Chapter 3

2235 Words
LALAINE FRANCISCO LEVISTE Nang makababa si Margarette ay nananatili pa rin akong nakapikit. Gusto kong isipin ni Neil na natutulog ako. "I know you're awake, hindi naman ako driver kaya lumipat ka rito," sabi niya pero hindi ako gumalaw at nanatili lang sa pwesto ko. Hindi ko siya sinunod sa gusto niya. Bahala siyang magmukhang driver! Kasalanan niya ’to. Sinama niya pa kasi ang babaeng ’yon. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa naramdaman kong pinaandar niya na ang kotse. Ganyan nga! Huwag mo akong pansinin. Mas mabuti pa ’yan. Nanatili akong nakapikit at inalala kung paano ko nakilala si Tita Irish. Kung saan at paano nagkrus ang landas naming dalawa. Kung paano siya naging mabuti sa akin. "Hindi ba ay sinabi kong huwag kang pupunta rito?" saad ni mama bago ako hinila palabas ng gate nila. Lumuwas ako mula Batangas papunta rito para sa kanya. Gusto ko siyang makita. Kahit sa ganitong paraan lang, okay na ako. "Gusto ko lang po kayo makita, mama," sabi ko habang kinakadkad niya ako. Pabalya niya akong binitawan nang makarating kami sa labas at sumilip sa loob ng bahay nila, bago binalik ang tingin sa akin. "Tigilan mo ko sa kaartehan mo! Ang sinabi ko huwag ka nang pupunta rito! Naiintindihan mo ba?" saad niya at itinulak ako. Sa lakas ng tulak niya ay napaupo ako sa kalsada pero kahit sobrang nanghihina pa ako dahil sobrang taas ng lagnat ko nang araw na iyon, pinilit kong tumayo at tinignan si mama. "Gusto ko lang naman makita ka, mama. Gusto ko rin makasama ka dahil namimiss na po kita, kahit isang oras lang po sana," wika ko. Hindi na rin ako nagpasyang lumapit pa. "Hindi mo ba naiintindihan, Lalaine? Ayoko sa 'yo. Magpasalamat ka nga at binuhay pa kita! Dahil sa 'yo at ang tatay mong r*pist, muntik nang masira ang buhay ko! Kaya umalis ka na! Hindi ko kayang makasama ang naging bunga ng kawalangyaan sa akin! Kapag nakikita kita, naalala ko lang lahat. Kung paano nasira ang buhay ko!" wika niya at tinalikuran ako. Pumasok siya sa loob at isinarado ang gate. Bumuhos ang luha ko habang sinusundan si mama ng tingin. Nakita kong pumasok siya sa loob ng bahay nila at isinarado ang pinto. Pinunasan ko ang luha ko at nagpasyang tumalikod at naglakad paalis. Dahil wala na rin naman akong magagawa. Galing sa mayamang pamilya si mama. Nag-aaral siya noon sa kolehiyo nang bigla siyang hilahin ng isang lalaki. Hinatak siya sa dilim at doon sinimulan gahasain. Na-depressed si mama at muntik nang magpakamatay nang malamang may nabuo sa sinapupunan niya at ako 'yon. Pero sa tulong ng parents niya ay naging matatag siya. Binuhay niya ako at hinayaang masilayan ang mundo pero, kapalit noon ay iniwan niya ako sa dati nilang kasam-bahay na si Nanay Nely. Siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Dalawang taon lang ang lumipas at namatay ang mga magulang ni mama sa aksidente at doon ay nagpasyang umalis si mama ng Probinsya at iwanan ako kay Nanay Nely. Nakapag-usap pa raw si Nanay Nely at mama nang minsan itong umuwi sa Probinsya na may lalaking kasama. Nalaman niyang asawa na iyon ni mama. Ang buong akala ni Nanay Nely ay babalikan ako at kukuhanin pero, ibinenta lang pala ang bahay at umalis na ulit. Simula noon ay si Nanay Nely na ang