Chapter 5

2111 Words
LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Paikot-ikot ang mata ko sa paligid para hanapin si Neil dahil gusto ko ng umuwi. Mag-e-eleven PM na rin at medyo masakit na rin ang paa ko. "Saan na ba kasi ang lalaking 'yon?" bulong ko habang patuloy sa paghahanap gamit ang mata. "Lalie?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Aldrich. Ngumiti siya at naglakad palapit. Gusto ko sana umiwas dahil, baka tanungin niya ako kung bakit ako nasa labas kanina, gayong wala akong kilala sa event na ito. "Aldrich," sambit ko nang makalapit siya. "May hinahanap ka ba?" tanong niya at umiling agad ako. "W-wala. Tinitignan ko lang ang paligid bago ako umuwi," sambit ko at napansin ko si Neil na palabas na ng gate. Tumingin pa siya sa akin at sinenyasan akong sumunod. "Uuwi ka na? Hatid na kita?" wika ni Aldrich na mabilis kong inilingan. "H-hindi na. Sige, ah? Mauna na ako. Kita na lang tayo sa school." Mabilis kong sagot at naglakad palayo. Hindi na rin naman siya sumunod kaya nakahinga ako ng maluwag. Paglabas ko ay dumiretso agad ako sa kotse. Mabilis kong tinungo ang shot gun seat at binuksan. Agad akong pumasok at umupo saka mabilis na hinubad ang heels, dahil kanina pa talaga masakit ang paa ko. "Hindi sana makarating kay mommy ang nangyari ngayon." Napatigil ako sa paghaplos sa paa ko at napalingon kay Neil nang magsalita siya. Ini-start niya ang kotse kaya iniwas ko ang tingin ko at muling ipinagpatuloy ang paghaplos sa paa ko, at hindi ako sumagot. Of course, hindi ko sasabihin 'yon dahil una, ayokong mapahiya kay tita. Pangalawa, ayokong kaawaan ako, at pngatlo ay ayokong mag-away sila nang dahil lang sa akin. Nang maramdaman kong umandar na ang kotse ay umayos na ako ng upo at sumandal. Pumikit na lang ako at hindi na nag-abalang tignan siya. Ang sakit-sakit na, dapat ko pa kayang ipagpatuloy 'to? "Narinig mo ba ako, Lalaine?" tanong niya kaya binuksan ko ang mga mata ko at nilingon siya. "Huwag kang mag-alala, hindi 'to makakarating kay tito at tita." Tanging sagot ko bago bumalik sa dating pwesto. . "How's the party, hija?" Bungad na tanong ni tita kinabukasan habang nasa hapag kami. Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. "Okay lang n-naman po," sagot ko. Kinabahan pa ako dahil napatingin si tita sa 'kin dahil nautal ako. Sana hindi niya mahalata. "You sure? Hindi ka ba pinagmukhang tanga ni Neil?" tanong niya bago bumaling kay Neil na busy sa pagkain. "Opo." Hindi po kayo nagkakamali riyan, pero syempre hindi ko 'yon sinabi. Sa isip ko lang 'yon. "Sigurado ka talaga, Lala? Gusto ko lang malaman dahil aalis kami ni Nicolo papuntang New York. May business trip siya roon at isasama niya ako." Sabay kaming napatingin ni Neil kay tita dahil sa sinabi niya. What? She's leaving? "A-aalis po kayo? Kailan po at kailan po kayo babalik?" Sunod-sunod kong tanong habang si Neil naman ay bumalik na ulit sa pagkain. "Mamaya na, Lala. Siguro ay isang buwan lang 'yon o higit pa kami mag s-stay roon," sagot ni tita. Isang buwan? Isang buwan na kami lang ni Neil dito? O Baka isang buwan siyang doon kay Margarette mag-s-stay? Hays. "Ganoon po ba? Ingat po kayo roon at enjoy po," tanging sagot ko. NEIL IVAN LEVISTE Napatingin ulit ako kay mommy dahil sa sinabi niya. Isang buwan silang mawawala ni daddy at sa isang buwan na 'yon ay si Manang at Lalaine lang ang kasama ko? Tumingin ako kay Lalaine na tahimik ng kumakain. Ano kayang iniisip niya tungkol dito? Malungkot ba siya dahil hindi na makakadalaw si mommy rito o masaya dahil lagi na niyang makakasama si Sarmiento? Tss. 'Kaano-ano mo si Sarmiento? Boyfriend mo ba siya?' Sa isip ko habang nakatingin kay Lalaine. Gusto ko sanang itanong iyan pero narito si mommy at ayoko rin na mag-assume siya. Gusto ko lang talaga malaman kung may relasyon ba sila ni Sarmiento, para makausap ko at mapadali na ang paghihiwalay namin. "At ikaw naman Neil, alagaan mo naman ang asawa mo. Asawa mo siya kaya may obligasyon ka sa kaniya. Ayokong uuwi ako rito na malalaman kong hiwalay na kayo ni Lala, sinasabi ko sa 'yo!" Biglang sabi ni mom kaya napatingin ako sa kaniya. Para namang kagustuhan kong maikasal sa babaeng 'to. Tss. Nakakapagtaka at mahal siya ni mommy, gayong nakuha niya lang naman kung saan ang babaeng 'to. Ano kayang pinakain niya kay mom at ganito si mom sa kaniya? Ni hindi ko siya lubusang kilala at kung saan siyang pamilya nagmula. "Neil, are you listening?" tanong ulit ni mom kaya napaayos ako ng upo at tinignan siya. "Oo na mom. Para namang may magagawa pa ako," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. Kung may ibang pagpipilian lang, hindi ko susundin si mom. "Tita hindi na po. Kaya ko naman po alagaan sarili ko saka nandyan naman po si Mana--" saad niya pero pinutol agad siya ni mom. Tss, kung mag-react siya palagi na lang late. "No, hija. My decision is final." Napatingn ako sa cellphone ni Lalaine nang tumunog ito at nakita kong "Achi-Hero" ang pangalan. Magkatabi kami at nakapatong sa gitna namin iyong cellphone niya. Pero sino naman ang Achi na 'yon? Lalaki na naman niya? "Hello Achi? Ah, dito sa bahay, bakit?.... Ngayon na?... Sige magpapaalam ako... Sige bye!" Nakangiti siya habang kausap ang--kung sino man ang lalaking 'yon. Tss! Bigla yata akong nawalan ng gana kumain? "Tita, pwede po ba akong lumabas? Niyaya po ako ni Achi pero kasama po namin si Mae," paalam niya kay mom. Tumingin naman sa akin si mommy pero iniwas ko ang tingin ko. Bakit pa tumingin si mom sa akin? Hinihingi niya permiso ko, eh, sarili ko ngang asawa hindi iyon nagawa. Tss! 'Go! Sumama siya sa lalaki niya! Pwede namang kaming dalawa ang mamasyal kung gusto niya--' W-wait, what? Ano bang iniisip ko? "Okay, basta before--" "Five PM narito na!" Pagputol ni Lein sa sinasabi ni mommy, kaya napatingin ako sa kaniya. What? Before Five PM? Anong oras lang, ah? Nakakainis! Tumayo ako at iniwan sila. Nakaka-badtrip lang! Paano ba naman twelve forty-five lamg ng tanghali tapos before five siya babalik? Anong gagawin nila sa ganoong katagal? Tsk. Makatulog na lang para mawala ang inis ko. LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Nag-spray ako ng cologne bago muling sinulyapan ang sarili ko sa salamin. Naka-blue t-shirt ako at jeans lang, hindi naman halata na may asawa na ako kaya okay lang 'to. Lumabas ako ng room ko pero nagulat ako nang makita ko si tita sa labas ng kwarto ko. "Tita." "Aalis ka na?" taong niya kaya tumango ako. "Sige. Ingat ka, ihahatid ka raw ni Neil." Nakangiting saad ni tita kaya natigilan ako. Ano? Ihahatid ako ni Neil? "Po? Susunduin po nila ako--" "Sabihin mo na lang na ihahatid ka ni Neil." Nakangiting wika ni tita kaya wala na akong nagawa pa kung hindi um-oo at i-text na lang si Aldrich. Nagpaalam ulit ako at tumingin siya sa akin. "Sige na, bumaba ka na. Naroon na si Neil sa kotse niya, hinihintay ka na." Lutang akong naglalakad palabas ng bahay. Ano naman nakain ni tita at ipinahatid ako kay Neil? Si tita talaga. "Ang tagal mo. Saan kita ihahatid?" tanong niya pagsakay ko ng kotse. Tinignan ko muna siya bago sumagot. "Hindi mo naman ako kailangan iha--" "Just tell me where, Lein! That's it." Putol niya sa sinasabi ko. Hays! Badtrip na naman siya kasi inutusan na naman siya ni tita. "Sa plaza," sagot ko na lang para hindi na siya lalo pang mainis. Hindi naman kasi niya ako kailangang ihatid. "'Yan! Iyan lang sasabihin mo ang dami mo pang sinasabi," wika niya habang pinapaandar ang kotse. Hindi na lang ako umimik pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito. MARGARETTE POV Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang pagtigil ng isang pamilyar na kotse sa plaza. Nasa tapat kami ng simbahan at malapit lang ang plaza rito kaya kita ko at kilala ko kung kaninong kotse 'yon. May babaeng bumaba mula sa front seat at si Lalaine 'yon. That b***h! Bakit siya nasa kotse ng boyfriend ko? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Neil. Nakailang ring na pero hindi sinasagot kaya nag-text ako. SMS to: Honey | Hon, where are you? Why didn't you answer my calls? | Pag-send ay nakita kong umalis na ang kotse niya. Siguro inutusan na naman siya ng mommy niyang kontrabida sa aming dalawa. Message From: Honey | At house. Sorry, nakatulog ako. | What? Did he lie? No--yes! He's lying and why did he lie? May tinatago ka na ba, Neil? Hindi ako papayag na magkasundo kayo ng babaeng iyan. 'Wait, she looks familiar to me. Saan ko ba unang nakita si Lalaine?' Mabilis kong hinanap sa contacts ko ang pangalan ng private investigator namin at agad tinawagan. "Hello, Miss Margarette." "Gusto kong alamin mo ang background profiles ni Lalaine Leviste," diretsong saad ko. "Iyon lang po ba, Miss Margarette?" "Yes, Randy at bilisan mo ang trabaho mo." "Masusunod po." In-end ko na ang tawag at hindi na sumagot pa. Malalaman ko na rin kung sino ka Lalaine. . NEIL IVAN LEVISTE Narinig kong may kumatok sa pinto kaya napalingon ako roon. "Neil, pasok ako." Narinig ko ang boses ni mommy saka bumukas ang pinto at bumungad ang nakangiting mukha niya. Binaba ko ang librong binabasa ko at tumingin sa kanya. Lumapit siya at umupo sa kama ko. "Thankyou, anak. Sana lagi kayong ganoon ni Lala. Lalo na ngayon aalis kami, sa 'yo ko lang ipagkakatiwala si Lala, Neil," wika ni mommy. Actually, ihahatid ko naman talaga si Lein kahit hindi sabihin ni mommy kanina. "Yes, mom," sagot ko at napatingin ako sa cellphone ko. Three PM na pero naagaw ang atensyon ko ng isang message galing kay Margarette. "Sige na, basta aasahan ko 'yan," sabi ni mom saka lumabas ng kwarto ko. Nagtataka lang ako dahil simula noon ay walang nababanggit na parents si mommy ni Lalaine or nakekwento man lang. Nasaan kaya ang magulang niya? Hindi ko rin sila nakita sa kasal namin. Tumunog ulit ang cellphone ko. Another message from Margarette. Message from: Honey | Nagsinungaling ka! I saw you in the park. Hinatid mo yung babaeng 'yon! | | I hate you! | Pagkabasa ko ng mga message niya ay ipinatong ko na lang sa side table. Hindi ako nag-reply. Pwede ko naman iyon i-explain sa kaniya, pero hindi ngayon. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Humiga ako at pumikit, matutulog na lang muna ako. Pahinga ko na rin ito dahil bukas ay balik office na naman ako, at mamaya ko pa naman susunduin si Lalaine. LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Pauwi na kami at kasalukuyang bumabyahe na, ihinahatid niya kasi ako. Akala ko nga susunduin ako ni Neil hindi naman pala, umasa pa naman ako. Tinanggihan ko pa naman si Achi kanina, kasi sabi ko may susundo sa akin pero wala naman dumating. Sinamahan ako ni Achi na maghintay kaso wala, akala tuloy ni Achi ayaw ko lang magpasundo sa kaniya. Masyado na naman ako nag-expect kay Neil, kaya ang ending bokya na naman. Kailan kaya darating ang araw na magkukusa si Neil? O Darating pa kaya ang araw na 'yon? Baka mauna pa kami maghiwalay hindi pa rin iyon nangyayari. "We're here." Napabalik ako sa diwa ko nang marinit ang boses ni Achi. Tumigil na pala ang kotse sa tapat ng blue house namin, hindi ko man lang namalayan na nakapasok na siya ng village. Tinanggal ko muna ang seatbelt bago humarap sa kanya. Nakatitig siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko. Bigla ko na namang naalala iyong kanina. Nagtanong kasi siya kung bakit ako nasa party noong may event ang mga Sarmiento, gayong wala naman akong kakilala. Hindi ko alam kung anong isasagot, pero ngumiti lang siya at sinabing hayaan na lang daw. Doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil hindi siya naging mapilit. "Thankyou! See you tomorrow," sabi ko at mabilis na binuksan ang pinto. Hindi na ako naghintay na pagbuksan pa, well, nasanay na siguro. "Sure. Take care," sagot niya kaya tuluyan na akong bumaba. Umiikot ang kotse niya paalis, kumaway muna ako bago pumasok sa loob. "Didn't I told that I will pick you up?" Isang malamig na boses ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay. Hindi ko na iyon nilingon dahil kaya Neil ang boses na iyon. Nakatayo siya sa may living room at diretsong nakatingin sa akin, habang nakakrus ang mga braso at nakakunot ang noo. Hindi agad ako nakapagsalita kaya tinalikuran niya ako at iniwan sa living room. Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ko bago nagtungo sa kwarto. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD