Chapter 6

2743 Words
LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng gabing iyon. Hindi na ulit niya ako kinausap pagkatapos. Hindi na rin ako nakapagpaliwanag at hinayaan ko na lang siya sa kung ano ang gusto niyang isipin. Basta ang alam ko, hinintay ko siya. Iang linggo na rin na nasa New York si Tita Irish, miss ko na tuloy agad siya. Ang tahimik kasi lalo sa bahay kapag wala siya dahil hindi naman kami nag-uusap ni Neil. Ngayong araw ay sakay ako ng kotse ni Neil at ihahatid daw niya ako sa school bago siya pumasok sa opisina. Isang linggo na rin siyang ganyan, nagtataka nga ako sa kilos niya ngayon. Himala at hinatid ako nang hindi inuutos ni tita. Siguro magka-away sila ni Margarette ngayon kaya ito ganito, walang mapaglibangan kaya ako ang pinagtutuunan. Well, ganyan naman siya, nagiging sweet lang sa akin kapag war sila ni Margarette. Ginagawa akong band aid kaya ayon nahuhulog ako lalo, wala, marupok ako! Hay naku. Tumigil ang kotse sa tapat ng school kaya tinanggal ko agad ang seatbelt ko at bumaba, pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya dumungaw ako sa kanya. “Bakit, Neil? May sasabihin ka ba?” tanong ko. “Nothing. Hintayin mo ako mamaya, susunduin kita,” sambit niya. Sandali akong napatitig sa kanya at tila hindi agad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Sa isang linggo kasi ay siya ang naghahatid sa akin at si Mang Karding naman ang nagsusundo, pero ngayon ay nag-iba na naman ang ikot ng hangin. Siya na rin ang gustong sumundo sa akin? “Lalaine, narinig mo ba ang sinabi ko?” Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit siya kaya tumango na lang ako kaysa umangal pa. Mag-aaway lang kami kung tatanggihan ko siya. Binitawan niya naman ang kamay ko kaya umatras ako para makaalis siya, sinundan ko pa ng tingin ang sasakyan niya paalis bago nagpasyang maglakad papasok sa school. Agad ko rin namang natanaw si Achi kaya nilapitan ko siya. ALDRICH SARMIENTO POV Napaayos ako ng tayo nang makita ko ang pamilyar na sasakyang laging naghahatid kay Lalaine. Bumaba sa front seat si Laine at dumungaw sa loob na tila nakikipag-usap sa driver. Hindi ko naman maaninag kung sino iyong nasa driver seat dahil tinted iyon at malayo ako sa kanila, impossible naman na driver nila ’yon kasi dapat nasa back seat siya. Saka kung kausapin niya ito parang close na close sila. Baka kuya niya naman. Isang linggo na rin pati siyang ganyan. Palaging may naghahatid sa kanya at ibang sasakyan ang sumusundo. Gusto ko sanang magprisintang ihatid siya pauwe pero laging may naghihintay kaya hinahayaan ko na lang pero hindi ko maiwasan magselos sa kung sino palagi ang kasama niya. Gusto ko na si Lalaine noong nasa highschool pa lang kami, pero nang mag-first year College kami ay kinailangan pumunta namin ng family ko sa America kaya napalayo ako sa kanya, akala ko nga ay wala na akong nararamdaman sa kanya, pero mali ako, dahil ramdam na ramdam ko ang pintig ng puso ko nang gabing makita ko siyang naka-black long gown sa party namin. Ang simple lang ng ayos niya pero sobrang ganda niyang pagmasdan. Siguro, kung ice cream siya baka natunaw na siya noon sa titig ko. Nagtaka pa nga ako dahil naroon siya gayong wala siyang kakilala sa party. Mabuti na lang at nakita ko siya dahil ayaw siyang papasukin sa loob. Impossible namang kilala niya si Neil at kasama siya nito dahil may girlfriend si Neil. Pero hindi na ako nag-usisa pa dahil tapos na rin naman 'yon at talagang impossible naman iyon. “Achi.” Napapitlag ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nakita ko si Lalaine na nakakunot ang noong nakatingin sa akin, kaya ngumiti ako muna ako sa kanya. “Huy! Okay ka lang?” tanong nito sa akin. “Ah! Lalie, ikaw pala. Oo naman.” “Oo, kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang sa akin. May problema ka ba?” tanong niya