Chapter 12

1724 Words
Pagkalabas ko ay ang baabeng iyun ang agad kong hinanap. Pumunta ako sa pinagganapan ng salo-salo kanina. May roon pa ring mga tao pero naglilinis at nagliligpit na sila ng gamit. Palinga-linga ako sa paligid pero bigo akong mahanap siya. Pagkatapos ng masamang ginawa niya ay magtatago siya. Hindi yata tama iyun. Hindi ako makakapayag na hindi ko siya mahanap ngayon. Talagang sinusubukan ako ng bababeng iyun. Kailangan niyang managot sa ginawa niya. Umalis na ako at naghanap sa ibang lugar. Balak ko na sanang bumalik na lang ngunit may naulinagan akong pamilyar na boses. Dahan-dahan laman akong naglakad kung saaan nanggagaling ang boses. Nang makita ko kung sino siya ay kumulo agad ang dugo ko. Hindi nga ako nagkakamali ng hinala. May kausap pa siya sa cellphone nito. "Yeah, ang stupid nga ng babaeng iyun. Napaka dali naman pala niyang utuhin. By the way thanks sa pagluto mo ng shrimp food." Rinig kong sabi niya. Siya lahat talaga ang may pakana. Huminto ako sa likod niya. "Kapatid ka ba ni satanas at ganyan kasama ang ugali mo, ha?" sabi ko na siyang ikinalingon niya. Para naman siyang nagulat nang ako ay makita niya pero hindi nagtagal ay sarkastiko niya akong nginitian. "It's nice meeting you again," sabi niya. Tiningnan ko lang siya ng seryoso. Kung umarte siya parang wala siyang nagawa. Nang dahil sa kaniya muntikan ng mapahamak si Zephyr. "Well it's bad to see you again," sumbat ko sa kaniya na siyang ikinataas ng kaniyang kilay. "Dou you really think nang dahil sa ginawa mo magiging masaya ka. Alam mo punong-puno na ako sayong babaeng demonyita ka," nagtitimpi ko pa ring sabi. "What did you say?" "Kahit hindi ako ang napahamak sa kagagawan mo. Nais ko pa ring ako maghiganti para sa kaniya." Naglakad ako papalapit sa kaniya na siyang ikinaatras niya. Iba ako kung magalit sa mga taong alam ko na may sungay. "A—anong gagawin mo?" nauutal niyang sabi. Simple lang naman ang gusto kong gawin sa kaniya. "Hulaan mo," nakangisi kong sabi. Halata naman sa mukha niya na kinakabahan siya. Oh, nasaan na ang tapang niya. Bigla na lang yatang naglaho. Lumapit lang ako nang lumapit sa kaniya. "I warned you. if you plan to kill me I will make sure you rot in jail!" sigaw niya habang patuloy siyang umaatras. Lalo akong nasisiyahan dahil sa nakikitakong takot sa kaniya. Ang ganda naman takutin ng babaeng ito. Akala ba nito papatayin ko siya pero sige lalaruin ko na muna siya. "Magagawa mo pa kaya akong isumbong sa pulis kung nasiguro kong patay ka na," sabi ko. Prfft...kaunti na lang ay matatawa na ako. Napatingin-tingin siya sa paligid at balak na sana niyang tumakbo nang bigla siyang mapatid at mapaupo. Ang mas nakakatuwa pa ay naupo siya sa dumi yata ng isang hayop. Napatingin siya dito at halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita kung ano iyun. "No no no it can't be happen! Oh my G! Yuck!" maarte niyang pagsisigaw. Karma niya 'yan. Lumapit ako sa kaniya na siyang ikinahinto niya sa pagsisigaw. Tumingala siya sa akin. "Ano masaya ka na, ha! Nakahiganti ka na!" "Hindi pa, kulang pa nga." Inilabas ko ang kanina ko pang hawak na isang supot na may laman. "What's that?" Ibinuhos ko sa kaniya ang laman ng supot. Ito iyung binigay niyang pagkain na may halong hipon. Kinuha ko ito kanina lang. Nagsusumigaw naman siya. "Ipapaalala ko sayo, mali ka ng binangga at kung balak mo pa kaming guluhin