LALAINE FRANCISCO "Hindi pa ako makakabalik ng Laguna, dahil kakailanganin ko pang i-meet ulit si Neil." "Ganoon ba. Ako naman baka sa isang araw pa dahil may meeting pa kami sa Tee-L. Ako na lang siguro ang magsasabay kay Lally, ganoong pareho pala tayong hindi agad makakabalik." Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Bumangon ako ngunit agad akong napahawak sa ulo ko nang kumirot ito. "Lally, are you okay?" Naramdaman ko agad sa tabi ko si Jaya kaya tumingin ako sa kaniya. "Yes, headache lang," sagot ko at ngumiti. Napabaling ang tingin ko kay Jared na seryosong nakatingin sa akin. "Good morning, Lally," seryoso niyang saad kaya naiilang akong bumati pabalik. "G-good morning din. Tootbrush lang ako," wika ko at kumaripas takbo sa bathroom. Nang makapasok ako