kaya umiling ako. “Wala naman, may iniisip lang ako. Let's go?” sabi ko at tumango naman siya, saka kami sabay na naglakad papunta sa classroom. LALAINE FRANCISCO-LEVISTE “Okay, magkakaroon tayo ng kaunting kasiyahan para sa inyo. Let us say na mini contest 'to for cookery at i-gu-group ko kayo into five at gagawa kayo ng cake, sariling gawa, design at effort, pati lasa, dapat pasado,” wika ni ni ma'am kaya natuwa kami. This is it. Magagamit na namin ang aming skills sa pag-be-bake. Nakaka-excite. "Ipapatikim ninyo sa apat na teacher ang gawa ninyo at palalagyan ng score. Pagkatapos i-a-add ninyo iyong bawat score at i-d-divide sa four. Sa buong buwan iyon ng July at kung sino ang makakakuha ng mataas na score ay makakasama sa Palawan trip.” Masayang anunsiyo ni ma'am kaya natuwa kami at hindi mapigilan magbigay ng kanya-kanyang reaksyon. “Woah!” “Wow!” “Totoo po, ma'am?” “Yes, Principal ang may kagustuhan nito as advace gift sa inyo, since next year ay ga-graduate na kayo. At syempre mayroon din ang ibang department at course, at may iba silang destinsyon. Itong trip to Palawan ay sa buong Cookery course lang. Hinati kayo sa tatlong batch room 'di ba? Iyong ibang magiging ka-group ninyo ay doon manggagaling..." Tumigil si Ma'am Camuz at ngumiti. “Nauna lang kayo pero bukas or next week magsisimula na rin ang iba. Sabay-sabay pero iba-ibang trip, marami rin kasing upcoming event by the month of August.” Nakangiting paliwanag ni ma’am kaya napangiti rin kami. Napatalon at napasigaw pa iyong iba sa sobrang tuwa. “Ma'am, may babayaran pa po ba kami?” tanong ng isang kaklase namin kaya nagtawanan kami dahil abvious naman ang sagot sa tanong niya. “Of course, mayroon pa rin. Mahirap naman kung sasagutin lahat ng principal ang gatusin,” natatawang sabi ni ma’am. “Update ko na lang kayo tungkol diyan kapag tapos na kayo sa contest,” dagdag niya. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa amin. Nakaalis na si Ma'am Camuz pero hindi parin kami maka-move on sa balitang iyon. NEIL IVAN LEVISTE Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko. I want to text my wife, but, damn! I don't have her number. Napabuntonghininga na lang ako habang nananatili ang titig sa cellphone. Ngayon ko lang na-realize na wala itong kwenta dahil hindi ko naman magamit sa kanya. Tumayo ako at dinampot ang cellphone ko. Susunduin ko na lang siya para hindi na ako mag-isip sa pagte-text na 'yon. Nasa office kasi ako ngayon at may mga ilang pinirmahan lang at tapos na kaya aalis na ako. Ang boring dito, naiinip lang ako maghintay ng oras. Pero nagawi ang tingin ko sa isang papel na nasa ibabaw ng mesa. Isa iyong titulo ng lupa kung saan nakatayo ang restaurant na balak ko ibigay kay Margarette, pero pinag-iisipan ko pa kung itutuloy ko ba iyon. Dahil mas bagay ’to kay Lalaein dahil nasa pagluluto ang course niya, kaya alam kong kaya niya itong i-manage. Isa pa, hindi ko alam kung gusto ba ito ni Margarette dahil mas gusto lang niyang mag-shopping. Pero, bigla ako napatigil sa iniisip ko. “What's wrong with me?” tanong ko sa sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit si Lalaine ang iniisip ko ngayon? Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Margarette napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero mababakas sa mukha nito ang galit. “What are you doing here?” tanong ko. Lumapit siya at hinampas ang mesa ko. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko iyon ipinahalata. “Seriously, Neil? Isang Linggo mo akong 'di pinapansin, ni hindi ka nagre-reply sa mga text ko at hindi sinasagot ang tawag ko, pagkatapos ganito lang ang ibubungad mo sa akin? Really, Neil?” tanong niya. Pero imbes na suyuin siya at kausapin ng mahinahon ay bumangon ang galit ko sa kanya nang maalala ko ang ginawa niya. “What do you want me to do, then? Suyuin ka? Lambingin ka? Hell, Margarette! Hindi lang kita na-reply-an noong isang linggo nakipahalikan ka na agad sa iba?” sigaw ko sa kanya. “Ganito ba ang gusto mo? Sa ’yo lagi papabor ang lahat? Pwes, hindi ganoon ang relasyon na gusto ko!” dagdag ko kaya bigla siyang tumahimik. Noong lunes ng gabi ay may ni-send sa akin si Ron na picture na nasa bar, it's Margarette who's in the picture kissing some other guy. Sa sobrang galit ko hindi ko sinagot ang mga text at tawag niya. Kaya mas pinagtuunan ko ng pansin si Lalaine. “B-because you're lying! I saw you on the plaza, you are with that girl again! And when I ask you, sabi mo nasa bahay ka!” sigaw niya pabalik. Gusto kong tumawa sa sinabi niya. It’s that enough reason to kiss other guy, just because I lied? “Ang babaw naman ng dahilan mo, Marg! Maraming beses ko nang sinabi sa 'yo, wala iyon! Sinusunod ko lang ang gusto ni mommy, hindi mo ba maintindihan’yon?" tanong ko. “Thats not it, pero you're still lying. Pwede mo naman sabihin sa akin ang totoo,” wika niya. Bumaba na rin ang boses niya pero umiling ako. “Hindi pa rin tama ang ginawa mo. Ginawa ko lang ’yon kasi ayokong mag-isip ka ng iba kaya nagsinungaling ako. Ayokong pag-awayan natin iyon kasi wala lang talaga ’yon. Pero what did you do? Pumunta sa bar, uminom at humalik ng ibang lalaki? Sarili mo lang ang iniisip mo. You cheated. Now, leave!” sagot ko sa kanya at itinuro pa ang pintuan. “Ang unfair mo, Neil! Mas malala ka nga sa akin. Kasama mo ang babaeng iyon sa iisang bahay, pero nakarinig ka ba sa akin? Girlfriend mo ako pero may asawa ka pa? Nauna ako pero bakit may pangalawa?” tanong niya na lalo kong kinainis. “Magkaiba 'yon! Si mommy lang ang may gusto no'n at hindi ko hinahalikan si Lalaine behind your back, like what you did. Now, leave!” sagot ko at muling itinuro ang pintuan. “I can't believed you!” sigaw pa nito bago siya padabog na naglakad palabas at isinarado ang pinto. Napabuntonghininga ako at tinawagan si Ron. Ang kaibigan ko. “Hey, bud, what's up?” sagot niya. “Saan ka? Punta tayo sa bar mo,” saad ko. Gusto kong magpalamig muna ng ulo kahit ngayon lang. “Why? Something happened?” tanong nito. “I don't know, Ron. I just want to relax. Pakiramdam ko, nasasakal ako,” sagot ko at muling bumuntonghininga. “Ang lalim no’n. Sige, sa Raza's bar na lang tayo magkita,” sagot niya. Hindi na ako sumagot pa at pinatay na lang ang tawag. Napabuntonghininga na lang ulit ako. Hindi ko kayang tanggapin ang sagot ni Margarette. Niloko niya ako tapos siya pa ang may ganang magalit at magmaktol— Bigla akong natigilan sa naisip ko. Masakit pala ang maloko, kaya naisip ko kung ganito rin ba ang nararamdaman ni Lalaine. Sa tuwing nakikita niya kami ni Margarette. T-teka, ano ba itong iniisip ko. Malabo namang mangyari iyon dahil hindi ako mahal ni Lalaine. Magkaiba kami ng sitwasyon. Tss. Umiling-iling ako at nagpasyang tumawag muna sa bahay bago umalis. Dahil baka maghintay si Lalaine sa akin, sinabi ko pa naman na ako ang susundo sa kanya. “Hello po, Manang Lydia?” “Oh, Neil? Hijo, bakit?” “Pasuyo naman po, manang, pakisabi kay Mang Karding, kisundo si Lein sa school dahil hindi ko po siya masusundo. Baka po kasi maghintay. Salamat po,” sabi ko. “Sige, anak,” sagot niya. Pinatay ko na agad ang tawag. Dahil ayokong magtanong pa si manang sa akin sapagkat hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nag-park ako ng kotse sa parking lot ng raza's bar. Bumaba ako at naglakad ako papasok sa loob. Pagpasok ko, bumungad agad sa akin ang maingay na tugtugan. Mabilis kong natanaw si Ron na kumakaway kaya lumakad ako palapit sa kanya. “Problema mo, dude? Ang lalim ng buntonghininga mo kanina,” tanong niya at umiling lang ako. Nandito kami sa second floor kung saan hindi maingay dahil may nakapalibot na glass wall kaya nakakapag-usap kami ng ayos. “Wala,” sagot