tumayo kong Ina. Siya rin ang nagkwento sa akin at siya rin ang nagturo sa akin kung saan ko matatagpuan si mama, kasi akala rin niya matatangap ako nito. Kaya nang mag-highschool ako ay nagpasya ako na dito na lang mag-aral sa Manila, medyo malapit kay mama. Kahit hindi ko siya nalalapitan ay sapat na akong nakikita siya, kahi masakit din makitang masaya siyang kasama ang anak nila. Pero, hindi na ako nakatiis ngayon. Graduation ko sa High School at nais ko siyang makasama para sa celebration. Gusto ko siyang mayakap kahit ngayon lang kaya, pinuntahan ko ang bahay nila at nang makita kong bukas ang gate ay pumasok ako. Pero, ipinagtulakan niya naman ako. Para akong patay na naglalakad sa kalsada. Walang patutunguhan at hindi alam ang tatahakin na daan. Kahit puro busina na ang mga sasakyan ay hindi ko pinapansin. Para akong walang naririnig. Buhay pa ang katawan ko pero ang kaluluwa ko pakiramdam ko wala na. Walang lingon sa kanan at kaliwa akong tumawid sa kalsada pero, isang malakas na bumisina ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napatingin ako sa kanan ko at bigla akong nanlambot at napahiga sa gitna ng kalsada. Sa oras na 'to, gusto ko na lang magpahinga habangbuhay. "Oh my god! Mang Karding, bilisan po natin! Dalhin natin siya sa hospital." Huli kong narinig bago ako tuluyan kainin ng kadiliman. Nagising na lang ako sa isang kwartong puro puti ang kulay. Napansin ko ring may nakatusok sa kamay ko. Ano 'to? "Thanks God, you're awake." Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng nakangiting nakatingin sa akin at sa tabi niya ay may lalaki. Sino sila? Bakit ako nandito? Ang huli kong natatandaan ay nasa gitna ako ng kalsada. "Nicolo, she's awake!" sambit ng babae roon sa lalaking katabi niya. Naglakad siya palapit sa akin at iniwanan ang lalaking sa tingin ko ay asawa niya. "Hi, I'm Irish Leviste and he's my husband, Nicolo Leviste," sambit niya habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi niya. Doon nagsimula ang lahat. Siya ang nagbantay at nag-alaga sa akin sa loob ng hospital hanggang sa makalabas ako at magpasyang kupkupin. Sobrang bait sa akin ni tita kaya hindi ko rin matanggihan lahat ng hiling niya sa akin. "Baka gusto mo ng bumaba?" Napamulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Neil. Hindi ko namalayan na narito na pala kami. Umupo ako ng maayos at inayos ang sarili ko bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko sana siya papansinin pero hinawakan niya ako sa braso. Napatigil ako at tumingin sa kaniya. "Ano? May sasabihin ka?" tanong ko. "Hindi sana makarating kay mommy ang nakita mo," sambit niya. Binawi ko ang braso ko at nilampasan siya bago tumigil. "Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoon kadaldal para ikwento 'yon,” wika ko. Pagkatapos ay tuluyan na akong naglakad papasok sa loob ng bahay. Dire-diretso ako papunta sa kwarto ko, habang tumutulo ang mga luha ko. Kinabukasan ay pumasok ako na parang hindi nasaktan sa nakita kagabi. Nakuha ko pang ngumiti kay Mae at Achi. Minsan gusto ko nang gawaran ang sarili ko ng parangal bilang best actress dahil sa pagpapanggap ko pero, alam kong kay Mae ay wala akong maitatago. Sa paraan pa lang tingin niya kanina ay alam kong may alam na siya. Mabuti na rin at hindi siya nagtanong kaya nakahinga ako ng maluwag doon dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa kaniya kung nagkataon. Sa sumunod na araw ay si Aldrich palagi ang kasama ko lalo na kapag break time. Kwentuhan ng kung anu-anong topic. He can make me smile, laugh until I cry. Minsan sumasakit na tiyan ko kakatawa sa mga jokes niyang dinaig pa ang mais, tapos ililibre kapag uwian na. Tulad ngayon, Biyernes na at narito kami sa tapat ng university at kumakain ng fish ball at kikiam. Sayang at wala si Mae, may mga kailangan daw kasi siyang gawin. Wala rin akong sundo ngayon dahil, sinabi ko kay Tita na ihahatid ako ng mga kaibigan ko at pumayag naman siya. "Ang sarap! Salamat sa libre," sambit ko nang makainom ng palamig. May hawak pa akong dalawang stick ng kikiam pero, medyo busog na ako. "Sus! Wala 'yon. Basta kumain ka lang d'yan," saad niya at tumango na lang ako saka pinilit ubusin ang hawak ko. - "Oh! Itabi mo na lang d'yan sa Village na 'yan," sambit ko nang makita ang uuwian ko. Gaya ng sinabi ko, may maghahatid sa akin at si Aldrich iyon. "Leviste Village?" tanong niya saka lumiko papasok sa loob, haharangan sana ni Manong Guard pero, nang makita niyang nakasakay ako ay tumango lang siya. "Oo. Bakit?" tanong ko. Mabagal lang ang patakbo niya kaya nagkakaintindihan kami. "Nothing. Business partner kasi ni dad ang mga Leviste," saad niya kaya tumango-tango ako kahit hindi niya naman nakikita. "Hinto mo na lang doon sa blue house," sambit ko nang matanaw ang bahay. Sumunod naman siya sa sinabi ko at itinigil sa tapat. "Salamat," saad ko nang makababa sa motor niya. Ngumiti lang siya sa akin. "Wala 'yon. Ikaw pa ba, malakas ka sa akin. Sige, uwi na rin ako," wika niya. Ngumiti at tumango lang ako at kumaway saka pumasok sa loob ng bahay. "Sino 'yon, Lala?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ng pintuan. Nang lingunin ko iyon ay si Tita Irish pala. "Sorry. Nagulat ba kita?" Ngumiti siya sa akin. "Medyo po. Si Aldrich po iyon, kaibigan ko," sambit ko. "Sarmiento? Aldrich Sarmiento?" tanong niya at tumango naman ako. "Anak ni Alfie. Ang isa sa business partner ng Daddy Nicolo mo na ngayon ay si Neil na ang kanegosyo," saad niya at nakangiti akong tumango. "Oo nga po. Nabanggit niya po kanina," saad ko. Napansin ko ang pagtitig ni Tita sa akin. "Sinabi mo ba sa kaniya ang tungkol sa inyo ni Neil?" seryosong tanong niya. Medyo nabigla ako roon. Hindi ko in-expect na itatanong niya 'yon. "Hindi po, tita.” “Why? Sana sinabi mo,” wika niya. “Alam ninyo naman na ayaw ni Neil na ipagsabi iyon kahit kanino,” sagot ko. Nalungkot siya sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. "I'm sorry about that, hija. Susubukan ko ulit kausapin si Neil tungkol diyan," saad niya at hindi na ako umimik pa. "Anyway, let's eat. Sorry kung napapadalas pagbisita ko rito, ah, magkalapit lang naman kasi ang bahay natin." Pag-iiba niya sa topic. Ngumiti ako bago kami naglakad papuntang dining area. Nasa iisang village lang kami at pagmamay-ari nila ito. Magkadikit lang ang bahay namin at bahay nila kaya palagi si tita rito at ayos lang naman sa akin. Pabor na rin 'yon, para kahit papaano ay may nakakausap o nakakakuwentuhan ako. "Okay lang po, tita," saad