CHAPTER 66 Umaayon na kay Ringgo ang lahat ng pagkakataon. Mailalabas din niya si Adam sa kulungan kung kailan huli na rin ang lahat. Paglalaruan niya muna ang buhay nito. Magtitiis sandali sa loob at paglabas niya mas marami pa siyang madadatnang hindi niya inaasahan. "Konting tiis pa sa loob Adam, hihingi ka din sa akin ng awa. Muli mong sasabihin sa akin ang salitang please kung kailan walang-wala ka na!" nakangisi siya habang binibulong iyon sa kanyang sarili. Dumaan pa ang ilang buwan. Dahil sa dami nilang naghihintay na matapos na ang kaso ay para silang sardinas sa loob ng kanilang mga selda. Pakiramdam niya nasintensiyahan na rin siya sa tagal ng inilagi niya sa loob. Nababagot na siya. Sobrang hirap na ang kanyang pinagdadaanan. Ang higaan, ang pagkain, ang kanilang paliguan at