ulit hindi lang 'yan ang magiging kaparusahan mo," sabi ko at naglakad na papaalis. Mabuti nga hindi ko kayong saktan siya in physical. Magpasalamat na lamang siya na iyun lang ang nagawa ko. Bumalik na ako kina Samantha at pagkarating ko ay laking tuwa ko nang malaman sa mga katulong na gising na si Zephyr. Kaya dali-dali ko siyang pinuntahan kung saan ssiyang kuwarto. Huminto ako nang nasa tapat na ako ng silid at dahan-dahan pinihit ang door knob. Nakita ko sina Tita at Samantha na kinakausap si Zephyr. Napatingin naman sila sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil kay Zephyr na nakatingin sa akin. Baka isipin niyang ako talaga ang nagbigay ng pagkain sa kaniya at gusto siyang ipahamak. Lumapit sa akin sina Tita at Samantha. "Iwan namin muna kayo dito para makapag-usap kayo. Don't worry I already explain it to him na hindi ikaw ang nagbigay ng pagkaing hipon sa kaniya. Go, lapitan mo na siya." Napatango naman ako kay Samantha at tsaka sila lumabas ng pinto. Huminga na muna ako ng malalim at naglakad papalapit sa kaniya. Ngayon ay nakatingin na siya sa bintana. Humunto ako na medyo malayo sa puwesto niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" untag ko. Lumingon siya sa akin na seryoso ang mukha. Hindi pa rin talaga ako kumportableng kausapin siya kung kaming dalawa lamang. "I'm fine," sagot niya. "Mabuti na lang at hindi naging malala ang nangyari sayo," sabi ko habang ang mga kamay ko ay nasa likuran ko. Napatingin ako sa sahig. "Nangangagat ba ako kaya ang layo mo sa akin?" Napatingin ako sa kaniya at nakita kong sinesenyales niyang lumapit ako sa kaniya. Lumapit naman ako. "Ang akala iyun na ang magiging katapusan ko," sabi niya. "Huwag mo ngang sabihin 'yan." "And you're concern, huh?" "Of cource, mag-aalala kami kung malamang may nangyayari ng masama sayo. Ang tanga ko kasi dahil nagpaloko ako sa babaeng iyun," sabi ko. Nakita ko namang kumunot noo siya. "Who? Is she the woman who gave you food to give to me?" tanong niya. "Oo, babaeng mukhang patay na patay sayo pero hindi ko alam kung bakit niya pa nagawa 'yun sayo?" tugon ko. Napaisip ako, siguro dahil alam niyang sa akin lumalapit sa akin si Zephyr ay naisipan niyang sa akin ibigay ang pagkain para ibigay ito kay Zephyr upang sa ganoon ay ako ang mapagbintangan na gumawa nun at para na rin iwasan ako ni Zephyr. Ngunit nagtagumpay man siya sa balak niyang maibigay ko iyung pagkain ay hindi naman siya nagtagumpay na paniwalain ang mga tao na ako ang balak ng lahat. But sorry for her I will not let that happen. Ako pa ang gagawin niyang masama, ha. "I will let that woman go. I'll just be thankful that I'm still alive at matutuloy ko ang panliligaw sayo." Bahagya akong nagulat nang dahil sa sinabi niya. "Iyan talaga ang inalala mo kesa ang kaligtasan mo?" Napahawak ako sa aking bewang at tiningnan siya. Natatawa naman siya. "Oo, papalagpasin ko pa ba ang pagkakataon na ligawan ka ngayong alam kong pumayag ka na," nakangiti niyang sabi. Ang lalakeng ito parang hindi dinanas ang hirap sa pagkakaroon ng allergy niya. Mukhang masigla na siya ngayon na parang walang nangyari at aking ikinatutuwang makita siyang maayos. Nagtataka naman akong nakatingin sa kaniya ng inaaya niya akong umupo sa kaniyang kama. Ano ako uto-uto? Ayaw ko nga. Umiling iling ako. Okay na ako sa pwesto ko. "Please ngayon lang. May ibubulong ako sayong mahalagang bagay." Idinikit niya ang dalawa niyang palad at ngumuso na parang bata. Hindi ko naman napigilan ang aking sariling napangiti sa ginawa niya. Ang cute niyang tingnan. "Hindi mo ba pagbibigyan ang poging mukhang ito?" pangungulit niya kaya tumango ako sa kaniya at lumapit sa kaniyang kama bago umupo dito. Sobra naman siyang ngumiti dahil sa napasunod niya ako sa gusto niya. "Ano bang sasabihin mo sa akin at kailangan mo pang ibulong," sabi ko. Kailangan namang sabihin na lang nang hindi binubulong, eh. Saglitan siyang napataas ng isa niyang kilay habang hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Mabilis itong lumapit sa akin na siyang ikinahinto ko. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga na dulot ng kaunting kiliti sa akin. "I love you," mabilis niyang sabi at tsaka lumayo sa aking tenga. Tila nanigas naman ako dahil sa kaniyang sinabi. "That's all I want to say," sabi niya at kumindat sa akin. I'm speechless. A—ano? I love you? Teka sinabi niya lang kanina na gusto niya ako at ngayon mahal na agad niya ako. Seryoso ba siya sa kaniyang sinasabi? Ramdam ko rin ang lakas ng t***k ng aking puso na sobrang pamilyar sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin nito dahil napagdaanan ko na rin ito kay Nico. "Ano? Tumalab ba ang magic word ko." Lumingon ako sa kaniya at kumuha ako ng isang unan sa kaniyang tabi at inihampas ito sa kaniya. "Nakakainis ka. Iniinis mo talaga ako!" sabi ko. Hindi ko talaga alam ang sasabihin dahil sa sinabi niya. "Hahaha...tumalab nga—haha—aray." Napahinto ako sa pag hampas sa kanya ng bigla siyang umaray. Teka nakalimutan kong hindi pa pala masyadong malakas ang katawan niya dulot ng kanyang allergy. Nakita ko sa kanyang mukha na nahihirapan na naman siya. Oh my...anong nagawa ko? Dahil sa taranta ko ay sumampa ako sa kama at hinawakan siya. "Zephyr, huwag ka namang magbiro ng ganito," kinakabahan kong sabi. "Damn it," tugon niya lang sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. "Anong masakit? Saglit lang tatawagin ko sina tita para mabigyan ka ng gamot." Bababa na sana ako sa kama ng bigla niya akong hinila at nilayakap na dahilan upang mapasubsub ako sa kaniya habang nakahiga. Nanlalaki naman ang aking mata dahil sa ginawa niyang paghila sa akin. "Ikaw lang sapat na," sambit niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita siyang nakangiting nakatingin sa akin at tsaka ko napagtanto na umaarte lamang siya. "Ang sama mo! Bakit kailan mong gawin iyun sa akin, ha? Sa tingin mo ba nakakatuwang gawin mo 'yun," naiinis kong sabi. Balak ko na sanang umalis sa kaniyang pagkakayap ng higpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Tumagilid naman siya ng higa at napasama naman ako. "Now I know na ang cute mo palang mag-alala," sabi niya. Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa ang lapit ng aming mukha. Amoy na amoy ko rin ang mabango niyang hininga. "Bitawan mo na ng ako," pagpupumilit kong kumawala sa kaniya. Bakit habang yakap yakap niya ako ay hindi ko magawang magalit sa kanya? "Maaari bang manatili na muna tayo sa ganito? Just five minutes," tugon niya at pumikit. Wala akong nagawa kung 'di ang pagbigyan siya kahit na ba hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Nasa akin pa rin ang takot na masaktan muli. Ngayon na parang ang bilis para maramdaman ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD