"Mukhang maganda ang gising natin, ah. Anong meron?" bungad sa akin ni Samantha pagkababa ko.
"Huh? Masama na bang maging masaya ngayon," tugon ko.
"Wala naman. But I'm happy to see you na medyo okay ka na and napagbigyan mo si Zephyr," sabi niya. Tama rin naman siya na kailangan ko pa ring subukang umibig muli. Ayaw ko namang mabaon sa lungkot habang buhay.
"Napatawag nga pala si Karina. Pinapasabi niyang nagiging maayos na ang kalagayan ni Zuri at hindi magtatagal gigising na rin daw siya." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Sana maging maayos na ang lahat, Samantha. Hindi na ako makapaghintay na gumising muli si Zuri para sa ganoon makapag-umpisa kami ng panibagong buhay," tugon ko.
"Yeah, parati lang tayong maniwala." Napatango ako na may ngiti sa labi.
Sabay na kaming pumunta sa Farm kung nasaan ang mga kabayong alaga dito. Nang makarating kami ay agad na sumalubong sa akin si Chloe na nauna na dito. Napasimangot naman si Samantha dahil parang hindi siya napansin nito. Napatawa naman ako sa kaniya.
Lumapit na kami kung saan naroroon ang mga kabayo. Habang naglilibot ako ng aking tingin sa paligid ay may isang tao akong nakita. Si Zephyr na my kausap na isang babae.
Hindi nalalayo ang pwesto nila sa amin sa kanila. Sino naman kaya ang kausap niyang babae ngayon? Hindi ko kasi makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin.
Hindi lumalapit sa ibang babae, ah? Pero ano itong nakikita ko? Hayy...Esmae naman baka may pinag-uusapan lang silang mahalagang bagay. Babaliwalain ko na lang sana sila pero mas ikinagulat ko nang i-kiss siya ng babae sa pisngi at talagang nakangiti pa ang mokong. Nakaramdam naman ako ng kirot sa aking dibdib dahil sa nakita. Heto na naman ako, sinabi ko ng ayaw ko ng masaktan pero bakit nararamdaman ko na naman ito kay Zephyr. Nagseselos ba ako. Pero hindi pa ako siguro kung gusto ko nga rin siya. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat.
"Esmae! Akala ko naman nakasunod ka lang sa amin. Ano bang tinitingnan mo diyan," sabi ni Samantha na papalapit sa akin at tumingin kung saan ako nakatingin.
"Ta—taran na," hindi ko naiwasang hindi mautal. Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako.
"Sandali lang, sino ang babaeng kasama ni Zephyr?" tanong niya sa akin. Kung ganoon hindi rin niya kilala ang kausap ni Zephyr.
Malamang na hindi niya makikilala Esmae dahil naka talikod ito.
"Hindi ko alam," nasagot ko na lang. Tumingin naman siya sa akin na para bang kinikilatis. Nagulat na lang ako ng hilain niya ako kaya agad ko rin siyang pinigilan.
"Samantha, saglit lang. Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Makikipag-usap din sa kanila," sagot niya. Ano? Ayaw ko nga. Ayaw ko naman silang abalahin sa sa pag-uusap nila na mukhang mahalaga. Wala akong pake kung ano mang gagawin o ginagawa nilang dalawa. Bahala sila sa buhay nila.
Mukhang ang sweet-sweet nila sa isa't isa. Nagbago na ba ang isip niya sa panliligaw sa akin, huh? Urgh... nakakainis bakit ko ba nararamdaman ito? Na bu-buwisit lang ako.
"Alam mo walang mangyayari if hahayaan mo ang iniisip mo sa kanila. Halika ka na at para mawala ang bumabagabag sa isip mo," pagpupumulit niyang pumunta kami sa kanila pero patuloy ko naman siyang pinipigilan. Kaya dahil sa ayaw ko talaga wala na siyang nagawa pa.
Nagpatuloy na kami sa aming pupuntahan pero ang isip ko ay si Zephyr na lang ang iniisip. Nang dahil sa lalakeng iyun sira na naman ang araw ko. Kahapon lang napaka sweet niya tapos ngayon may makikita ko siyang may kasamang babae akala ko ba iwas siya sa mga babae pero hinayaan niya lang na i-kiss siya ng babae at laking ngiti naman niya.
Lumapit ako kay Samantha na ngayon ay may katabing isang kabayo habang hinihimas niya ito. Si Chloe naman ay nakasakay sa kabayo kasama ang isang lalake na sa tingin ko ay dito rin nagtatrabaho.
"Ito nga pala si Tucker. Gusto mo bang subukan sumakay sa kaniya?" tanong niya sa akin na agad kong ikinailing.
"Hindi na. Hindi naman ako marunong sumakay niyan, eh," sagot ko sa kaniya.
"Hindi ka marunong pero nasubukan mo na. Kaya tumawag ako na mag-aalalay sa iyo," sabi niya. Mapilit talaga ang babaeng ito. Pero sino naman ang sinasabi?
"Sino?"
"Sino pa ba? Si Zephyr lang naman. Oh andiyan na siya," nakangiti niyang sabi. Napatingin naman ako kung saan siya nakatingin at nakita ko si Zephyr na kasama pa ang babae na kausap. Hindi ko maitatangging maganda ang babae.
Humarap ako kay Samantha at pinanlakihan siya ng mata. "Samantha," banggit ko sa kaniyang pangalan pero ngumiti lang siya sa akin. Okay na sana pero bakit kasama pa niya 'yung babae?
"Morning," nakangiting bati ni Zephyr pero seryoso lamang akong nakatingin sa kaniya na siyang ikinakunot ng kaniyang noo.
"Hi, so you are Esmae, right?" sabi naman ng babaeng kasama niya. Napatango lang ako.
"It's nice meeting you, Esmae. By the way, I'm Clara." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Nakipagkamay naman ako sa kaniya pero bumitaw din ako agad. Nakikita ko sa side view ko na natatawa si Samantha. Anong nakakatawa?
"Nandito na ako!" Napalingon naman ako sa likuran ko nang may sumigaw. Isa itong lalake.
"Ayan kumpleto na kayo. Ngayon may kapareha na kayo para sumukay sa kabayo," sabi ni Samantha.
"Sino sa kanilang dalawa ang isasakay ko," tanong ng lalake na hindi ko kilala. Guwapo rin naman siya.
"Ako," sagot ko sa kaniya na ikinalingon ni Samantha sa akin.
"Pero Esmae si Zephyr ang magiging partner mo," angal ni Samantha.
"Bakit hindi na lang si Clara ang isakay niya at ako na lang sa kaniya," tugon ko.
"Kung ganoon tara." Inilahad ng lalake ang kaniyang kamay sa akin at aabutin ko na sana ito nang biglang may pumigil sa aking kamay.
"Ang tigas ng ulo. Sabing sa akin ka," sabi ni Zephyr na siyang ikinagulat ko. Hinila niya ako papalapit sa kabayo na may pangalang Tucker. Napalingon pa ako sa kinatatayuan nina Samantha at pati sila ay hindi makapaniwala.
"A—no ba? Hindi nga ako sasama sayo, eh," sabi ko.
"Pag hindi ka tumahimik hahalikan na talaga kita," banta niya sa akin. Anong sinabi niya? Ang lakas naman ng loob niyang hilain ako. Pagkatapos nung Clara na iyun ako ang isusunod niya.
"Hin—" bigla akong napalayo ng inilapit niya sa akin ang kaniyang mukha.
"I warned you. Pag umangal ka pa hahalikan na talaga kita. I'm serious." Napatahimik ako. Sumampa naman na siya sa kabayong si Tucker at inilahad ang kaniyang kamay.
Inis naman akong tumingin sa kaniya. Kung hindi lang dahil sa sinabi niya malamang tinakbuhan ko na siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at inalalayan niya akong sumampa. Kinabahan naman ako bigla. Ngayon na lang ulit ako makakasakay sa isang kabayo.
"Kumapit ka lang sa akin," sabi niya. Kumapit naman ako sa magkabilang gilid ng kaniyang damit.
"Siguradong hindi pa tayo nakakalayo nahulog ka na." Lumingon siya sa akin at tiningnan ng seryoso. Humarap muli siya ng tingin at hinawakan ang aking dalawang kamay at pinayakap ito sa kaniya.
"Ganito ang hawak para masiguro kong ligtas ka." Hindi na ako nakaimik pa. Sa bawat na lumalabas sa kaniyang bunganga ay naaapektuhan ako.
Pinatakbo na niya ang kabayo at kumapit naman ako ng mahigpit sa kaniya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon.
"Just calm your self," sambit niya.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. Nakatingin lang ako sa paligid na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung anong lugar itong napuntahan namin. Kahit na medyo kinakabahan ako ay enjoy naman. Ang sarap pala sa pakiramdam ang sumukay muli sa ganito.
Hinila na ni Zephyr ang tali para patigilin ang kabayo at unti-unti nang bumagal ang takbo ng kabayo hanggang sa naglalakad na lang ito. Nang huminto na ang kabayo ay nauna nang bumaba si Zephyr at inilahad ang kaniyang kamay. Inabot ko naman ito at inalalayan niya akong bumaba. Itinali niya si Tucker sa isang kahoy.
"Tara."
"Kaya kong maglakad nang hindi hinahawakan ang kamay mo," sabi ko sa kaniya. Ibinababa naman niya ang kaniyang kamay at tinaas ang isa niyang kilay.
"Bakit ba ang sungit mo na naman sa akin? May nagawa ba ako, huh?" tanong niya tsaka niya nilapit ang kaniyang mukha sa akin. Agad naman akong napatalikod sa kaniya.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" pabalik kong tanong.
"Ano?" Nalilito niyang sabi. Hindi ako umimik. Aba! Mag-aalinlangan pa siya. May balak siyang mangligaw sa akin tapos makikita kong hinalikan siya ng Clara na iyun. Akala niya malulusutan niya ang nakita ko, huh?
"Sabihin mo sa akin kung anong nagawa kong kasalan sayo," pagpupumilit niya. Humarap ako sa kaniya.
"Anong meron sa inyo ni Clara?" seryoso kong tanong. Huwag na huwag lang siyang magsisinungaling at talagang malalagot talaga siya sa akin.
"Ano—"
"Patapusin mo muna kasi ako," pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Fine."
"I saw you with Clara and...she kiss you. May namamagitan ba sa inyung dalawa. Kung oo talagang makakalbo na kita at hindi na rin ako papayag na magpaligaw!" sigaw ko.
"Prfft"
Huh?
"Prfft...hahaha." Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Huwag mo nga akong tawanan. May nakakatawa ba sa sinabi ko, ha!" nabubwisit kong sabi.
"I don't believe—hahaha." Naiinis na ako sa kaniya. Maglalakad na sana ako para iwanan siya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Heto na titigil na," sabi niya pero nakikita ko pa ring natatawa pa rin siya. Napaikot naman ako ng aking mata.
"It's obvious na nagseselos ka." Titig na titig siyang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
"Hindi ah, ano naman karapatan kong magselos? Hindi pa naman tayo," sumbat ko. Kahit na ang totoo niyan ay nagselos ako ng halikan siya babaeng iyun pero ang loko parang wala lang sa kaniya.
"Walang namamagitan sa amin. She is my cousin. She kiss on my chick because that is her way to say hello to me. Now is it clear to you?" Bahagyang napaawang ang aking bunganga dahil sa kaniyang sinabi. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Walang halong biro? Kung ganoon—Oh my...nakakahiya. Ngiting ngiti naman siyang nakatingin sa akin.
"Wala kabang masasabi, huh?" nakangiti pa rin niyang tanong. Dahil sa sinabi ko sayang-saya ang lalakeng ito sa nalamang nagselos ako.
"Saan ba tayo pupunta ngayon?" pang-iiba ko ng usapan.
"You will see," sagot niya at marahan akong hinila.