ko at kumuha ng beer pagkatapos ay nilagok iyon. Ngumisi siya sa akin at alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Sino ba? Asawa mo o si Marg?” tanong ulit niya saka humalakhak. Umiling lang ako sa sinabi niya. “Hulaan ko, si Marg 'no? Impossible naman na si Lalaine 'yan kasi hindi mo naman 'yon mahal,” saad niya pero hindi ako sumagot at lumagok lang ulit ng alak. Pero napaisip din ako sa sinabi niya. Ganoon ba kahalatang ayaw ko kay Lalaine? “Neil, alam ko na si Margarette ang girlfriend mo at hindi ko rin alam kung bakit kayo nag-away pero payo ko lang. Sana hindi ka magsisi sa huli kapag nawala na sa iyo si Lalaine. Alam kong arrange marriage lang ang nangyari sa inyo pero ni minsan ba hindi nagbago ang nararamdan mo para sa asawa mo? Baka kasi nalilito ka lang ngayon kaya sana hindi mo pagsisihan sa huli ang mga desisyon mo,” sabi niya at tinapik ang balikat ko. Ako magsisi? Malabo 'yon! Si Margarette ang mahal ko. Malabong-malabo. Si Margarette ang mahal ko. Galit lang ako ngayon sa kanya pero siya pa rin ang hahanapin ko. Sa isip ko lang iyon at hindi na ako umimik sa sinabi ni Ron. Inubos ko na lang ang alak na nasa bote at muling kumuha ng isa. LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Eleven-forty five na pero wala pa rin si Neil. Hinintay ko siya kanina dahil sabi niya susunduin niya ako, pero nagulat ako na si Mang Karding ang dumating para sumundo sa akin. Ang sinabi lang niya ay tumawag daw si Neil sa bahay at ipinasundo ako sa kanya iyon lang. Walang sinabi kung saan pupunta o kung ano ang gagawin. Tumango na lang ako at wala ng nagawa pa, siguro ay magkasama sila ni Margarette kaya hindi ako nasundo. Pero ngayon ay bakit wala pa rin siya? Hindi naman siya ganitong oras kung umuwi, ah. Masyado ba siyang napasarap kay Margarette? Kaya baka naman kay Margarette siya natulog kasi wala rito sila tito at tita, siguro nga totoo ang iniisip ko na roon siya kay Margarette mag-s-stay. Hays! Mula sa garden sa labas ay tumayo ako para pumasok na sa loob nang may marinig akong tunog ng sasakyan kaya napalingon ako. Naglakad ako palapit para alamin kung sino iyon. Nakita ko ang maroon na kotse'ng pumarada sa tapat ng gate. Mas lumapit ako at binuksan ang gate. Nakita ko si Ron iyong kaibigan ni Neil na bumaba ng driver seat ay umikot sa front seat saka may inalalayan palabas. Si Neil. Lasing na lasing. Tila nabura ang mga iniisip ko tungkol sa kanya kanina pero nagtaka ako kung bakit uminom siya ngayon. “Syaan myo ko uuwi.” Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. “Dito na tayo sa bahay ninyo,” sagot ni Ron habang inaalalayan papasok si Neil. Sinalubong ko agad sila. “Dalhin natin siya sa kwarto,” wika ko at nauna sa loob para ituro ang kwarto ni Neil. Pumunta sila roon at sumunod agad ako. Agad itong ihiniga ni Ron sa kama. Tumingin ako kay Ron at maikling ngumiti. “Sige. Ako na bahala sa kanya. Salamat sa paghatid, Ron,” sambit ko. “Wala iyon, Lalaine. Sige, una na rin ako, pakuha ninyo na lang kotse niya sa raza's bar,” sabi niya at tinapik ako sa balikat. Tumango lang ako at sinundan siya sa paglabas. Inihatid ko siya hanggang sa gate at nang makaalis siya ay bumalik ako sa kwarto saka ko tinignan si Neil. Sabi na, eh. War sila ni Margarette. Napailing na lang ako at tinalikuran siya para bumaba at kumuha ng towel saka maligamgam na tubig. Bumalik ako sa kwarto niya at tinanggalan siya ng sapatos. Inalis ko rin ang coat at panloob niya para kahit papaano ay maginhawaan siya. Sandali pa akong napatitig sa katawan niya pero agad din akong umiling at pinunasan na lang siya sa mukha, leeg at braso. Tatlong beses kong ginawa 'yon bago tumigil. Tatayo na sana ako para kumuha ng sando niya nang hilahin niya ang kamay ko pahiga sa tabi niya saka ako masuyong hinalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD