy? Ayaw niya kasing bigyan ng pagkakataon si Marg. Kung noon niya pa sana ginawa, hindi sana si Lalaine ang pinakasalan ko.
"Konting tiis na lang Marg. Malapit na tayong magpakasal, konti na lang," bulong ko bago hinalikan ang ulo niya at niyakap siya ng mahigpit.
Konti na lang Marg. Konti na lang at hihiwalayan ko na si Lalaine. Kapag nangyari ang araw na 'yon ay wala nang magagawa pa si mommy o kahit si daddy.
LALAINE FRANCISCO-LEVISTE
Puro discussion lang about sa kurso namin at nagpa-quiz ang nangyari sa araw na ito. Baka sa isang buwan pa raw magsisimula ang pagluluto namin.
"Bye Lalie, Mae. Ingat kayo!" Kumakaway pa si Achi bago sumakay sa motor niya kaya kinawayan din namin siya. Inatras ko muna ang paglibre niya, dahil hindi ako nakapagpaalam kay Tita. Sinabi kong sa susunod na lang at pumayag naman siya.
"Uy, anong meron sa inyo, ha?" Pag-iintriga ni Mae.
"Anong meron ka riyan? Wala ah. Magkaibigan lang kami, siya 'yong nakwento ko sayong Achi--"
"Achi-hero mo na crush mo noon?" Pagputol niya sa sinasabi ko habang ang laki ng pagkakangisi.
"Ano ka ba?! Noon pa 'yon saka huwag kang mag-isip ng kung ano sa amin," saad ko habang nananatiling nakatayo sa labas dahil, hinihintay pa namin ang sundo namin. Ang alam ko ipapasundo ako ni Tita kay Mang Karding. Tumanggi nga ako at sinabing mag-t-trysicle na lang ako pero, hindi pumayag si tita kaya wala na akong nagawa. Lagi naman akong walang magawa kapag si tita na ang nag-request. Sobrang mahal ko na rin kasi siya at para ko na siyang tunay na ina kaya kung ano gusto niya, binibigay ko.
"Bakit hindi ako mag-iisip, bagay naman kayo."
"May asawa na ako, Mae,” simpleng sagot ko sa kanya kaya umarko na naman ang kilay niya pataas.
"Asawa? Asawa mong hilaw ba kamo? Tss. Kay Drich ka na lang friend, hinog na sigurado pa." Napairap na lang ako sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Itulad ba naman sa mangga 'yong dalawa.
"Kung ano-ano talaga lumalabas d'yan sa bibig mo," wika ko sa kanya pero tumawa lang siya. Sakto naman na nakita namin ang sundo niya kaya nagpaalam na siya.
Pagkaalis nila ay may humintong sasakyan sa tapat ko at napaatras ako nang makilala kung kaninong sasakyan 'to.
Kay Neil. Pero, anong ginagawa niya rito? Susunduin na naman ako?
Nasagot naman ang tanong ko nang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon at binasa ang text.
Sms from: Tita Irish
Lala dear, si Neil na ang susundo sa 'yo dahil pauwi na rin naman siya. Take care.
Napabuga na lang ako ng hangin at naglakad papunta sa tapat ng pinto ng front seat, saka walang preno kong binuksan iyon at natigilan ako nang makitang may nakaupo rito.
At kung hindi ako nagkakamali, ito si Margarette. This is the very first time na nakita ko ang babaeng minamahal ni Neil.
Pero, teka, magkasama sila? Pwede ba na mag-commute na lang ako? Hindi ko yata kayang sumabay sa kanila. Alam ba 'to ni Tita Irish? Ang dami kong tanong pero, imbes na magsalita pa ay dahan-dahan kong isinarado ang pinto at nag punta sa back seat, at doon umupo.
Tumingin lang ako kay Neil mula sa salamin ng kotse ngunit, agad ko rin inalis nang mapansing kay Margarette siya tumingin.
Kailan pa kaya sila magkasama?
Ano naman sayo Laine kung magkasama sila? Of course, mag-boyfriend-girlfriend sila. Sabi ng utak ko. Umiling ako sa naiisip ko at sumandal na lang nang magsimulang umandar ang sasakyan. Habang nakasadal ay biglang napadako ang tingin ko sa kanang kamay ni Neil na naka-interwind sa kamay ni Margarette. Nakapatong iyon sa hita niya kaya tanaw na tanaw ko talaga.
Psh! Dito pa talaga naglalandian sa harap ko.
Pumikit na lang ako at magkukunwaring walang nakita. Magkukunwaring hindi masakit at magkukunwaring hindi nasasaktan. Doon naman ako magaling, eh, sa magpanggap sa lahat.
Minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman kong huminto ang sasakyan pero agad ko rin pinagsisihan ang ginawa ko dahil, nakita ko kung paano maglapat ang labi ng dalawa. Talaga? Sa loob pa talaga ng kotse kung nasaan ako?
Muli akong pumikit at nagpanggap na tulog. Masyado nang masakit, kung mananatili akong nakatingin ay torture na 'yon.
At nang maipikit ko ulit ang mga mata ko ay doon na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit. Umabot na sa puntong parang namamanhid na ang puso ko.
Ito ba ang kapalit ng pagpapakasal ko? Ito ba ang consequences ng desisyon ko? Ang sakit pala kapag harap-harapan nang masaksihan.