"Mahalaga ba ang lugar na ito sayo?" tanong ni Zephyr.
"Hindi lang mahalaga dahil sobrang halaga nito sa akin," tugon ko.
Napatingin naman ako sa swing na gawa sa matibay na bakal ang upuan at tali. Ang huli kong punta dito ay naputol na ito pero bakit maayos na siya?
"Nang una kong punta dito, itong lugar agad ang nakaagaw ng aking pansin. Inayos ko din 'yang duyan," Napalingon ako sa kaniya.
"Ikaw ang nag-ayos?"
"Oo. Gusto mong subukan?" tanong niya tsaka lumapit sa akin. Matagal na ko ng hindi nasusubukan ang sumakay sa ganito kaya kung iisipin ko ay parang nakakatakot na.
"Don't worry, nandito ako para alalayan ka," sabi niya. Nahalata niya sigurong nag-aalinlangan ako sa pagsakay. Pinag-isipan ko na muna ang kaniyang sinabi hanggang sa pumayag na ako. Gusto kong subukan muli ang sumakay.
Umupo ako sa upuan ng swing at si Zephyr naman ay dahan-dahang itinulak ang duyan hanggang sa medyo lumalakas na. Napakapit naman ako ng mahigpit sa tali.
"Just relax you self and enjoy it," sabi niya na siyang sinunod ko. Unti-unti ay nagiging maayos na para sa akin hanggang sa tuluyan ko na itong nae-enjoy.
Pumikit ako at inenjoy ang pagtama ng hangin sa akin. Ang sarap sa feeling na para bang bumabalik ako sa aking pagkabata at inaalala na si Champ ang kasama ko.
Kung dati takot na akong bumalik dito dahil sa mga alaalang iniwan ni Champ pero ngayon masaya akong binabalikan ko lahat ng mga iyon.
Nang ihinto na ni Zephyr ang pagduyan sa akin ay nagpatuloy na kami sa pamamasyal. Ang destinansyon naman namin ay sa mga taniman.
Nang makarating na kami ay binati ako ng mga taong abala sa pagtatanim. Kita sa kanilang mga mukha na masaya sila sa mga gawain nila. Napahinto naman ako sa paglalakad nang mapansin kong huminto sa paglalakad si Zephyr. Napangiti ako nang makitang tinulungan niya ang isang ale sa pagbubuhat ng bitbit niya. Hindi ko maiitanggi na mabait din si Zephyr pero para naman siyang may kayabangan sa sarili niya.
Nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya at kumindat ito sa akin. Tukusin ko mata niya diyan, eh.
"Hija, ikaw ba si Esmae?" Napalingon ako sa aking likuran at isang ale ang nagtanong sa akin.
"Ahh, opo," magalang kong tugon.
"Nako, totoo nga ang sinabi ni sir Richard na napaka ganda mong babae at mukha pang mabait," sabi niya.
Napangiti ako sa kaniya. "Salamat po."
"Alam mo bang iyang si Zephyr, parating pumupunta 'yan dito para tumulong. Kaya hindi nakakapagtaka na agad niyang nakuha ang tiwala ni sir Richard," pagkukuwento niya. Siguro nga nagkamali lang ako noong una ng pagkakakilala sa kaniya. Ang sama ko naman dahil nasungit-sungitan ko siya.
"Sige hija, maiiwan na kita. Ipagpaptuloy ko lamang ang aking ginagawa," sabi niya. Napatango naman ako sa kaniya. Sakto namang tapos na rin si Zephyr kaya naglakad na ito patungo sa akin.
"Bakit ka ganyan makatingin? Nagaguwapuhan ka ba sa pagmumukhang ito?" sabi niya at itinuro ang kaniyang mukha. Ang yabang talaga.
Tumalikod ako sa kaniya at naglakad. Rinig ko naman sa aking likuran na tumatawa siya. Ang lakas mambadtrip ng lalakeng 'yun. Pasalamat siya magiging mabait na ako sa kaniya, simula ngayon.
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin ko na namang hindi siya nakasunod sa akin. Napalingon ako sa aking likuran pero hindi ko na siya nakita. Inilobot ko ang aking tingin pero wala talaga siya. Nasaan na siya? Tama bang iwan-iawanan niya ako?
Parang hindi ko yata kayang maging mabait sa isang tulad niyang lalake. Ngayon palang iniinis na niya ako. Bahala siya, iiwan ko na lang siya.
Humarap ako muli sa aking lalakarin ng biglang may sumulot na kung sino sa aking harapan dahilan upang magulat ako.
"Bakit ka nanggugulat?!" Pinagpapalo ko naman si Zephyr dahil sa bigla-bigla niyang pagsulpot sa aking harapan.
"Hahaha...hindi naman kita ginulat—hahaha." Patuloy lamang ako sa paghampas sa kaniya gamit ang aking kamay. Tawang-tawa pa siya na makitang nagulat ako.
Pinigilan naman niya ako sa paghampas sa kaniya. Hinawakan nito ang magkabila kong kamay.
"Hindi ka ba titigil? Ang dami ng nakatingin sa atin, oh." Ngumuso siya sa likuran kaya dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at tama nga siya. Halos lahat sila ay nasa amin ang kanilang tingin. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Ngumiti ako sa kanila at yumuko sabay sabing sorry po.
Hindi pa pala kami nakaklayo. Lumingon ako muli kay Zephyr at hinila na agad siya.
"Hanggang saan mo ako gustong hilain?" Napahinto ako at tumingin sa kaniya. Napbitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kaniya pero binigyan ko pa siya ng isang malakas na hampas.
"Aray ko naman! Magkakapasa ako dahil sa kakahampas mo sa akin," reklamo niya. Ang arte, ha.
Naiinis ko siyang tinignan. "Urgh, nang dahil sa ginawa mo naging kahiyahiya pa ako sa harapan nila."
"Hindi ka naman kahiyahiya sadyang nagulat lang sila na ganyan pala ang ugali mo," natatawa niyang sabi. Binabawi ko na ang sinabi kong magiging mabait ako sa lalakeng ito.
"Hilig mo bang bigla-biglang umaalis na lang at manggulat, ha?!" sigaw ko sa kaniya.
"Nope, kumuha lang ako ng tubig, here," sabi niya. Napatingin ako sa wahak niyang bottle na may lamang tubig. Kung ganoon pala dapat nagsabi man lang siya.Kinuha ko sa kaniya ang inabot niyang tubig.
"Soory for what I did. Hindi ko sinasadyang gulatin ka," paghihingi niya ng paumanhin. Napatango na lang ako at tumalikod na sa kaniya at naglakad.
Bumalik na kami sa bahay ni Tito para na rin makapagpahinga. Siguro naman nandoon na si Samantha.
Tahimik na lang din kami naglakad ni Zephyr hanggang sa nakarating na kami. Sinalubong kami ni tita sa labas nang makita niya kami. Pumasok na kami sa loob.
"Ate Esmae you're back!" Sinalubong naman ako ng kayap ni Chloe. Ang batang ito, para namang napakatagal kong nawala dahil sa sobrang higpit ng kaniyang yakap.
"Kasama mo pa pala si kuya pogi," sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Ano? Pogi ang tawag niya kay Zephyr. Lumapit siya dito at nag-apir sila sa isa't isa. Mukha yatang malapit sila sa isa't isa.
"Halika na kayo dito at para makapag meryenda na kayo," tawag sa amin ni Tita kaya sumunod na kami.
Nang matapos na kami ay nagpaalam na si Zephyr para umalis.
"Esmae, maaari mo bang ihatid sa labas si Zephyr," sabi ni Tita. Napatango naman ako kahit labag sa loob ko. Hindi ba siya makakalakad kung hindi siya sasamahan.
Tumayo na ako at naglakad na papuntang pintuan. Sumunod naman na si Zephyr sa akin. Pagkarating namin sa pinto ay siya na ang nagbukas dito at pinauna na ako.
"So, pano 'yan kita na lang tayo bukas," sabi niya.
"Paano mo naman nasabi na magkikita pa tayo bukas."
"Hindi natin maiiwasan 'yan. Magkikita at magkikita pa rin tayo dahil ako na ang pupunta sayo bukas." Bahagya namang bumukas ang aking bunganga dahil sa sinabi niya. Huh?
"Oo nga pala, ibabalik ko na ito sayo." Napatingin ako sa ihilahad niya, ang notebook ko. Kinuha ko ito sa kaniya. Nakalimutan ko na ang tungkol dito kanina na balak ko pa sanang kunin sa kaniya pero siya na lang din ang nagbalik.
"Kita na lang tayo bukas," sabi niya bago nakapamulsang umalis.
Napatingin ako sa hawak kong notebook at pumasok na sa loob. Napahinto ako sa palalakad nang makita ko si Samantha na busy sa panonood. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Kumuha ako ng pop corn sa lamesa at kinain.
"Kamusta kayo ni Zephyr?" tanong niya na may ngiti sa kaniyang labi.
"May kasalanan ka sa akin. Bakit naman ipinaubaya mo ako sa lalakeng iyon? Alam mo ba inis lang ang idinulot niya sa akin kanina. Pinaghahampas ko na siya kanina pero kulang pa rin para mawala ang inis ko," paliwanag ko.
Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Anong nakakatawa?"
"Hindi ko lang kasi inaasahan ang sinabi mo. Nagawa mo talaga iyun sa kaniya, ang harsh mo naman," natatawa niyang sabi.
"Natatarapat lamang sa kaniya iyun," sagot ko sabay subo ng pop corn habang nakatuon ang aking tingin sa Tv.
"You know what...simula ng pumunta siya dito. Maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya at ni isa doon ay binaliwala niya. Parati niyang sinasabi sa sarili niyang siya mismo ang hahanap sa babaeng nakatakda para sa kaniya," sabi niya.
"Nagkagusto ka rin ba sa kaniya?" tanong ko.
"Honestly...no. Hindi siya ang tipo ng lalakeng hinahanap ko. Aaminin ko guwapo siya but still not. Ikaw, may gusto ka ba sa kaniya?" balik niyang tanong sa akin.
Mabilis naman akong umiling sa kaniya. "Anong klaseng tanong naman 'yan? Syempre naman hindi," sagot ko. At iyun ang totoo.
"Esmae you need to move on na and start again. Hindi lahat ng lalake ay manloloko gaya ng ex natin. Merong iba diyan handang patunay at gawin ang lahat para iparamdam ang pagmamahal nila. Gaya ni Zephyr," sabi niya.
Talaga ha? Si Zephyr lang ba ang pag-uusapan namin dito?
"Teka pinagtutulakan mo ba ako kay Zephyr, huh?"
"Why not? Look Esmae, sinabi ko na sa iyo na hindi siya lumalapit sa mga babae na hindi niya kilala at lalong lalo na kung hindi niya gusto pero tignan mo nga naman maluwag niyang tinanggap na samahan ka niya sa pamamasyal."
"No, hindi 'yan magiging basihan para sabihin mong may gusto siya sa akin. It's a big no, period" angal ko.
"Okay, tingnan natin." Napahawak naman ako sa aking sintido at hinilot ito. Sumasakit ang ulo ko dahil sa usapan namin.
"Tama na, mag-iba na tayo ng topic okay," sabi ko. Bakit ba kasi siya ang naging sentro ng pag-uusap namin?
"Kung gusto mo siyang puntahan nasa malapit lamang ang bahay niya—"
"Shut up na Samantha." Iniba ko ang aking tono dahilan para tumawa siya. Itinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko.
Nang matapos na ang panood ay pumunta na kami sa sarili naming kuwarto. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Ibinagsak ko naman ang aking katawan sa kama.
Ang daming nangyari ngayong araw na ito at kasama na doon ang pam bubwisit ng lalakeng iyun.
Napahilamos naman ako ng maalala ko na naman ang lalakeng iyun. Sinabi ko ng hindi ko na siya pag-uusapan pa pero pilit siyang sumasagi sa aking isipan.
Kinuha ko ang isang unan at niyakap ito. Anong nangyayari sa akin? Bakit siya ang nasa isip ko?