LALAINE FRANCISCO LEVISTE "N-neil, anong ginagawa mo?" tanong ko. Tumigil kami sa gilid ng kotse niya. Tinitigan ko siya at hinintay ang sagot niya habang pilit inaalis ang kamay niya, pero ayaw niya akong bitawan. Mahigpit hawak niya pero naman ako nasasaktan. "B-bakit ka narito at ano 'tong ginagawa mo?" tanong ko. "Bakit, bawal ba akong pumunta rito? At masama bang sunduin ang asawa ko?" tanong niya. Pakiramdam ko ay nabingi yata ako at hindi naintindihan ang sinabi niya. "Ha?" O nagkukunwari lang akong hindi iyon naintindihan dahil ayokong tanggapin. Umiiwas na ako at kung magpapatalo ako ngayon ay magiging balewala ang pag-iwas na ginawa ko. Pero hindi ko rin maitatangging gusto ko pa rin marinig iyon. Gustong-gusto ko. "Date tayo?" tanong niya at mas hinila ako palapit.