ko at saktong nakarating na rin kami sa dining. "Halika, kumain na tayo. Medyo ma-le-late ng uwi si Neil dahil marami pa siyang tatapusin." Imbes na intindihin ang sinabi ni tita ay sa mesa ako napatingin at pakiramdam ko ay nagutom ulit ako dahil doon. Mabilis akong naupo at nilagyan ng kanin ang plato, sunod ay menudo at kaldereta. Ito talaga ang mga paborito ko kapag si tita ang nagluluto. Sobrang sarap. "Alam kong gusto mo 'yan kaya iyan ang niluto ko," nakangiting sambit ni tita. Hindi ko na nagawang sumagot dahil busy na ako sa pagkain. "Oo nga pala, dumating na ang gown na gagamitin mo bukas. Pinalagay ko sa kwarto. Check mo na lang mamaya," sambit niya sa gitna ng pagkain. Napatigil ako at napaisip. Oo nga pala, ipapasama niya ako sa party na pupuntahan ni Neil bukas. Pwede ba na huwag na lang akong sumama? Baka mapahiya lang ako roon. "Tita, hindi po ba pwedeng hindi na lang ako sumama? Tama rin po kasi si Neil, wala naman po akong gagawin doon." Nag-angat ako ng tingin kay Tita, para tignan ang reaksyon niya. Binitawan niya ang kubyertos at sinuklian ang tingin ko. "Hindi pwede 'yon, Lala. Isa pa, kailangan ka roon para unti-unti ka na rin makilala ng mga ka-business partner ni Neil. Hanggat maaari, ikaw lang ang gusto ko para kay Neil," wika niya at muling nagpatuloy sa pagkain. Napatitig ako sa kaniya. Hindi ako nakaimik. Kahit naman gustuhin niya ako para kay Neil, kung ayaw sa akin ni Neil ay wala rin mangyayari. Minsan nga ay iniisip ko kung paano ko ba sasabihing gusto ko nang makipaghiwalay. Hindi ako mahal ni Neil kaya dapat ko na siyang palayain. Pero, paano ko gagawin 'yon nang hindi nakikita ang malungkot na mukha ni tita. Kahit may kasunduan naman kami na kapag hindi talaga nag-work ang marriage namin ng anak ay hahayaan niya na si Neil kay Margarette at hihiwalayan ako. Medyo unfair nga iyon para sa akin kasi hindi naman ganoon basta-basta ang marriage. Pero nakikita ko rin ang punto ni tita, kaya kahit alam kong masasaktan ako. Sige pa rin. "You look quiet. May problema ba, hija?" tanong niya nang puno ng pag-aalala. "Ahh, tita, kailan po kami pwedeng maghiwalay ni Neil?" Lakas loob kong tanong. Binaba ni ulit niya ang kubyertos at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa "Why?" malungkot niyang tanong. Ito ang ayaw ko kaya ayokong i-open ang topic na 'yon pero, kailangan kong sabihin. "May iba pong mahal si Neil, tita. Bakit po hindi ninyo na lang tanggapin ang girlfriend njya? Isa pa, hindi po kami nagkakasundo at baka maging dahilan pa ito para magkagalit kayo," sambit ko. Tumingin siya sa akin nang nangungusap ang mata. "Konti pa, Lala, please? Malay mo mahalin ka rin ni Neil? Hindi ka naman mahirap mahalin. Sadyang bulag lang sa ngayon ang anak ko, at saka ayoko lang talaga sa Margarette na 'yon, feeling ko kasi may hidden agenda siya sa anak ko. Kaya huwag muna, ah? Konting panahon pa. Pero, kung hindi talaga mag-w-work, okay. Sige, papayag na ako pero sa ngayon enjoy muna ah?" sambit ni tita. Ngumiti na lang ako at tumango, bago kami nagpatuloy sa pagkain. Konti pa raw, Lalaine. Konting panahon pa. Malay mo naman mahalin ka talaga ni Neil pero, kung hindi na talaga. Bitaw na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD