Chapter 11

1735 Words
Nang matapos na ako sa pagligo ay bumaba na ako upang pumunta sa labas. Napatingin ako sa suot kong relo at malapit na pala mag-start. Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa direksiyon ni Zephyr na nakaupo. Nakatingin ito sa malayo na para bang ang lalim ng kaniyang iniisip. Huminga ako ng malalim at pinag-iisipan kung lalapitan ko na ba siya. Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya nang mag salita na si Tito. "Maligayang araw sa ating lahat. Matagal na simula nang hindi tayo nagkakaroon ng malaking salo-salo. Dahil sa sipag at tiyaga nating lahat ay naging maganda ang bunga nito sa atin. Kasama rin sa ating pagdiriwang ang pagbabalik ng aking itinuturing kong tunay na anak, si Esmae. Maligayang pagbabalik aking anak." Tumingin sa akin si Tito at napangiti ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ang mga tao sa akin at nagpalakpakan. "Anak, Esmae maaari ka bang pumarito sa aking tabi," sabi niya. Lumapit naman ako sa kaniya. Patuloy pa rin sa pagpalakpak ang mga tao. Para tuloy akong may kaarawan ngayong araw na ito. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin kay Zephyr na nakatingin rin sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Blanko lamang ang mukha niya at walng kahit na emosyon ang makikita sa kaniya. Napaiwas na ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang paraan ng kaniyang pagtingin sa akin. "Maaari na tayong kumain lahat," sabi ni Tito. Tumayo naman ang mga tao at kumuha na ng kanilang makakain. Naglakad na ako papunta sa isang upuan na hindi nalalayo sa pwesto ni Zephyr. Nakikita ko pa rin sa aking side view na nasa akin parin ang kaniyang tingin. Oh my...para akong matutunaw dahil sa ginagawa niya. Paano ko na siya lalapitan nito? Napatingala naman ako nang may tao sa aking harapan. Siya na naman. Hindi ba ako titigilan ng babaeng ito. Talagang gusto niyang makatikim ng pinaka malakas kong sampal, noh? "I'm not here para makipag-away sayo. Ito peace offering ko 'yan sayo." May inilapag siyang dalawang plate. Nang-aasar ba siya? Akala ba nito matakaw ako at dalawang plate ang ibinigay niya sa akin? "Tanggapin mo na. Ang isang plate ay sayo at pakibigay na rin kay Zephyr ang isa," sabi niya. Ano? Bakit hindi na lang siya ang magbigay? Ang sabi niya may gusto siya kay Zephyr at bakit ako ang inuutusan niyang magbibigay nito? Akala ko ba pinapalayo niya ako kay Zephyr. May topak ba ang babaeng ito? "Hindi mo ako utusan kaya ikaw na lang ang magbigay niyan sa kaniya," angal ko. "I'm sorry for what I did to you earlier. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya sana mapatawad mo ako. Please, pakibigay sana ito sa kaniya. I realize kasi na mali na ipilit ko ang sarili ko sa lalakeng hindi ako mahal. I want you to give that to him at sabihin mo rin na ikaw ang nagbigay at hindi ako. For the last time, gusto kong tanggapin na niya ang bigay ko sa kaniya," paliwanag niya. Nag-isip na muna ako. Dahil gusto ko rin din namang lapitan si Zephyr why not na tanggapin ko ang kahilingan niya. Napatango ako na siyang ikinangiti niya. "Thank you. Thank you talaga. Oh by the way I'm Sophia. Paano mauuna na ako, bye-bye." Napatango naman ako sa kaniya. Nang makalayo na siya sa akin ay huminga ako ng malalim tsaka tumingin sa pwesto ni Zephyr. May kausap pa itong lalake kaya hihintayin ko pang matapos sila sa kanilang pag-uusap. Nang makaalis na ang kausap ni Zephyr ay hinawakan ko na ang dalawang plate at tumayo. "Esmae, kaya mo 'to," bulong ko sa aking sarili. Naglakad na ako sa papalapit sa kaniya. Huminto ako sa tapat niya na siyang ikinalingon niya sa akin. Napingiti naman ako sa kaniya pero hindi pa rin nagbabago ang seryoso nitong mukha. Parang mas gusto ko pa ang dating mayabang na Zephyr. Wait...did I say gusto ko? "What are you doing here?" seryoso ang mukha niyang tanong sa akin. "Ah...ano...gu—gusto ko lang humingi ng apology for what I did to you," pautal-utal kong sabi. Ngayon hindi na ako comfortable na kausapin siya. "Sinabi mong lumayo ako sayo. Bakit nandito ka? Umalis ka na lang," pagtataboy niya sa akin. Sobra ko ba siyang nasaktan? Siyempre naman, Esmae. Sino ba naman ang hindi masasaktan pagkatapos na magtapat ng feelings at tatakbuhan mo lang. Ang sama ko naman. Inilapag ko sa kaniya ang isang plate na may lamang pagkain at umupo sa katapat niyang upuan. "Huwag mo naman akong ipagtabuyan. Nilakasan ko na nga ang loob kong lapitan ka para humingi ng paumanhin, eh," sabi ko sa kaniya. Pero heto na naman siya sa kaniyang tingin sa akin. "Hu—huwag mo nga akong tingnan ng ganyan." Umiwas ako ng tingin dahil para akong hinihigob ng kaniyang mga mata. "Don’t force yourself to like me like I do. I understand," sabi niya. Napatingin ako sa kaniya. Suko na agad siya? Napabuntong hininga ako. "Nandito ako hindi lang dahil sa gusto kong humingi ng sorry. Gusto ko ring sabihin na hindi ko pipigilan ang kung ano man ang nararamdaman mo sa akin." Napakunot ang kaniyang noo. "What do you mean?" "Pinapayagan kitang manligaw sa akin," sagot ko. Mukha naman siyang nagulat dahil sa sinabi ko. "Ano?" "Ayaw mo ba? Sige babawiin—" "Seryoso ka ba diyan?" "Oo nga. Do you think na nagsisinungaling ako?" sabi ko. Para namang lumiwanag ang mukha niya matapos kong sabihin iyun sa kaniya. "Pero hindi ko mapapangakong—" "Nope, I will make sure and I will do everything to make you fall for me too." Para naman akong namula dahil sa sinabi niya. Teka kinikilig ba ako? Hindi pa nag-uumpisa ang panliligaw niya sa akin pero parang nahuhuli na niya ako. "Kumain na nga lang tayo. Nagugutom na ako," sabi ko tsaka sumubo ng pagkain. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Hindi ko yata kakayanin ang titigan siya ng matagal. Isama pa ang nakakamatay niyang ngiti. Ginalaw na din niya ang pagkain at kumain. "Ano ang nakapagbago ng isip mo?" tanong niya. "Hmm...baka kasi kapag hindi na kita kinausap baka ikabaliw mo pa," biro ko. "Yeah, ikababaliw ko nga kapag hindi kita nakausap o makita man lang," sabi niya na siyang ikinatahimik ko. "Natahimik—*cough*" Natataka akong tumingin sa kaniya nang umubo siya at napahawak sa kaniyang leeg. Teka anong nangyayari sa kaniya? Bakit siya namumutla? "Damn it." Nahihirapan ba siyang huminga? Nataranta na ako. "Ze—Zephyr anong nangyayari sayo?" "The food," nahihirapan niyang sabi. Ang pagkain? "Anong meron sa pagkain?" Hindi na ako mapakali dahil sa nakikita kong nahihirapan na siya. Hanggang sa may ma realize ako. "May allergy ka ba sa pagkain?!" napalakas kong sabi. "Shrimp," tipid niyang sabi. Dali-dali ko naman akong sumubo muli ng pagkain. Sa una ay hindi ko pa malasaan ang shrimp pero ng huli ay doon na ako kinabahan at tumingin sa kaniya. Namumula na ang kaniyang leeg. s**t. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nanginginig ang kamay kong hinawakan siya. "Esmae, anong nangyayari?" Napatingin ako kay Tita at pansin ko na nasa amin na nakatingin ang mga tao. "Tita kailangan niya ng tulong! He has an allergy to shrimp," nanginginig ang boses kong sabi. "Jusko po. Tulungan niyo kaming buhatin si Zephyr para madala siya sa loob. Bilis!" tukoy niya sa mga tao. May lumapit sa aming dalawang lalake. Tumabi naman ako at mabilis nilang binuhat si Zephyr papasok sa loob. May hawak na ring cellphone si Tito at may tinatawagan. Si tita naman ay sumunod na sa loob. "Esmae." Napalingon ako kay Samantha. "Samantha, kailangang sa hospital na siya dalhin," natataranta kong sabi. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako. "Huminahon ka. Tiniwagan na ni Daddy ang doctor niya at mayaya nandito na siya." "Ano? Maghihintay pa siya?" "No, may paunang lunas siya sa loob. Kaya halika na." Nauna na siyang pumunta sa loob at ako ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nanghihina ang aking mga tuhod na pumasok sa loob. Hinanap ko kung saan nila dinala si Zephyr at hindi naman ako nahirapan. Naabutan ko sila sa labas ng kuwarto na halatang kinakabahan. Nasa loob na siguro ang tinutukoy na doctor ni Zephyr. Sana maging maayos siya. "Nasaan niya nakuha ang pagkaing iyun, Mom?" "Hindi ko alam. Alam nating may allergy siya sa hipon kaya hindi ko na dinagdag iyun sa handa." Rinig kong pag-uusap nila. Napalingon naman sila sa akin. "Esmae ikaw ang kasama ni Zephyr kanina. Saan niya nakuha ang pagkaing iyun? May alam ka ba?" tanong ni tita sa akin. Napalunok naman ako. "A—ako po ang nagbigay sa kaniya," sagot ko. "Ano?!" "Pero tita ibinigay lang din sa akin iyun ng isang babae na hindi ko alam kung anong pangalan niya. Ang sabi niya i—ibigay ko daw iyun kay Zephyr pero hindi ko alam na may allergy siya sa hipon, sorry po talaga," paghihingi ko ng patawad. "Tama na, hindi mo kasalan ang nagyari. Sino ba ang tinutukoy mong babae?" sabi ni Samantha. Hindi naman ako nakasagot. "Okay, nang masigurado nating okay na si Zephyr tsaka nating hahanapin ang babae na gumawa nito sa kaniya," sabi niyang muli. Naghintay pa kami sa labas ng kuwarto hanggang sa lumabas na ang doctor at sinabing maayos na na si Zephyr at kailangang na lang niyang magpahinga. Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyun mula sa doctor. Pumasok naman na sina Tita, Tito at Samantha sa loob. Sumunod naman na ako sa kanila. Nakita kong nakahiga siya sa kama at walang malay. Grabe ang kabang naramdaman ko nang makita siyang nahihirapan. Hindi ko yata kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Paano na lang kung marami siyang nakaing hipon? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil ako ang nagbigay sa kaniya ng pagkain pero mas lalong hindi ko mapapatawad ang babaeng may pakana nito. Akala mo kung sinong mabait kanina pero lahat ng iyun isang kasinungalingan lamang dahil ang totoo ay may balak na pala siyang masama. Kung may gusto siya kay Zephyr paano niya nagawang gawin iyun sa kaniya. Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin kung hindi masasampal ko natalaga siya at baka hindi lang sampal ang magawa ko. "Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Samantha. "Sa labas, may hahapin lang ako," sagot ko. "Gusto mo samahan kita." "No need, kakayanin ko nang mag-isa ito," sabi ko bago lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD