Chapter 4

1745 Words
LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin habang suot ang black long gown na kumikinang dahil sa mga glitters design. Ito ang gown na sinasabi ni tita, sa itsura nito halatang galing sa mamahaling boutique at sikat ang designer Nakapusod din ang buhok ko ng pabilog habang may iilan na strand naman ang naiwan sa both side ng ng unahan. Simpleng ayos lang pero gustong-gusto ko. "Lala?" tawag ni tita mula sa pinto. Nilingon ko siya at nakangiti siyang lumapit sa akin. Ngumiti ako pabalik at muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Huminga ako ng malalim bago humarap kay tita. "You look stunning, Lala," saad ni tita. Nahihiya akong napangiti. "Thankyou po." "Halika na. Kanina pa naghihintay sa baba si Neil, aalis na kayo," sabi niya saka ako hinawakan sa braso at sabay na lumabas ng kwarto. Nakita ko naman na nakaupo si Neil sa sofa sa living room. Habang papalapit kami sa kaniya ay hindi ko maiwasang pagmasdan siya. He's wearing a black coat at sa loob ay white long sleeve na may blue'ng tie and black pants ang pang-ibaba. Hindi maitatangging gwapo talaga siya kaya maraming nahumaling na babae sa kaniya noong college 'yan. "Anak," tawag pansin ni tita kay Neil. Lumingon siya sa amin at tumayo. Ang kaninang nakangiti kong labi ay naglaho nang hindi man lang ako tinapunan ni Neil ng tingin. "Let's go," saad niya at nauna na siyang lumabas. Tumingin muna ako kay tita para mapagaalam at tumango lang siya, kaya ngumiti ako at naglakad na rin palabas. Natagpuan ko ang kotse ni Neil na nakaparada sa labas at nasa loob na agad siya. Naglakad na lang ako palapit at sumakay na lang nang walang sinasabi pa. Hindi man lang ako nagawang pagbuksan, eh. Pero sabagay, hindi ako si Margarette kaya hindi niya ako pagbubuksan. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan at ganoon din siya. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at pumikit. "Bakit sumama ka pa? Alam mong si Margarette ang gusto kong kasama." Napamulat ako ng mata at napalingon sa kaniya na seryosong nagmamaneho habang nakatingin sa daan. "Alam mong tumanggi ako sa gusto ni tita pero, mapilit siya kaya wala na rin akong nagawa," sagot ko at tanging iling lang ang sagot niya sa akin. Hindi na rin ako umimik pa at muling bumalik sa dati kong pwesto. Hanggang sa makarating kami sa venue ay tahimik ako pa rin ako. Sa isang hotel tumigil ang sasakyan. Bumaba siya at sinalubong siya ng yakap at halik ni Margarette kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Naglakad ako palapit sa kanila kaya napagmasdan ko si Margarette. She looks familiar. Kahit matagal na sila ay ngayon ko lang nakita ng ganito kalapit si Margarette. Parang nakita ko na siya nang minsang puntahan ko ulit si mama. "May kasama ka pala?" Parang may pagtatampo sa boses niya habang nakahawak sa dibdib ni Neil. Hinawakan naman ni Neil ang bewang nito at hinapit palapit. Tinitignan ko lang sila. Kahit masakit na pagmasdan sila ay ginagawa ko pa rin. Ako dapat 'yan, e. Akin dapat 'yan. Siguro nga ay sa panaginip ko na lang maaangkin si Neil. "Si mommy, alam mo namang siya lang palagi ang may gusto ng ganito. Huwag mo na lang siyang pansinin. Ikaw naman ang ipinunta ko rito, lets go?" wika ni Neil. Sinabi niya 'yon na parang wala ako sa tabi nila at parang hindi naririnig ang sinasabi niya. Pagkatapos ay walang lingon nila akong iniwan rito sa labas. Iniwan ako roon na parang hindi ako nag-e-exist. Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit pero agad akong hinarang ng guard. "Name, miss?" tanong niya sa akin. "Lalaine Francisco," sagot ko. Hindi ko na isinama ang Leviste dahil hindi alam ng mga taong narito na kasal na kami ni Neil. Baka kasi mapahiya ako kung sasabihin ko pa 'yon. Kumilos naman agad ang guard at agad naghanap ng pangalan sa listahan. Ilang beses siyang nagpabalik-balik ng paghahanap doon bago kunot-noong tumingin sa akin. "I'm sorry miss, but, your name is not on the list," sambit niya. Muntik na akong mapatampal sa aking noo nang may maalala ako. Oo nga pala, si Neil ang invited at hindi ako. Hays! Sabi ko na eh. Hindi na dapat ako nagpunta rito! Tumalikod na lang ako para sana umalis nang may mabunggo ako. "Sorry," saad ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin. Gusto ko na lang umalis dito nang walang nakakapansin sa akin. "Lalie?" Napaangat ang tingin ko nang may tumawag sa pamilyar na nickname sa akin. "Aldrich?" "Where are you going? Hindi ka pumasok?" tanong niya at nakatitig siya sa akin na parang naghihintay ng sagot. Ano naman sasabihin ko? "Ah.. ano kasi.." Napatigil ako nang hawakan niya ako sa kamay ko at hilahin ako papasok sa loob. Hindi na ako nakaimik pa at maging si kuyang guard ay hindi na rin nakapalag dahil tuloy-tuloy si Achi papasok sa loob. . NEIL IVAN LEVISTE Pagpasok namin sa loob ay bigla kong naisip si Lalaine dahil sa ginawa ko. Iniisip kong baka magsumbong 'yon kay mommy. Siguradong magagalit sa akin si mommy at iyon ang ayaw kong mangyari, kaya nga sumunod ako sa gusto ni mommy na pakasalan si Lalaine kahit ayoko talaga. "Hon, are you okay?" malambing na tanong ni Margarette. Tumango lang ako habang hinahanap si Lalaine. Nakapasok kaya 'yon sa loob? Iniikot ko ang tingin ko nang mahagip ko siya na may kasamang lalaki. Hawak siya nito sa kamay habang naglalakad palapit kay Mr. Sarmiento. Sino 'yon? Hindi ko alam na may kasundo siyang lalaki. Kung ganoon, mas mabuti na iyon. Hinawakan ko si Marg sa baywang at naglakad kami palapit sa pwesto nila Mr. Sarmiento. Para na rin makita ko ang lalaking kasama ni Lalaine. Tumatawa sila habang nagkekwentuhan pero nang mahagip ni Mr. Sarmiento ang pagdating namin ay ngumiti siya. "Oh, the bachelor CEO of Leviste Corporation. Nice to see you here, Leviste," sabi niya at itinaas sa ere ang glass of wine. Pagkatapos ay tumingin siya kay Margarette. "Good evening, Sir. Kayo ang nag-invite sa akin dito at ayoko rin ma-missed ang event na ito. We're now a business partner," wika ko. Tumango lang siya at nilingon ang pwesto nila Lalaine. "Oh, by the way, this is Aldrich Sarmiento, my son. Aldrich, this is Neil Leviste. He's Nicolo's son. Tatay niya ang dating business partner natin, pero dahil anak na nila ang nagpapalago ng kompanya ay siya na ngayon ang aking partner," sambit niya. Napatingin ako sa anak niya at kay Lalaine na katabi nito. Paano kaya sila nagkakilala? Naglahad ito ng kamay at tinanggap ko naman. "Nice to meet you, I'm Neil and this is Margarette, my fiancé," saad ko nang hindi tinatapunan ng tingin si Lalaine. Wala akong pakealam sa kung anong nararamdaman niya. "Yes, kilala kita. Nagkalat ang pangalan at achievements mo sa mga tabloids. Mag-aasawa ka na pala," nakangiting sabi niya. Napansin kong hinawakan niya sa baywang si Lalaine at hindi naman siya nagprotesta. "Ito naman si Lalaine, kaibigan ko." Tinignan ko si Lalaine nang ipakilala siya ni Sarmiento at nakatingin lang siya sa akin. Are they dating? That's good for her. Para kung dumating ang araw na pipirmahan na namin ang annulmen papers ay hindi na siya mahihrapan pa. . LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Sa isang pabilog na mesa kami magkakasamang nagsasalo-salo sa iba't ibang pagkain. Habang busy si Aldrich ng pagbibigay sa aking pinggan ng pagkain ay napatingin ako kay Neil. Inaasikaso niya si Margarette sa paglalagay ng pagkain, bagay na hindi niya magawa sa akin "Lalie, kumain ka na," bulong ni Aldrich kaya naalis ko ang tingin ko kay Neil at ibinaling sa kaniya. "Thank you," wika ko at pinagmasdan ang pagkain. 'Fiancé' Fiancé? Pinakilala niyang fiancé si Margarette sa mga taong narito. Siguro dapat mapadali na ang hiwalay namin bago pa malaman ng lahat ang tungkol sa amin. Masisira siya at masasaktan si Margarette kapag nangyari 'yon at ayokong mangyari 'yon. "Lalie, are you okay?" tanong ni Aldrich kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. "Oo n-naman!" Pilit kong pinasigla ang boses ko pero bigo ako dahil nanginig ako. God! "Sigurado ka?" tong niya at naramdaman kong pinatong niya ang braso niya sa likod ng upuan ko. "Hmm. Oo," saad ko. "Kanina ka pa kasi nakatitig lang diyan sa pagkain mo," saad niya. Ngumiti ako at huminga ng malalim bago sumagot. "Okay lang ako, 'no!" Pagkatapos ay mas nilawakan ang ngiti. Napangiti rin siya at tumango. Hindi na ako umimik pa at nagsimulang hawakan ang kubyertos nang marinit kong may magsalita. "Aldrich, can I ask you?" Nang mag-angat ako ng tingin ay kay Margarette pala nanggaling ang boses na 'yon. Napansin ko ang paglingon sa kaniya ni Aldrich. "Oo naman," sagot ni Aldrich. Nagpunas muna ng tissue si Margarette bago ito nagsalita. "Best friend lang ba talaga kayo? Mas bagay kasi kayo as couple." Nakangiting sabi niya at mabilis akong sinulyapan. "Talaga? Salamat pero best friend talaga kami," sagot ni Aldrich sa kaniya. Hindi naman ako sumagot at sumulyap sa pwesto ni Neil pero busy ang atensyon niya kay Margarette. Nakahawak ang kamay niya sa bewang nito at ang isang kamay ay hinahaplos ang buhok. Hindi rin niya ginalaw ang pagkain niya at tanging kay Margarette lang ang atensyon niya. Atensyon na pinapangarap kong ibigay niya sa akin. Ganoon ba niya kamahal si Margarette na kahit konting sulyap sa akin hindi niya maibigay? Biglang tumayo si Margarette kaya napatingin kami sa kaniya. "Hon, let's go there," sambit niya at hinila patayo si Neil. Sumunod naman si Neil at iniwan kami. Tanging pagsunod tingin na lang ang nagawa ko. MARGARETTE POV Dito kami dumiretso sa pool area. Sa may bandang madilim kami pumunta. "Ano ang gagawin natin dito?" tanong ni Neil. Humarap ako sa kaniya at niyakap siya sa leeg at hinawakan naman niya ako sa bewang kaya napangiti ako. "Naiinis ako sa asawa mo, laging nakatingin sa 'yo," sambit ko at sumimangot. "Hayaan mo na lang siya. Hanggang tingin lang naman ang magagawa niya," sagot naman niya. Napangiti ako at mabilis siyang hinalikan. Hindi naman ako nabigo at tumugon din siya. 'Neil is mine. He's mine alone. Walang makakaagaw sa kaniya.' Tumigil siya at tinignan ako. "Ikaw ang girlfriend at magiging asawa ko, okay? Konting hintay na lang, Marg," sambit niya at niyakap ako. Ngumiti ako at yumakap pabalik saka ngumisi. 'Of course, because you're only mine, Neil.' "I love you, hon." "I love you too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD