CHAPTER 65 Hinila ni Ricci ang palad niya. Umalis siyang hindi na niya nilingon pa si Adam. Kailangan niyang manindigan. Humahagulgol siya nang makasakay na siya sa kotse ni Sackey na kanina pa naghihintay. "Tubig oh!" binuksan niya ang bote ng mineral water at inabot niya kay Ricci. "Baka atakehin ka ha! Hinay-hinay lang tol, baka maibuga mo ang puso mo sa tindi ng hagulgol mo," biro ni Sackey. "Tumigil ka nga! Nalulungkot na nga tao eh! Hirap kayang iwan ang isang taong alam mong ikaw lang ang isa sa gusto niyang kapitan." "Alam mo pala eh. Bakit mo pa ginawa?" "Kung hindi ko gagawin, paano kami aangat ng mga kapatid ko na wala akong ibang iintindihin ngayon kundi sila at ang sarili ko. Mas kailangan nila ako tol. Ayaw ko nang sisihin pa ang sarili ko na nagpabaya ako dahil lang sa

