"Teka anong gagawin ninyo sa akin. Sophia anong kabaliwan 'to?!" malakas kong sigaw at hindi ko naiwasang hindi maalarma nang balak nilang hubadin ang aking damit. Anong kalaswaang balak nilang gawin sa akin?! Kapag ako nakawala dito hindi na ako magdadalawang isip na saktan siya. Ang akala ko ba maayos na kami pero bakit niya ito ginagawa sa akin? Ano bang nagawa kong kasalan sa kanya? Dahil lang ba sa natapos na ang pag papakasal nila ni Zephyr ay gaganituhin niya ako. Nag paraya na nga ako eh pero bakit ginagawa niya ito sa akin? "Hayy! Huwag ka ngang magalaw! Hindi nila masuot sayo nang maayos ang gown!" sigaw niya na aking ikinatahimik. Gown? At bakit naman niya ako pasusuotin ng gown, huh? Nababaliw na ba siya?! "Ano bang pinagsasabi niyo at bakit mo naman ako pasusuotin ng gown?!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


