"Kamusta ang pag-ibig mo? May bagong bumihag na ba sa puso mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Hindi pala nila alam ang tungkol sa pagpapakasal ko sana. Tanging ang nangyari lamang kina Mama, Papa at Andy ang alam nila. Wala silang kaalam-alam na tinakbuhan ako ng bridegroom ko.
"As for now, pass na muna ako tungkol sa pag-ibig na 'yan," tugon ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa closet.
"Bakit naman? Si Cham pa rin ba ang laman ng puso mo?" tanong niyang muli. May parte parin naman sa aking puso na inaalala si Cham ngunit isa na lamang siyang masayang alaala sa akin.
"Yes, Cham is still part of my heart but I have another reason."
"What reason?" Ang hirap naman ipaliwanag sa kaniya. Umuurong ang dila kong sabihin sa kaniya.
I sighed."Maniniwala ka kaya pag sinabi kong tinakbuhan ako ng bridegroom ko sa araw mismo ng kasal namin," sabi ko.
Napatakip siya sa kaniyang bibig at tumingin sa akin na hindi makapaniwala. "Really? Ikakasal ka na pero...Urgh, sino ang lalake? How dare him to betray you? How come na nagawa ka pa niyang iwan? Hindi ba niya alam na ang suwerto na niya sa iyo," Mapait akong ngumiti.
Kasalan ko din naman ang lahat dahil nagpaloko ako sa kaniya. Pero tapos na ang lahat sa amin at ang kailangan ko na lang ay tuluyan ng ma ka move on sa kaniya at mamuhay muli ng normal kahit na ba marami ng nagbago.
"Yeah, ipinaramdam ko sa kaniya ang totoo kong pagmamahal but still he choose to hurt me," sabi ko.
"I'm sorry Esmae dahil wala kami sa tabi mo nang mga oras na pasan-pasan mo ang problemang nangyari sa buhay mo. We don't expect na mangyayari lahat ng iyun sa iyo. But we promise to you, tutulungn ka naming maka move on sa iyong nakaraan," Napayakap ako sa kaniya. Sana nga maghilom na ang sakit na nararamdaman na mas masakit pa sa sugat.
"Mahirap talaga, Tayo na nga ang nagmahal ng totoo tayo pa ang sobrang nasasaktan sa pang-loloko nila sa atin," Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Bakit? Nasaan na ba ang ama ni Chloe?" tanong ko.
"Pinaniwala niya akong, ako naging una niya pero ginawa niya akong kabit. Kaya ayun mas pinili kong iwan siya kahit na alam kong mawawalan ng ama si Chloe," pagkukuwento niya. Pati din pala siya bigo sa pag-ibig.
Alam kong lahat ng mga nangyari sa amin ay maydahilan. Siguro ito ang tamang landas o itinuwid lamang kami sa bagong buhay at bagong pagkakataon na mamuhay ng masaya.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Ngayong araw ay mamasyal kami sa Farm ni Tito na matagal ko ng hindi nakikita. Hindi ko alam kung nagbago na ba ito at mas lalo pang gumanda.
Nakaligo at nakapagpalit na ako. Narinig ko namang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali ko itong binuksan at nakita si Samantha. Bumababa na kami sa stairs.
"Good morning ate!" masiglang bati ni Chloe pagkarating namin sa dining area. Napangiti ako. Kung siya ang sasalubong sa akin ay malamang sisigla din ang araw ko.
"Umupo na kayo at kumain na muna kayo para may lakas kayo sa paglilibot," sabi ni Tita. Umupo naman kami at nag-umpisang kumain. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam na kami at naglapakad papunta sa Farm.
Tama nga ang hinila ko na mas lalo itong gumanda. Nasa mataas kaming parte kaya kitang kita namin ang lawak ng Farm. Ang tahimik ng paligid at ang simoy ng hangin ay nakaka relax. Mae-enjoy mo talaga ang tanawin.
