LALAINE FRANCISCO Natigilan siya nang mapatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. "Harold..." sambit ko. Mula sa pagkagulat ay unti-unti siyang ngumiti sa akin. "Ikaw nga! Pero ano ang ginagawa mo rito sa Pila, Laguna? Bakit bigla ka na lang nawala at hindi na pumasok?" tanong niya pero hindi ako umimik. Gusto ko lang malaman kung bakit siya narito? Paano niya nalaman na narito ako? "Bakit ka narito?" imbes ay tanong ko. Napansin kong natigilan siya at naglaho ang ngiti niya na tila nailang sa akin. "Ah, ano… pupuntahan ko lang si Jaya. Nandito ba siya? Siya kasi ang nakuhang designer ni Ate Richelle, ang soon-to-be-wife ni Kuya Harry. At ako 'yong pinapunta nila rito para tingnan 'yong gown at kunan ng picture para i-send sa kanila," saad niya. Mukhang iba an

