LALAINE FRANCISCO HINDI rin nagtagal si Harold at umalis na rin pagkatapos nila mag-usap ni Jaya. Dinala na rin nito ang gown dahil pinakuha na rin ng ate nito. Hindi na siya nakapagpaalam sa akin dahil nang lumabas ako roon ay wala na siya. Wala rin si Jaya kaya naisip ko magpunta sa garden upang magpahangin. Doon ako nagpalipas ng oras. Nang sumapit ang gabi, dumating si Jaya na saktong katatapos lang ni manang magluto kaya niyaya na niya ako kumain. "Magkakilala pala kayo ni Harold..." wika ni Jaya nang nasa gitna kami ng hapag. Kami lang kumakain dahil wala pa sina tito at tita. Tumango lang ako habang patuloy sa pagkain. "At kilala niya ba si Neil?" dagdag niya. Tumigil ako saglit at uminom ng tubig bago siya tinignan upang sagutin. "Siguro oo o hindi? Hindi naman namin ka-bat