Pumunta kami sa isang cottage na sobrang pamilyar sa akin. Pumasok kami ni Samantha sa loob at naabutan namin si Tito.
"Nandirito na pala kayo. Oh siya maupo na muna kayo. May gusto lamang akong ipakilala sa iyo, Esmae," sabi niya. Napangiti naman ako. May ipapakilala? Sino naman kaya?
Ilang saglit pa ay may bumukas ng pinto at paglingon ko ay halos lumuwa ang aking mga mata nang makita kung sino ang lalaki. Ano? Bakit siya nandito?
Napatingin siya sa akin habang nakangiti at kumindat ito sa akin dahilan upang kumunot ang aking noo. Totoo ba itong nakikita?
"Nandito na siya." Napatingin naman ako kay Tito. So, siya ang sinasabi niyang ipapakilala niya sa akin.
"Esmae, siya si Zephyr. Zephyr ito nga pala si Esmae," pagpapakilala niya sa amin.
Hindi ko alam na magkikitang muli kami at dito pa. Ang akala ko huli na naming pagkikita iyung kagabi pero mali pala ako. Dahil kilala pala siya ni Tito.
Inilahad niya ang isa niyang kamay sa harapan ko. Tumingala naman ako sa kaniya at tinignan siya ng blanko.
"Nagkita ulit tayo?" Ang sabihin niya sa una palang alam na niyang kilala ko si Tito at hindi pa iyun ang huli naming pagkikita.
Nakipagkamay ako sa kaniya at umiwas ng tingin.
"Magkakilala na pala kayo, eh. Nice kung ganoon," sabi ni Samantha habang nakangiti. Hmm...nice nga talaga.
"Zephyr maaari mo bang samahan si Esmae sa pamamasyal," sabi ni Tito na siyang ikinagulat ko. Ano? Siya?
"Tito hindi na po. May kasama na ako si Samantha—"
"Sorry Esmae nakalimutan kong sabihin na hindi ako ang sasama sa iyo, si Zephyr ang makakasama mo," pagpuputol ni Samantha sa aking sasabihin. No...ayaw kong makasama ang lalakeng ito.
"Sige na hija. Mage-enjoy kang kasama siya," sabi ni Tito. Wala naman na akong nagawa kung 'di ang sumunod. Tumayo ako pero bago kami umalis ay tumingin pa ako kay Samantha na nakikiusap pero sinabi lang nitong go.
Dahil sa inis ko ay inunahan ko nang naglakad si Zephyr. So, Zephyr pala ang pangalan niya ha but I don't care.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang hindi lumilongon sa aking likuran. Pero parang wala lang ang bilis ko sa paglalakad ko sa kaniya dahil sa malalaki nitong hakbang.
"Wala ka bang balak na hintayin ako?" Hindi ako sumagot at hindi siya pinansin.
"Ganyan mo ba tratuhin ang taong tumulong sayo?" Hindi ko pa rin siya nilingon at sinagot. Ayaw kong makipagsabayan sa kaniya sa paglalakad.
"By the way nasiyahan pala ako sa pagbabasa. Nice story huh? The Princess Wish."
Napahinto ako sa paglalakad ng sabihin niya iyon. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong hawak-hawak niya ang notebook ko kung saan nagsulat ako ng story.
"Is it yours?" nakangisi niyang sabi at ipinakita sa akin ang notebook. Talagang iniinis ako ng lalakeng ito. Bakit naman napunta sa kaniya iyan?
"Give that back to me," utos ko.
"Bakit hindi mo subukang kunin sa akin," ang sabi niya.
Lumapit ako sa kaniya at inabot ang notebook na pagmamay-ari pero itinaas niya ito gamit ang isa niyang kamay at dahil sa mas matangkad siya kaysa sa akin ay hindi ko kayang abutin. Pinilit ko pa rin ang sarili kong abutin sa pamamagitan ng pagtalon.
"Ano ba? Ibigay mo na nga sa akin iyan!"
"I don't want," ang sabi niya.
Tumalon ako ng mataas hanggang sa aking makakaya pero bigo pa rin ako at sa hindi ko inaasahan ay na out of balance ako pagkababa ng aking paa sa sahig. Ngunit hindi natuloy ang pagbagsak ng aking katawan sa sahig dahil agad akong nahawakan ni Zephyr. Nasa aking likod ang kaniyang kamay bilng suporta.
A—ang lapit ng mukha niya sa akin. Nagkatitigan kami. Heto na naman, hindi ko maalis sa kaniya ang aking tingin.
"Guwapo ba ang mukhang ito?" Dahil sa sinabi niya ay nagising ako sa realidad at malakas siyang itinulak palayo sa akin.
Napalunok ako ng sarili kong laway. "A—akin na kasi ang no—notebook ko," nauutal kong sabi. Bakit ba ako nauutal, ha? Esmae concentrate, huwag kang mawala sa sarili mo.
"Anong nanyari sayo?" natatawa niyang sabi. Ang sarap saktan ng lalakeng ito, promise.
"Bahala ka sa buhay mo," sabi ko bago tumalikod na sa kaniya at naglakad. Sa lahat ng pwedeng ipakilala ni Tito sa akin, bakit ang lalakeng ito pa?
"Hindi mo na kukunin sa akin ito?" sabi niya habang nakasunod sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Syempre oo naman mahalaga kaya sa akin iyun. Hindi ako ang may gawa ng story na nakasulat sa notebook ko. Si Mommy ang nagsulat noon para sa akin. Iyun din ang binabasa niyang kuwento sa akin noong bata pa ako. It is my best favorite story.
"Fine, sa akin na lang ito," sabi niyang muli. Hindi ko namang hahayaang angkinin niya ang notebook ko. Maghihintay lang ako ng pagkakataon para kunin sa kaniya iyon.
"Gaano ka na katagal dito?" tanong ko sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya at siya namang pag ngiti niya sa akin.
"Sa wakas kinausap mo rin ako,"
"Just answer my question," sabi ko. Ang dami pa kasing sasabihin, hindi pa kasi sagutin agad ang tanong ko. Curious lang ako kung gaano niya siya katagal dito?
Sumabay siya sa paglalakad ko. "I don't really know. Basta matagal na ako dito," paliwanag niya. Napatango naman ako at lihim akong napatingin sa pocket ng suot niyang jacket. Doon niya kasi nilagay ang notebook.
Napaiwas din agad ako ng tingin ng lumingon siya sa akin. "Malaki ang tiwala nila sayo at mukhang kilalang kilala ka na nila," sabi ko habang hindi lumilingon sa kaniya.
"Ikaw lang naman ang walang tiwala sa akin," tugon niya. Napaikot ang aking mata.
"Dahil hindi pa kita kilala katulad ng pagpapakilala nila sa iyo," sagot ko. Totoo naman eh. Hindi ako madaling mapaniwala sa ipinapakita ng ibang tao kung nais nilang mapalapit sa akin.
"Then let your self to know me,"
"Pag-iisipan ko," sagot ko.
Napalingon naman ako sa isang puno na medyo malayo pa sa amin. Agad akong napatakbo doon. Nang medyo malapit na ako ay naglakad na ako palapit sa puno. Nang tuluyang nakalapit ako dito ay sobra ang ngiti ko ng makita itong muli.
Napahawak ako sa kahoy na may nakaukit ng pangalan ko at pangalan ni Cham. Bumalik sa akin ang masasayang alala sa akin dito.
"Cham anong inuukit mo diyan?"
"Pangalan natin. Simula ngayon wala ng kahit na sino ang maaring pumunta dito dahil pagmamay-ari na natin ang lugar na ito."
"Wow! Totoo ba iyan Cham. Sa atin na ang lugar na ito?"
"Oo naman, ikaw at ako lang maaaring pumunta dito."
Napaka sayang balikan ang mga alaalang naging dahilan upang mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Cham. Hindi ko maitatanggi na miss na miss ko na siya.