CHAPTER 50 Kinahapunan, pagpasok ni Ricci sa trabaho ay naulinigan niyang may kausap sa telepono si Ringgo. Hinintay na muna niyang matapos ang pakikipag-usap niya bago niya ipasok ang mga documents na kailangan nitong pirmahan. Nang tahimik na ang opisina ay pumasok siya dala ang mga documents na nasa folder. "Good afternoon po." Magalang niyang pagbati. Gusto niyang iparamdam kay Ringgo na wala na sa kanya ang nangyari noong gabi ng Sabado. Ayaw niyang ipahalatang may alam din siya sa lihim na panliligaw niya kay Britney ngayon. Kailangan niyang maging propesyonal sa trabaho. "How was your weekend? Hindi mo man lang ako naisip na i-text o tawagan?" casual na tanong ni Ringgo. "Kasama ko kasi ang pamilya ko kahapon. Saka natatakot akong baka galit ka pa rin sa akin kaya di na muna kit

