HALIK

1475 Words

THE CEO’S CONFIDENTIAL LOVER (Sensational Romance Novel: Joemar Ancheta)   Chapter 51   Aatras sana si Ricci ngunit wala ng space pa. Nang lumapat ang katawan ni Adam sa kanya habang titig na titig ito sa kanyang mukha ay hindi na siya makatanggi pa. Hinila nito ang kanyang baywang at sa isang iglap naramdaman niya ang malambot na labi ni Adam sa kanyang labi. Dalang-dala na siya. Lumaban na rin siya sa halik nito. Pakiramdam niya, walang mali. May kung anong hindi niya maipaliwanag na kalakip ang halik na iyon ni Adam. Dinadala siya sa kawalan. Nakakalimutan niya ang lahat-lahat. Si Adam man ay sadyang kinasabikan niya ang malambot na labi ni Ricci. Ang hininga nitong parang bumubo sa kanyang pagtitiwala. Ang kakaibang halik nito na parang nagpapabago sa pananaw niya sa pagmamahal.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD