Chapter 32

2133 Words

"Ate! Ate! Gising na po!" Rinig kong boses ni Zuri. "Hmm..." Kinuha ko ang isang unan at itinakip ito sa aking tenga. Ang aga pa kaya pero ang batang 'to nambubulabog na. "Sige na po ate! Gumangon ka na diyan!" Tinanggal niya ang unan na pinangtakip ko sa buo kong mukha. Namumungay naman ang aking mga mata na tumingin sa kanyang mukha na ang lawak ng ngiti. "Zuri maaga pa. Kailangan pang matulog ni ate," sabi ko tsaka ipinikit muli ang aking mga mata. Naaantok pa talaga ako kaya gusto ko pang matulog ng mahaba. "Pero ate pinapatawag ka na po sa ibaba. Marami nga pong pagkaing nakahanda sa dining eh," sambit niya na siyang ikinakunot ng aking noo. Meron na naman bang okasyon kaya sila nag handa. Pinilit ko naman ang aking katawan na bumangon. Isang linggo na ang nakakalipas at heto ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD