LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Kinabukasan ay hindi pa man ako nakakamulat ng mga mata nang mabilis akong mapatakbo papuntang bathroom dahil naramdaman kong parang bumaliktad na naman ang sikmura ko. Naduduwal ako pero wala naman. Ano kayang nangyayari sa akin? Ilang araw na akong ganito. Tumayo ako at tumingin sa salamin saka naghilamos bago lumabas. Halos gapangin ko na ang pagpunta sa kama ko para lang makatulog ulit. "Anong oras lang ba at parang tinatamad yata ako pumasok?" Nakahiga ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. It's Five in the morning. Bakit ganito? Bakit tinatamad na naman ako? Napapansin ko rin na parang lagi akong antok. Ano ba nangyayari sa akin? Inaantok pa rin ako kahit maaga na ako natulog kagabi. Siguro ay matutulog na lang muna ulit ako, mamaya pa naman ang paso

